Aguinaldo 4

8.8K 16 0
                                    


"Oh wow, that's a big one! San pa JR? Oh there?! Yey, nice fireworks noh!"

Martes. Isang oras na lang at sasalubungin na ng lahat ang bagong taon. Mula sa kanilang suite sa 17th floor ng hotel, karga ni Diane si JR habang nakatayo sila ni Dennis sa may glass panel ng kwarto. Nakasagad sa bawat gilid ng dingding ang mga kurtina kaya't tanaw na tanaw nila ang cityscape ng Manila.

Aliw na aliw si Diane na pinapakita kay JR ang makukulay na pailaw na sumasabog mula sa iba't ibang ibayo ng lunsod, nagpapaliwanag ng kalangitan habang papalapit ang hating-gabi. Nanlalaki ang mata ng baby habang tinuturo ang mga fireworks saka papalakpak sa tuwa. Mabuti na lang at hindi sya nakaduty sa ospital ng araw na iyon kaya't nakasama ni Diane ang mag-ama nya sa pagsalubong ng bagong taon.

"Tama nga din Hon yung naisip mo na magbook na lang tayo ng staycation package. Iwas usok at ingay na din kay JR, mas maeenjoy pa natin ang view." ani ni Dennis habang nakaakbay kay Diane.

"Oo kasi di ba last year inubo sya kinabukasan? Saka madaming offers na may kasama ng Media Noche, kesa mahirapan pa tayo magluto."

Maya-maya pa ay naghihikab na si JR at nagkusot ng mata. Bukod sa kanina pa dapat ang oras ng tulog nito, napagod din marahil dahil panay ang lakad kanina sa kwarto, inexplore ang bagong paligid.

"Oh, ihiga mo na sa cot Hon at magshashower lang ako."

Ipinasa ni Diane si JR kay Dennis na agad namang dumukdok na sa balikat ng daddy nya.

"Teka Hon, sama ko. Soak tayo sa tub, buksan natin yung complimentary wine."

"Tsk hindi na, mabilis lang naman ako, half bath lang! Mamaya na tayo magsoak, gusto kong mapanood muna yung fireworks ng 12 midnight."

Wala na ding nagawa si Dennis kundi sumunod. Sabi nga, happy wife, happy life. Pero hindi naman sa lahat ng bagay ay si Diane ang nasusunod, may mga pagkakataon din na submissive sa kanya si Diane at ginagawa nito ang gusto nya. Gaya na lang nung nangyari nung Huwebes, nang sa wakas ay nagpatikim ito kay Pareng Greg.

Habang tinatapik ni Dennis si JR sa loob ng kuna ay muli nyang pi-nlay ang video ng dalawa. Hindi pa rin siya makaget over sa naging katuparan ng kanyang pantasya. Makailang ulit na nya itong napanood ngunit sa tuwina ay tinatablan pa rin sya kapag nakikita nya ulit si Diane na tila porn star habang pinagpapasasaan ng kanyang kumpare.

Ang tagpong iyon ay bumuhay sa halo-halong emosyon habang nakasilip sya sa loob ng bahay at nasasaksihan sa kanya mismong harapan ang mga pangyayari sa salas: selos, pangamba, galit, at libog. Matinding libog.

Libog kay Diane na di nagawang pahupain ni Pam. Libog na tanging sa mahal na asawa lang nya mailalabas ng husto. At nagbalik sa kanyang ala-ala ang huli nilang pagniniig ni Diane…

-------------------------

Sabado. Magbubukang-liwayway ng maalimpungatan sya sa tunog ng lagaslas ng tubig mula sa shower. Gumagayak na marahil si Diane dahil maagang susunduin nila Greg si Pam, at susunduin din nila si JR sa mga lola nito.

Habang nasa banyo si Diane ay naisipan nyang i-play ang video ng dalawa, hininaan ang volume upang di madinig ng asawa. Nakaramdam na naman sya ng ngitngit na makitang pinagpapasasaan ng kumpare si Diane at halatang sarap na sarap din naman ito.

"Tang ina nag-enjoy ng husto si Greg, ako ilang araw na wala pa din ah!"

Di na mapigilan ni Dennis ang namuong init nya kay Diane. Dalawang beses na syang tinanggihan nito, this time ay hindi na pwedeng hinde.

Inabangan nya ang asawa sa gilid ng pinto ng banyo. Paglabas ni Diane ay agad nya itong sinunggaban mula sa likod, binitbit papunta sa kanilang higaan at walang sabi-sabing itinulak pahiga pahalang sa kama.

Aguinaldo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon