Kabanata 28

2.2K 38 0
                                    

Nakarating ako sa bahay ng mga Romero. Pinag masdan ko ang bahay na kahoy nito hindi mayaman ang mga Romero. Ngunit nagawa parin nilang ibingit sa pag katalo si Moris Lazaro. Tunay na matibay ang ebidensya niya sa kasong ng kapatid.

Napapikit ako ng mariin ng pagmasdan ko ang isang malaking bag ng pera sa aking tabi. Matapos ang dinner na iyon ay isang tauhan ni Moris ang pasimpleng lumapit sa aking dala ang isang bag na pera.

Bumaba ako sa kotse dala ang pera. Pinasadahan ko ng hawi ang mahaba kong buhok bago ako nag lakad patungo sa tapat ng pinto. Ngunit hindi ko pa man nakakatok iyon ay kaagad iyong nag bukas para sa akin.

Christian Romero, appeared to me. With a shocked face.

"A-ano pong kaylan niyo?" Tanong nito sa akin. Habang hawak ang isang used diapers. kaagad nitong inilagay iyon sa kanyang likod. At tumingin sa aking upang sagutin ko ang tanong niya.

"I'm prosecutor Alvarez. I am now handling Moris's case." Ako. Hindi ko na siya lolokohin.

Umamba itong isasarado ang pinto. Ngunit mabilis kong nahawi iyon at tuluyang bumukas. Kita ko ang gulat niya sa mukha. Ngunit hindi ko inabalang pag tuonan iyon ng pansin.

"You will not win the case." Ako.

"Huling pag lilitis na iyon. At siguradong panalo na kami. Paano mo na sabing hindi kami mananalo?" Puno ng tapang na sabi niya sa akin.

Binagsak ko ang bag sa kanyang harapan. Ang perang ibinayad sa akin ni Moris. It's better for them to pretend to be dead than to be alive. Manalo man sila ay mamatay rin sila.

"Withdraw that case. Or do not go to the final trial of the case. Dalawa lang ang pag pipilian mo Christian. "

"You still have family left. Isantabi mo si Christine. Isipin mo ang mga buhay mo pang natitirang pamilya." Wala emosyong sabi ko.

"P-paano mo nasasabi ang mga bagay na iyan? ! Wala kabang pamilya? Paano isasantabi ko ang kaso ng kapatid ko?!" Sigaw niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang galit niya ngayon.

Binukas ko ang zipper ng bag na nilapag ko sa harap niya. Ibinuhos ko ang lahat ng iyon sa harap niya.

Nanlaki ang mata niya ng makita ang napakalaking pera na iyon. Pero tingin ko ay hindi ko mababago ang ang kanyang prinsipyo.

"You have a daughter, you have a spouse. You have a disabled mother. Ngayon sabihin mo. Kung madamay sila dahil lang gusto mong manalo sa kasong ito. Walang silbe ang batas kung ang kalaban mo ay mas makapangyarihan sayo." Ako.

"Withdraw the case." Madiin kong sabi.

Napahilamos ito sa mukha. Nang ibaba niya ang kamay niya ay nakita ko ang mga mata nitong namumula. Nag iwas ako ng tingin at ibinaba ko ang mga mata sa ibang direksyon.

Namataan ko ang Inay nitong naka oxygen tank at walang malay.

"P-papaano? Mawawala na lang nag bisa ang lahat ng iyon? Mawawalan ng hustisya ang kapatid ko? Makakalaya ang walang hiyang iyon?" Nanginginig ang boses na tanong nito.

"Yes, I will take care of all that." Ako.

"W-what?!" Nanggigilid ang luha nito.

"Ako ang bahala sa kaso ng kapatid mo. Yes, hindi man kapanipaniwala. But I want you to know that I will take care of her case."

"Like you, I am also looking for justice." Ako at inabot ko ang talong passport patungo sa Canada.

Kung tatanggapin niya ang lahat ng ito. Aayon lahat sa plano ko. Kung hindi ay masisira ang lahat ng iyon. Kung ayaw niya ay wala akong magagawa upang mailigtas ang pamilya niya.

This is the only way i can give.

"M-mangako.. kang bibigyan mo katarungan ang pag kawala ng kapatid ko." Umiiyak na sabi nito na ngayo'y napaluhod na.

Matapos iyon ay umalis ako kaagad. Napapikit ako ng mariin habang tinatahak ang palabas ng Dela Rosa. Napahinto ako sa tulay kung saan ang una't huli naming pag kikita.

Napahawak ako sa railings nang maka baba ako sa kotse. Inihilamos ko ang dalawang kamay ko sa aking mukha.

Unti-unting nanghina ang binti ko ay napaluhod sa lapag. Pumatak nang walang habas ang aking luha. Naramdaman ko na lang ito ng mabasa mg mainit na luha ang aking pisngi.

Nanginginig ang labi ko ng kagatin ko iyon. Tila manhid. I've done too much. isang kasakiman na ang ginagawa ko iyon at hindi ito masikmura. I put Christine Romero's case aside for my own good.

Naramdaman ko ang malamig nahangin ng pilitin ko ang sarili ko at tumayo. Tinanaw ko ang walang hanggang lalim ng tubig na nasa tapat ko ngayon.

Pumatak ang maliit na butil ng ulan na pumaso sa aking balat. Matakpan ng butil ng ulan ang luhang patuloy na umaagos sa akin. Inabondona ko na ang lahat para lang sa pag hihiganting ito. Pati ang sarili kong anak na si Primsose ay isintabi ko para lang rito. Ngunit pakiramdam ko ay kulang lahat ng ginagawa ko.

Tila pati ang sarili ko ay inabandona ko na?

Ang mahinang hikbi at unti-unting lumakas na. Kumawala iyon sa aking labi. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tinatahak ko ang madilim na landas na ako lang. Ngunit ang sarili ko ay sumisigaw sa paghingi ng tulong.

Ngunit bago pa ako makapag isip ng hindi dapat. May humiklat sa aking braso. Bumagsak ako sa matigas na dibdib.

Pumasag ako sa pag kakayakap niya at tuluyang bumuhos ang luha ko. Kasabay ng unti-unting pag lakas ng ulan.

But he pulled me closer again. Hugged me tight. Nanlalamig ang buo kong kalamnan. Ngunit dahil sinakop ako ng bisig niya ay naramdaman ko ang init sa kanyang bisig.

"Umuwi na tayo, mag kakasakit ka Andra." Banayad na sabi niya sa pagitan ng pag hikbi ko.

"P-persues..." Nanginginig na sambit ko.

The Governor's SonWhere stories live. Discover now