Kabanata 35

2.1K 30 0
                                    

Unti-unting bumagsak ang straps ng suot ko mini dress sa aking braso. Rinig ko ang maliliit niyang mura.

The dress I was wearing fell on the floor. Dahil dress iyon at mabilis lang dumaosdus iyon sa aking binti. Nanatili itong nakatalikod. Habang hawak nitong ang itim niyang coat.

Alam kong hindi siya haharap. Kaya't nag tungo ako sa kanya upang kunin ang coat sa kanyang  kanang kamay.

"Ohh god!" Sigaw ko nang bigla itong humarap nakataas na ang kaliwang kamay ko upang abutin ang coat sa kanyang kanang kamay.

He groaned. I thought he would turn back again. Ngunit kaagad niyang inilagay sa aking harapan ang coat at mabilis muling tumalikod. Napahimas ito sa kanyang batok tila sagad na sa kanya ang lahat ng nangyayari.

"I'm sorry. I thought you didn't take off your clothes." Aniya.

"N-no it's fine." Ako at inayos ko ang coat sa akin. Kita ko ang pagtagilid ng kanyang ulo. Kaya't mabilis ko iyong inayos at isinuot.

Natigilan kami nang mag ring ang cellphone niya. Nakalapag ang phone niya sa maliit na coffee table. Kaya't kitang kita ko ang pangalan ni Mara ruon.

Nag tama pa ang tingin naming dalawa. Ang akala ko ay kukunin niya ang cellphone niya. Ngunit nanatili itong nakatitig sa akin.

"Bakit hindi sinasagot ang tawag ng fiancé mo?" Mapait kong sabi. Tinalikuran ko siya at naupo sa maliit na sofa malapit lang sa coffee table kung nasaan ang phone niya.

"Ayos lang na sagutin ko ang tawag niya?" Tanong niya sa akin.

Kumalat ang pait sa aking sistema sa tanong niyang iyon. Tila ibinigay niya sa aking ang pag dedesisyon kung sasagutin niya iyon o hindi.

"Ayos lang naman kung sagutin mo iyan. Tutal ay ikakasal naman na kayo. Hindi  kailangang tanungin sa aking kung sasagutin mo iyan o hindi."

"Matagal ng tapos ang sa ating dalawa... Kung makahanap ka ng iba sa sampung taong pag kawala ko ay hindi kita masisi..."

Pilit kong inayos ang huli kong sinabi. Ayokong maramdaman niya na hindi parin ako nakakaahon sa lalim na iniwan ng pag mamahalan naming dalawa. Kahit pa hindi ako sigurado kung minahal niya nga ba ako sa maikling kanahong iyon.

"Ayos lang at makahanap ng iba?" Malamig na tanong niya sa akin.

Tumayo ako sa pag kakaupo. Nanggigilid ang walang hiyang luha ko sa hindi ko malamang dahilan. Tumila ng ang ulan. Kaya't dali dali akong nag tungo sa pinto. Sinundan niya ng tingin ang ginawa ko.

"Andra, anong ayos lang ang sinasabi mo!?" Tanong niyang muli. Tingin ko ay napigtas ko na ang pasensya niya.

Bago ko pa mahawakan ang busol ng pinto ay kaagad niya na akong hiniklat at pinaharap sa kanya. Tumamabad sa aking ang madilim niyang mga mata at taas babang dibdib. Tingin ko ay dahil sa inis o galit.

"I said it's fine!  which one.. alin dun ang hindi mo maunawaan?! Ayos kang Persues! Ayos lang na sa sampung taon ay hindi mo na ako nahintay! Ayos lang iyon. Kung makahanap ka ng ibang papakasalan at ayos lang hindi kita pipigilan at wala sa akin ang magiging sagot kung ayos kang o hindi. Kase ayos lang talaga ayos ako." Nanginginig ang boses ko. Nakipag laban ako ng titig sa kanya.

Kita ko ang paggalaw ng panga niya. Ang titig na madilim ay mas lalong nag dilim. Nanliliit ang mata niya habang tinititigan ako.

"You're the only girl I've ever loved. At kahit kaylan ay hindi ko naisip na mag mahal ng iba Andra."

"Kahit kaylan ay hindi magiging ayos iyon. I have been patient for ten years. Para lang hindi ko masira ang lahat ng gusto mo."

"Hindi ako mag mamahal ng iba. Hindi ko naisip yun. Sa sampong taon hindi ko naisip na tumingin sa iba." Pag klaro niya.

Matalim ang titig ang ibinigay ko sa kanya. Naramdaman ko ang mainit na luhang gumuhit sa aking pisngi.

Sinakop niya ang kaonting espasyo sa aming dalawa. Ang mabango niyang amoy ay bumalot sa aking sistema.

He bent slightly. Halos maamoy ko ang mabango niyang hininga ng mag lebel kaming dalawa.

Naramdaman ko ang kanyang malaking kamay sa aking pisngi. he wiped my tears using his tumb. Sa posisyong ito tila ako isang batang lumuluha at nag susumbong sa kanya.

I felt his warm lips on mine... Napapikit ako ng hagurin niya iyon. Katulad ng pag halik niya dati. Mas lalong pumatak ang luha ko sa ginawa niya. He gently sucked my lower lip.

Matagal niyang nag lalaro sa aking labi. Naramdaman ko ang mainit ng kamay sa aking batok. Tila ba takot siya makawala ako.

Nanghihina ang mga tuhod ko sa ginagawa niya. Patuloy akong nag papatangay sa bawat agos at yapos ng kanyang labi. Tila matagal na ngulila sa bawat isa.

Nang mahanap ko ang aking wisyo ay kaagad ko siyan itinulak. Ngunit hindi iyon naging sapat upang maputol ang halik na aming pinag sasaluhan.

"Persues..." Tawag ko. Ngunit sa ikalawang pag kakataon ay niyapos niyang muli ako. Napahawak ako sa kanyang dibdib. Pakiramdam ko ay hindi ko na siya magagawang pigilan pa.

Bumitaw muli sa sa halik. Tila kumuha lang ng hangin. Nag tama ang tingin naming dalawa. Parehas kaming lasing sa halik na pinag saluhan.

The Governor's SonWhere stories live. Discover now