Kabanata 19

2.5K 40 0
                                    

"Nag bibiro ka lang." Sagot ko at pinahiran ang luhang walang hiyang bumuhos sa aking pisngi.

Nag bibiro siya at hindi iyon magandang biro. Kung patuloy niyang sasabihin ang mga salitang iyon. Hindi ako mag dadalawang isip na paniwalaan iyon. Kung parehas kami ng estatado ay baka paniwalaan ko kaagad ang sinabi niya. Ngunit hindi.

Hindi.

"I can't read your mind.. hindi kita maintindihan.." hinaplos niya ang pisngi ko. Halos mapapikit ako ng maramdaman ko ang init ng kanyang palad.

"Mahal mo ako. Ngunit natatakot kang sumugal." Aniya.

Pinag masdan ko siya. Tinatamaan ng kaonting sinag ng buwan ang kulay asul niyang mga mata. Kasing ganda ng isang asul na isla.

Tumango ako ay pumikit. Hindi man ako nag salita ay alam na niya ang sagot. Buwan pa lang nang mag kakilala kami sa hindi magandang simula. Ngunit pakiramdam ko ngayon ay tila kilalang kilala niya ako.

Bawat kilos ko ay alam niya. Bawat paghinga ko ay nababasa niya. Bawat pag pikit ko ay alam niya ang ibig kong sabihin.

"I know Babe, you're just fucking scared to fall...  trust me."

"Hinding hindi mo pagsisihan ang pag sugal sa akin." Aniya at niyakap ako ng mahigpit. Isiniksik ko ang mukha ko sa kanyang dibdib. Pakiramdam ko ay sobrang safe ko sa mga bisig niya. Ninamnam ko ang bawat oras at minutong lumilipas. Hindi pinansin ang oras at hinayaan lang mag pati anod sa pag ibig niya

"I love you." Aniya muli. Binanggit na naman niya ang salitang iyon. Natatakot akong tugnan iyon.

"P-persues..." Pag tawag ko.

Ngunit ang yakap niya ay mas idiniin pa niya.

"You don't have to answer that word... Hindi kita pipilitin,"

"I will wait... Kahit pa matagal." Aniya.

Nag tungo kami sa veranda. Bumungad sa akin ang lahat ng niluto niyang pag kain. Kasama na ruon ang wagyu steak na sinasabi niya. Ang iba naman ay puro salad na. Ngunit tingin ko ay hindi ko pa iyon natitikman dahil pangkaraniwan lang ang lagi naming kinakain ni Mama.

"Let's eat." Aniya at sinalinan ang baso ko ng orange juice.

"Mukang masarap lahat.. hindi ko alam kung anong uunahin ko." Ako na namamangha sa lahat ng niluto niya.

"Try the main dish first, Babe." Aniya at inilapag ang magandang plato sa aking harapan na mayroong grilled wagyu steak at asparagus may grilled potato rin ito.

Kinuha ko kaagad ang knife and fork. At marahang hiniwa ang wagyu. Pinanuod niya ako sa ginagawa ko. Hindi ko pinansin ang hiya dahil talagang nagugutom na rin ako.

Nang mahiwa ko ay sinubo ko iyon kaagad. Kaonting nguya pa lang ang ginawa ko ay nadurog na kaagad ang wagyu sa aking bibig.

Sobrang sarap. Ngayon lang ako nakakain ng ganitong pagkain. At isang Persues Riley Calderon pag ang nag luto para sakin.

"It's good! Really good! Ang sarap nito." Masayang sabi ko at pumalakpak pa. Dahil sobrang sarap.

Bahagyang natawa ito sa naging reaksyon ko.

"I'm glad you enjoyed it. Ako ang nag luto kaya't alam kong masarap." Puno ng kumpiyansang sabi nito.

Nag tawanan kaming dalawa at masayang pinagsaluhan ang mga niluto niya. Hindi ko pinansin ang takot na dumagdag ang aking timbang ang alam ko lang ay masaya kong kasama siya. At masaya akong pinagluto niya ako.

Inubos ko ang cesar salad na gawa niya. Nang matapos iyon ay bigla itong tumayo sa kinauupuan niya at pumasok sa loob. Inabala ko ang sarili ko sa pag inom ng orange juice. Habang hinihintay siyang bumalik.

Nang bumalik ito ay may hawak na itong kulay pulang box.

"I have a gift for you." Aniya. Sa aking likod at hinalikan ang balikat ko.

"Hindi naman kailangan, wala naman okasyon." Ako.

Bahagya itong natawa. At umikot saakin upang mag harap kaming dalawa. Inilapag niya ang pulang Box na may pangalan Cartier.

"Open." Aniya. Unti-unti ko iyong binuksan.

Tumambad sa akin ang isang rose gold na bangle bracelet, sa tabi nun ay isang rose gold na screw rin.

"Sobrang ganda...." Mahinang sabi ko.

Kinuha niya ang aking pulso. At inilagay ang magandang bracelet. Inikot niya ang  screw nun upang mag bukas.

Ipinasok niya iyon sa aking pulso ng lumuwag iyon ng kaonti. Nang maipasok muli ay kinuha niya muli ang screw at hinigpitan ang kabit.

"I will secure the screw." Aniya at nginitian ako.

"This is too much. Hindi naman kaylangan ng ganito." Ako.

"This bangle bracelet is  a symbol of love and commitment. Promise me with all your heart, you will never let us fall apart."

"I promise to be committed to you and only you. I promise to be loyal and love you how you wish to be loved."

"Pangako iyan, Andra." Aniya.

Tumango ako habang ang luha ko ay walang tigil sa pag patak. Ayaw kong umasa. Ayokong isipin na hanggang dulo ito. Kahit pa sobrang komplikado ng lahat. Purong kapaitan ang naiisip ko sa tuwing sasabihin niyang mahal niya ako. Gusto kong mag laho na lang ang pag mamahal ko sa kanya. Ngunit tingin ko ay malabo ko iyong magawa.

Halos isang araw yata akong nawala. Hindi ko alam kung saan hahagilapin ang ipapaliwanag ko kay Tita Nida. Matapos ito.

Pinagmasdan ko ang bangle bracelet na ibinigay ni Persues sa akin.

"You like it?" Tanong niya. Habang minamando ang sasakyan.

"Oo, sobrang ganda nito." Ako at pinag masdan ko muli.

Lumulubog na ang araw ng umalis kaming muli sa bahay ng Mommy niya. Sabi ni Persues ay mas masarap ang night drive. Kaya't pumayag ako sa gusto niya.

Pero bago pa man sakupin ng dilim ang buong paligid. Napahinto na ang kotse namin. Sa gitna ng tulay patungo sa bayan.

Maraming mga kalalakihan na naka tuxedo ang nasa labas ng bawat kotse nila. Pero takaw pansin ang pinakahuling huling kotse sa hulihan.

"Stay here, Andra." Si Persues na seryoso ang muka ng lumabas ito kotse.

The Governor's SonWhere stories live. Discover now