Kabanata 7

2.9K 47 0
                                    

Nangako ang dating Gov. Calderon na mag tutungo sila sa bahay namin. Nang matapos ang talumpati. Ngunit inabot na ako ng alas singkot ng hapon ay walang doctor at walang Gov. Calderon na dumating.

Inayos ko ang pag kakaupo sa silya habang nakaupo sa harap ng gate. Baka kase may mag tungo sila rito at di makita ang bahay namin. Kaya't nag hintay talaga ako. Inabot na nga ako ng dalawang oras ngunit ni anino ay wala.

"Diyan naman magaling ang mga nangangampanya na yan!"

"Ang mangako! Namapapako hanggang sa huli." Aniya.

"Malay natin sa ibang araw?" Di ko ko alam kung patanong ang tono ko. Pero di ako nawawalan ng pag asa.

Naupo ako ng maayos at pinag masdan si Glenda na mainit ang ulo sa nangyayari. Pumameywang ito at humarap sa akin.

"Alam mo Andra. Ang mga katulad niya ay di dapat iboto, dahil magaling lang siyang mang uto ng tao! Palibhasa ay gagamitin niya ang anak niya na...."

"Oo ang anak niya.. teka nakita mo na ba iyon?" Tanong niya sa akin.

Nag iwas lang ako ng tingin sa kanya. Ayokong sirain ang maganda niyang pag puri sa binatang anak ni Gov. Calderon, dahil kung sasabihin kong magaspang ang ugali nun ay di niya ako paniwalaan tiyak.

"Para siyang modelo sa brief, hot papa rin ang isang yun eh." Aniya at humagalpak ng tawa.

Humagalpak rin ako ng tawan sa sinabing iyon ni Glenda. Halos di ako makahinga kakatawa. Pero lahat ng tawa namin dalawa ay na bitin sa ere.

Perseus stood in front of the two of us... Napanganga si Glenda sa nakita at unti-unting natukop ang bibig.

Habang ako ay di pa nakakabawi, hawak niya ang isang box na tingin ko ay mga gamot.

Tamad itong nag taas ng kilay sa akin. At pinag masdan ako.

Kumalabog ang puso sa mga titig niya. Tumambad sa amin ni Glenda ang angelic face niya. Mayroon siyang medyo kulot na buhok.

Itim na itim iyon na binabagayan ng makapal niyang kilay, mahahabang katukap ng pilik mata. At perpektong panga.

Napakatangkad niya. At may makisig na katawan bakat iyon sa black sleeve niyang suot. Angat na angat ang maputi niyang kulay at medyo pinkish niyang labi.

I desire to ask them what good on earth did you do to deserve or get such flawless looks.

Parang isang modelo sa ibang bansa ang dating niya. At di mo paniniwalaan na nasa harap mo ang ganito kagwapong lalaki.

"Where do I put this stuff?" Aniya. Napasinghap kaming dalawa ni Glenda ng mag salita ito.

"Ak—." Glenda cut me off. Siya ang kumuha nun at ipinasok sa loob.

"A-ako na sir." At mabilis kinuha iyon kay Persues.

Naiwan kami Persues sa labas. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko sa kanya ba o sa lupa. Gusto kong kainin ng lupa na lang.

"Do you have work tonight?" He asked. Sobrang casual ng tanong niya.

"Y-yes Sir... S-salamat nga pala sa Daddy mo.. sa mga gamot na ibinigay niya." Halos mangapa ako ng sasabihin.

Umawang ng kaonti ang labi niya. Pero napalitan din iyon ng pag tikom at pinag masdan akong mabuti.

Lalo ako napayuko sa ginawa niya.

"I'm sorry last night." Aniya. Napatingala ako sa kanya. sa sinabi niya at tumingin sa kanya. Hinanap ko ang asul niyang mata. Pero siya naman ang nag iwas ng tingin.

"S-sir?" Ani ko. Para klaruhin ang aking narinig.

"Do I need to repeat that?" Iritableng sabi niya.

Bahagya akong tumawa at nilalaro ang daliri ko. Gusto kong pagaanin ang hangin saming dalawa. Ngunit pakiramdam ko ay parang malayo iyon. Malayong mangyari.

"You don't need to apologize Sir...  Ayos lang iyon." Ako.

"Ganun siguro mag laro ang mayayaman." Wala sarili kong sabi. Nag katinginan kaming dalawa. Dapat pala ay sinampal ko na pang ang bibig ko at na nag salita.

"Andra..." Malambing niyang sabi. Kilabutan ako sa ruon. Pakiramdam ko ay nag taasan ang balahibo ko ng tawagin niya ang pangalan ko.

Bakit niya alam ang pangalan ko?

Ay Oo, sa name tag ko.

"I am not playing with you... I'm really sorry last night."

"Pag kakamali ko iyon." Marahan niyang sabi.

Nag iwas ako ng tingin. Upang ibaling ang luhang nag babadya. Kapag naiisip ko ang gabing iyon. Kinakaawaan ko ng mariin ang sarili ko.

Hindi ko siya maintindihan ngayon, isa ba ito sa mga laro niya? Pakiramdam ko isa nga ito sa mga yun. Nakakatakot kung tatanggapin ko ang sorry niya.

Kumikirot ang puso sa dahilang hindi ko alam. Ang isang mayamang katulad niya, anak pa siya ng magiging gobernador ng lungsod.

Hihingi ng tawad sa katulad ko mababang mamamayan? Oo siguro dahil hinihingi niya ang boto ng ama niya.

Kaya siya ganito.

Tumingin ako sa kanya. Nakita ko ang mata niyang puno ng awa. Pakitang tao lang niya ito.

"Gusto mo ng makakain i tubig Sir kukuha ako!" Masayang sabi ko. Para lang maiwasan ang tila bato sa pagitan namin dalawa.

"No, there is no need." Aniya at hinawakan ang pulso ko para mapigil ako.

"F*cking sh*t!" He mumured.

Mabilis niya iyong nabitawan tila napaso sa aking balat. Ganun rin ang naramdaman ko ng hawakan niya ako tila ba napaso kami sa isa't isa. Mabilis siyang umalis at iniwan ako.

The Governor's SonWhere stories live. Discover now