Kabanata 31

2.1K 31 0
                                    

Ibinagsak ko lahat ng gamit ko nang makauwi ako ng condo. Isa isa kong inubad ang basang suot ko. Hawak ko ang lahat ng ebidensya patungkol sa kanyang Ama. Isang makapal na envelope ang ibinigay niya. Matapos iyon ay umalis ako sa bahay niya at iniwan siyang nag iisa.

Nanginginig ang kamay ko habang pinagmamasdan ko iyon. At napahinga ng malalim. Pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko. Tila hindi ko kayang makita ang kahayupang ginawa nila kay Mama.

Sa Statements ako unang nag simula.

Last week marso taong 1998 Gov. Zeus Calderon (law and court order) David Lazaro while qouting a forensic science laboratory report in the Cassiopin Alvarez case, said semen or sperm was found in the viscera sample.

Ang pahayag ni Calderon na tila negatibo sa mga alegasyon ng panggagahasa, ay hinamon ng ilang eksperto sa batas batay sa umiiral na batas.

The victim in her statement to doctors during medical examination has claimed both in physical assult as well as "complete" penetration by penis of the vagina.

The report is required to provide reasoning for the conclusion and the exact time of commencement and completion of the examination in the Cassiopin Alvarez case, ang medikal na pagsusuri ng 20 taong gulang ay isinagawa noong Marso 20 sa Dela Rosa medical habang ang insidente ay naganap umano. Sa penthouse marso 20 taong 1998.

Nabitawan ko iyon sa panghihina. Napakapit ako ng mariin at kumuha ng lakas upang buklatin ang lahat ng mga litrato kuha si Mama. Iba't ibang lalaki ang kasama sa litrato. Habang tulog ito at walang malay.

Boris Almazan.
Rei Rosales.
Alfred Angelo.
Grat smith.
Ronald Reagan.
Paulo Obando.
Frank Castillo.
Angelo Ferdinando.

Ang mga rapist na itinuro ni Zues Calderon upang maibaling ang lahat ng kasinungalingan niya. Ang mga ito ang idiniin niya sa kasong iyon. Gayong DNA lang niya ang nakita sa medical examination.

Ngunit lahat ng iyon ay patay na.

Hinawakan ni Prosecutor David Lazaro ang kasong iyon. Ang kasong isinampa ni Mama laban sa kay Zues Calderon. Ngunit pinagwalang bisa iyon ng hukuman dahil sa kawalan ng ebidensya. Binura ni David Lazaro ang lahat ng puwedeng magamit ni Mama laban kay Zeus Calderon.

Ayon sa examination lumabas na pinagamit si Mama ng Party drugs. Ang bawat footage na nakuha mula sa isang disco party ay nag sasabing kinuha si Mama ng tauhan ni Zues sa oras na alas otso ng gabi marso 15, hindi na nakabalik si Mama sa ginagawa nitong commercial. Ngunit hindi dineklara si Mamang nawawala dahil ang alam ng lahat ay may ugnayan si Mama at si Gov.

Ayon sa medical ay tatlong linggo na buntis si Mama. Base sa mga pasa nito sa report ay nagkaruon ng pag tatalo ang dalawa. Ang pasa at marka ng kamay sa leeg ni Mama ang nag papatunay sa lahat ng iyon. Sa hita ay maselang parte ng katawan. Patuloy na ilang beses hinalay ng iisang tao sng katawan nito.

Halos malukot ko ang papel na hawak ko habang binasa iyon. Hindi ko masikmura ang kahayupan niya. Paano din nagawa ni David Lazaro na hayaan ang lahat ng ito?

Inayos ko ang sarili kong mag tungo ako sa court room kung saan gaganapin ang huling pag lilitis sa kasong kinakaharap ni  Moris Lazaro.

Ngunit katulad ng napag usapan namin ni Christian Romero. Hindi ito nag tungo sa huling pag lilitis. Huling minuto na bago ideklara na dismissed ang buong pag lilitis. Ngunit kahit isang anino niya ay di dumating.

Hinilot ko ang aking sintido. Habang inaalis ang black robe sa aking katawan.

"Did you kill them?" Natatawang tanong ni Moris sa akin. Habang inaayos nito ang kurba ng tuxedo nitong suot.

"There is no need to know, whether I will kill them or not. Dapat ay maging masaya ka." Ako ay tinanggal ang pinakahuling piraso ng robe na suot ko.

"Salamat sa paglilinis ng mga basurang ginawa ng anak ko." Napatigil ako sa pamilyar na boses na iyon.

Nang ingat ko ang tingin ko ay tumambad sa aking ang nakangiting mukha ni dating prosecutors David Lazaro.

"Tatawin ko na malaking karangalan ang mag likod sa anak niyo." Nakangiting sabi ko. Kinuha ko ang kamay niyang nakaambang makipag kamay sa akin.

"Mukang mag kakasundo tayo Prosecutor Alvarez." Aniya.

"Ikinagagalak ko iyon kung ganun." Ako at binitawan sng kamay niya.

"I'm courting Prosecutor Alvarez.  Dad, I also want you to meet her." aniya at kimuha ang balikat ko. Upang makadikit sa kanya.

Nag taas ng kilay sa aking ang matandang Lazaro. Mapakla akong ngumiti at ibinaling ang tingin kay Moris. Ngunit binigyan niya lang ako na matamis na ngiti.

"Kung nililigawan mo siya. Bakit hindi mo siya ayain mag dinner satin, para sa isang selebrasyon?" Si David Lazaro.

"Tingin ko ay busy siya ngayon a—." Pinutol ko si Moris.

"Hindi ko tatanggihan ang imbistasyong iyan. Bilang tinatanaw kong inspirasyon ikaw Sir. Nakakagalak na imbitahan ako ng katulad mo. Gov Lazaro." Ako at ngumit sa kanya.

Naputol ang ngiti niyang iyon. Ang labi nito ay naging matuwid.

The Governor's SonWhere stories live. Discover now