Simula

8.7K 82 2
                                    


Nakababa ang balikat kong umuwi ng bahay. Habang hawak ko sa kanang kamay ang resume na mag hapon kong hawak.

I graduated with a bachelor of science. Ngunit kahit isang trabaho o tawag ay wala ako nakuha sa mga apply na ginawa ko.

Napabuntong hininga ako ng pinoproseso ang pagod na tinamo ko mag hapon. Kita ko ang patawag ni Glenda sa aking basag na cellphone, pero hindi na ako nag abalang sagutin pa iyon. Dahil hindi sapat ang kikitain ko kung sa tindahan ako ng tiyenelas mag ta-tarabaho.

Pag pasok ko pa lang sa kahoy na gate ay sinalubong na ako ni Auntie Nida.

"Oh jusmiyo! Nariyan kana pala ang Nanay mo nag wawala na naman!" Si Tita Nida.

Kaagad akong sumunod kay Tita na nag mamadaling lumakad. Inihanda ko na ang sarili ko bago pa man ako makapasok ng bahay.

Pag bukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin ang gulo-gulo namin gamit sa bahay. Ang mga damit na luha ni Mama ay nakasabog sa lapag. Lahat ng iyon ay tingin ko basa ng tubig.

Nakita ko siya nakasalampak sa malamig na sahig. Gulo ang buhok at naka makeup, ang pulang lipstick niya ay lampas lampas sa kanyang labi.

"Maiwan na kita rito, Andra." Ani sa akin ni Tita ay mabilis na pumihit ng alis. Alam niya kase ang mangyayari sa tuwing ganitong nag wawala si Mama.

"S-sige po salamat ko sa pag babantay kay Mama." Ani mo. Ngunit lang ito sa akin at pumihit ng alis.

Kinuha ko isa isa ang mga damit niyang nag kalat. Ngunit naramdaman ko ang mabibigat niyang yabag sa akin harapan.

"Hindi ba't sinabi ko nang wag kang aalis ng bahay ito??!!"

Bumalot ang ingay ng boses niya sa maliit naming bahay. Tingin ko ay pati ang nangungupahan sa kabila ay narinig ang malakas niyang bulyaw.

Napapikit lang ako ng isigaw niya sa pag mumuka ko ang tanong na iyon. Nag patuloy ako muli sa pag dampot ng damit.

Pero mabilis niya sa aking kinuha ang mga damit na nakuha ay isinabog muli iyon sa lapag.

"M-ma, nag hanap po ako ng trabaho." Gusto kong maiyak. Pero pilit kong pinipigil iyon sa harap niya.

Pero nanlisik ang mga mata nitong tumitig sa akin. At kinuha ang timbangan at ang medida sa cabinet at ibinagsak iyon sa harap ko.

"Kumain ka? Kumain kaba ng kung ano ano habang wala ako sa tabi mo ha?!"

"Kaya kaba umalis sa bahay? Dahil kumain ka?!" Duda niyang sinabi ay hinila ako upang maiapak ko ang aking paa sa timbangan niya.

Napapikit na lang ako. Habang wala akong ginawa kundi pag masdan si Mama na tinitingnan ang kilo ko kung dumagdag ba iyon.

"Dumagdag ito Andra! 109 lbs lang iyan, ngunit pag labas mo ay 110 na!".

"Sinungaling ka talaga bata ka!"

"Ma, uminom po ako ng tu—." Hindi ko na natapos iyon ng mabilis lumipad sa pisngi ko ang kamay niya.

Halos indahin ko ang sakit sa ang pisngi. Ngunit di pa man ako nakakabawi ay kaagad na niya ako naitulak mula sa pag kakatungtong ko sa kilohan. Dumulas ako duon ay malakas na lumagapak sa sahig.

Hinang hina akong napatitig kay Mama. Nag aapoy ang mga tingin niya sa akin. Kasabay nun ang unti-unting pag tulo ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Pagod na ako. Pagod na pagod na.

"Hindi ka kakain ng kahit ano ngayon gabi! Kahit pa tubig ay hindi ka iinom! Pag tumaba ka ay hindi kana makukuhang modelo katulad ko." Natatawang sabi nito sa akin.

Habang pinupulot ang medida at tinitingnan ang sukat ng akin braso, likod, tiyan.

Muli niyang isinakal saakin ang medida ng makita niya ang pasa ko sa aking braso.

"Letche ka! Ano to? Ano to????!!!" Halos mamalat na ang boses niya kakasigaw.

"Nadulas po ako Mama." Ako.

"Nadulas ka? Paano na ang balat mo pag pinabayaan mong ganyan? Paano ka magiging modelo?!" Gigil na singhal nito.

Napayuko na lang ako. At hinayaan ko siyang mag sukat ng masukat. Ngunit mabilis nitong kinuha ang buhok ko at pinatingal sa kanya.

"I-i... don't.. want to be a model... Ikaw lang ang may gusto ng bagay na iyan Ma." Ani ko habang nakatingala at pumapatak ang luha.

Nag tagis ang bagang niya at mabilis niya akong pinaghahampas. Hinayaan ko sa ginagawa niya hanggang sa mapagod ito.

Pag dilat ko ay madilim na sa bahay. Kung saan ako bumagsak kanina ay sa lugar narin ako na iyon nagising.

Narinig ko sa kuwarto ni Mama ang malakas nitong pag tawa at pag iyak niya. Napayakap na lang ako sa aking tuhod ay mataimtim na umiyak.

My mom was a rape victim. Sabi ni Tita ni Nida ay isang sikat na modelo ang Mama ko nuong kapanahunan niya. Sobrang sikat siya at maraming nag kakagusto sa kanya. Kahit pa ang iba ay taga ibang lahi nabibighani sa aking niyang kagadahan. Pero kalaunan may isang mayamang lalaki raw ang nag kagusto kay Mama. A powerful man.. isinama daw si Mama ng lalaki.. ngunit sa ilang buwan niyang pagkawala. Bigla na lang daw si Mamang iniuwi ng mga tauhan ng lalaking iyon. Naiuwi si Mama kina Tita Nida na wala na sa sariling katinuon.

She was raped and drugged... Sabi naman ng iba ay kabit daw ang Mama ko kaya't nabaliw ng iwan ito ng lalaking iyon.

Matapos iyon ay nalamang buntis si Mama.... Buntis siya sa akin... Pero ni isa ay walang makapagturo kung sino ang aking Ama.

The Governor's SonWhere stories live. Discover now