Kabanata 33

2K 29 0
                                    

"Ilang beses pa para hindi kana makabangon ng tuluyan?" Natatawang tanong nito.

Kinuha ang wine glasses saakin harapan. Ipinasok ko ang dalawang daliri ko sa tangkay nun at inikot-ikot ko iyon sa dining table. Ang tatlong kalalakihan na si Zeus, David at Persues at pinag mamasdan ang bawat naging kilos ko.

Tahimik si Persues na nakikiramdam sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung alam niya ang mangyayari ito o hindi niya lang pinahalatang pati siya ay nagulat.

"You don't have to count that anymore.. matagal na akong patay. Matagal ko nang pinatay ang sarili ko para lang maging halimaw  at makaharap kang muli." Ako.

Tumikhim ito at inilapag ang kanang kamay sa lamesa. Nilaro nito ang bread knife habang nakatingin sa akin. Umangat ang kurba ng labi niya at binigyan ako ng makapangtindig labahibong tawa. Tila may nakakatawa nga sa usapan namin iyon.

"Cassiopin Alvarez. Ohh.. the person I loved and the person who broke my heart. Kung nasa katinuan lang ang iyong magulang ay malamang nanaisin niyang hindi mag salita ng kahit ano patungkol sa akin." Umiling nasabi nito.

"Protect your good image from the eyes of positive viewers, who may look at your bad appearance. Kaya ba nagawa mo sa kanya iyon. Kaya ba binaliw mo siya dahil Governador ka ng taong iyon at ayaw mong mabahiran ng kahit anong dumi ang pangalan mo?!" Sikmat ko sa kanya.

Nanginginig ang mga kamay ko sa galit. Pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Hindi sapat ang lahat ng mayroon ako. Kung ilalabas ko ang handcuffs na hawak ko at aarestuhin ko siya ay tiyak mababalewala lahat ng iyon.

"Hindi siya nabaliw dahil sa drugs Andra. Nabaliw siya ng iwan ko siya. Nabaliw siya dahil nalaman niyang may pamilya ako."

Dinukot ko sa sling bag ang hawak ko handcuffs. Madiin ang hawak ko ruon. Ang galit at init ay tila dumadaloy sa tuktok ng aking ulo. Hindi alam kung para saan ang pag sisinungaling na iyon.

"Save your skin from the corrosive acids from the mouths of toxic people. Dadating ang araw na ang lahat ng kasinungalingan mo ang mag bubunyag sa tunay mong balat mo." Madiin kong sabi ko.

Nag tama ang tingin namin. Nakipag tagisan siya saakin ng tingin. Hanggang si Zues Calderon, mismo ang bumitaw sa titig na iyon.

"There is no witness in this case Miss prosecutor. Matagal ng sarado ang kasong ito. Ang pamilya mo mismo ang ang sara nito at humingi ng absuwelto." Aniya.

"If you want to fight me, you better fly so f*cking high Andra Mira Alvarez." Madiin sabi nito.

"Hindi ako lilipad ng mataas para lang makalaban ka. Hihilahin kita pababa patungo ng empiyerno kung saan ka nababagay." Ako at umambang ilalabas ang handcuffs.

Ngunit napigil ako ni Persues sa nais kong gawin. Nanatiling nakatitig sa amin si Zues Calderon. At si David Lazaro.

"Is my son still your weakness?" Natatawang sabi nito.

Nag iwas ako ng tingin kay Persues at ibinaling kong muli ang tingin sa matandang Calderon.

"I used him to gather information about you." Madiin ko sabi at tumayo.

"Ang anak mo ay nanatiling baliw sa akin. Paano magiging kahinaan ko ito." Matalim kong sabi.

Gumuhit ang sakit sa dibdib mo ng bitawan ko ang salitang iyon. Pakiramdam ko ay ako mismo ang nag laglag sa kanya at nag traydor.

Binitawan ni Persues ang aking kamay. Tila nang hina ito sa narinig. Kaagad akong tumalikod at dumiretso sa labas.

Napahawak ako sa dibdib ko nang tuluyan akong makalabas sa mansyon. Ngunit di pa ako nakakabuwelo ay kaagad may kumiklat sa aking braso.

Tumambad sa aking ang malamlam na asul na mga mata ni Persues. Kaagad kong iwas ang tingin ko sa kanya.

"My baby, just used me for gather some information, huh?" Aniya.

Kumalat ang pait sa aking sistema. Hindi ko alam ang magiging sagot ko sa sinabi niyang iyon. Pakiramdam ko Y dinurog ko nga siya ng pino.

"B-bakit mo ako pinigilan?" Nanginginig na tanong ko.

"Ikaw ang prosecutor sa ating dalawa."

"Don't change the subject."

"Ginamit mo lang ba ako?" Tanong niya.

Hindi ako makatitig sa kanya. Siya mismo ang nag angat ng baba ko upang mag lebel ang tingin namin.

"Sinasabing mong gamitin kita. Kapalit ng pagmamahal ko. This is what I'm doing now." Ako.

Nakakahipno nga mga titig niya. Punong puno nang samo't saring emosyon ang aking puso. Habang unti-unti kiyang ninilalapit ang mukha niya sa akin.

Nang tuluyan niyang ilapit ang mukha niya huminto ito ng kaonti upang hindi mag dikit at mag isa ang mga labi naming dalawa. Naramdaman ko ang pag dapo ng mainit niyang kamay sa aking pulso.

Naramdaman ko ang pag haplos niya sa bangle bracelet na suot ko. Tila ba ipinararamdam niya sa akin na suot ko pa at hawak ang pangako naming dalawa.

Nanatiling seryoso ang mukha niya. Ngunit ang malamlam na asul na mga mata ang nag sasabing nangungulila siya sa isang bagay.

"Ten years ago, but you are still the innocent Andra I know." Malamyos niyang sabi.

"Tingin lang ang nagawa ng mawala ka sakin. Hindi ako papayag na hanggang ngayon ay ganun parin."

Hinawi ko ang kamay niyang nasa baba ko.

"Shut up. You're getting married." Mapakla kong sabi.

Nag iwas ito ng tingin. Kita ko ang pag galaw ng panga niya sa ginawa. Tila puno na ito sa mga sinasabi ko.

-may continuation

The Governor's SonWhere stories live. Discover now