Kabanata 9

2.9K 44 0
                                    

"Hey Riley!" Ani ni Mara ng kaladkarin ako ni Persues pababa ng hagdan patungo sa ibaba ng club.

Kita ko ang pagtagis ng bagang niya. Hindi niya binigyan pansin ang pag tawag ni Mara. Nag patuloy ito sa pag hila sa akin. Hanggang sa makarating kami ng labas.

"Ano ba?!" Inis na tanong ko. Dahil talagang hindi ko na siya maintindihan.

"Is this what you want, huh. Ang maging bayaran?" Inis na sambit nito ng bawiin ko ang kamay kong hawak niya.

He's handsome pero... Ang pagiging arogante ang sumisira sa maganda niyang imahe. Gusto ko siyang sampalin sa sinabi niyang iyon. Pakiramdam ko ay kay baba talaga ng tingin niya sa akin. Nag pakahirap ako para makuha ang trabahong ito. Tapos ay mamaliitin niya lang ako.

"Ikaw ang nag paparamdam saakin ng bagay na iyan!" Segunda ko.

"Sa halagang isang libo Andra? Seriously?" Iritableng tanong niya sa akin.

"Ano pakealam mo?"

"Trabaho ko ito. Ni hindi kita kilala at nakikialam ka sa buhay ko. Sino kaba sa tingin mo?" Ako. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Dahil sobra na talaga ang ugali niya.

Kita ko ang hinga niya ng nalalim sa sinabi ko. Umangat ang kurba ng labi niya at madiin niya akong tinitigan.

"Resign from this bullshit job." Aniya. Di ko alam kung utos iyon o sabi lang niya.

"Tingin mo ay susundin ko ang gusto mo?"

"Hirap na hirap akong mag hanap ng trabaho. At eto lang ang trabahong maluwag akong pinapasok. Ngayon ay gusto mong umalis ako dahil gusto mo lang?" Puno ng iritasyon na sabi ko. Nagigilid na rin ang sulok ng aking mata.

"I said resign this goddamn club Andra." Puno ng babala na sabi niya.

"No." Matigas kong sabi.

"You want me to shut down this whole fucking club just to get just to get kicked out here?" Naninimbang na sabi niya sa akin.

"Who do you think you are?" Nanghihinang tanong ko.

His cold stare burned like fire. Kita ko ang pag bukas ng niya namumula niyang labi. Tila may gustong sabihin ngunit napipigil lang niya iyon.

"Who do you think I am. In your eyes?" Malamlam niyang sabi at kinain ang distansya naming dalawa.

Kumalabog ang puso ko ng pulgada na lang ang lapit namin dalawa. Ngayon ay mas natatanaw ko lalo ang mala angelic nitong mukha.

Maamo iyon pero puno ng kadelekaduhan. Pakiramdam ko ay oras na pasukin ko ang mundo niya ay lalabas ako wasak at hindi alam kung paano pa makakabangon.

"Kung isa ito sa mga laro mo. Puwes wala ako panahon sayo Sir." Ako.

"Tingin mo ay nakikipag laro ako sayo?"

"Kung isa ito sa mga laro ko. Unang kita ko pa lang sayo ay ginawa ko nang miserable ang buhay mo." Kastigo niya.

"Bakit nang ipahiya mo ba ako? Di mo pa pinaramdam saakin iyon?" Matapang na segunda ko.

Gusto ko nang tumakbo ay iwan na lang siya. Ngunit ang mga binti mismo mo ang ayaw makinig sa akin. Dahil pakiramdam ko bawat hagod niya ng titig sa akin ay purong panunuya lang.

"Ihahatid na kita Andra." Aniya.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Ayaw kong makita niya ang luhang pilit na kumakawala sa akin. Mabilis akong tumalikod sa kanya at umalis sa harapan niya.

Wala na akong pakealam kahit ang suot ko ay ang pangtrabaho. Ang gusto ko na lang ay makatakas sa mga tingin niya sa akin. Ayokong makipag talo sa kanya. Walang silbe ang pakikipag agrumento sa mga taong kagaya niya.

Pero bago pa man ako nakabaling ng talikod ay nahuli niya kaagad ang aking palapulsuhan at ibinaling muli ako sa harap niya.

"Ano bang problema mo? Nasasaktan mo na ako Persues!" Ani ko. Kasabay ng medyo kalakasan asik ko sa kanya. Ang paglambot ng ekspresyon nito sa akin.

"Sabihin mo sakin, kung saang parte kita nasaktan." Aniya.

Hinila niya ang kamay ko upang mas lumapit pa sa kanya. "Tell me, babe with part did I hurt you?" He whispered.

This is bad...

Halos ilapit na niya ang mga labi naming dalawa. Pakiramdam ko ay nasa balon akong ng walang hanggan. Tila hindi natatakot mahulog. Kahit pa walang kasiguraduhan ang bagsak ko.

Napalunok ako sa sarili kong lahat habang ang nilalamon ako ng mga titig niya. Iniwas ko ang tingin ko. But he lifted my chin. Ngayon ay hanap niyang muli ang tingin ko.

Iniisip ko ang mga dahilan niya, kung bakit ginagawa niya sa akin ang bagay na ito. Ngunit wala akong makapang dahilan. Ilang beses lang kaming nag harap at nag usap ngunit ang tindi ng pananakop niya sa aking sistema. Pakiramdam ko ay naangkin na niya ang bawat espasyo sa akin. Nang ganun lang kabilis.

Tulala ako sa mga nangyari ng gabi na iyon. Habang pinapanuod ko si Glenda na nag luluto ng ginisang pakbet niya.

"Wala man lang sinabi sayo?"

"Hinalikan kaba niya?" Mag kasunod na tanong nito habang hinahalo ang laman ng kawali.

"Tingin ko ay hindi niya ako gusto. Gusto niya lang akong pahirapan. Baka trip lang niyang makitang miserable ang buhay ko." Ako at tumayo upang tingnan ang niluluto niya.

"Sabagay. Nakakapagtaka na bigla na lang siyang dumating sa buhay mo." Napaisip na sabi ni Glenda.

Yun rin ang naisip ko. Pero winaksi ko sa ibang bagay iyon. Dahil tingin ko ay napag kakatuwaan lang niya talaga ang gaya kong mahirap.

The Governor's SonWhere stories live. Discover now