"No way Hon, ok ka lang?! Sumosobra ka na Dennis, naririnig mo ba yang mga sinasabi mo?" balisang tugon ni Diane.Hindi sya makapaniwala sa gustong mangyari ng asawa, kung bakit bigla na lang nito naisipan ang ganong bagay. Kahit nung di pa sila ikinakasal ay inuungot na iyon ni Dennis sa kanya ngunit mariin nyang tinutulan. Gayon pa man ay napapayag nga din sya nito nung nakaraan ngunit ngayon ay meron na naman itong hinihiling, at sa tono pa ay para bang wala syang choice kundi sumunod na lang sa gusto nito.
"Puro na lang yung gusto mo Hon? Lagi na lang ba kita pagbibigyan?!" nanlulumo at maluha-luhang sambit ni Diane, napaupo at napakapit sa poste ng kama.
"Hon pag-isipan mo muna please. Oh di ba nung nakaraan pumayag ka, nagustuhan mo naman di ba? Masaya ka naman kamo?" patuloy pa ding pangungumbinsi ni Dennis sa asawa.
Totoo naman ang sinabi ni Dennis, labag man sa loob nya nung una ay aminado si Diane na nagustuhan na rin nya at hanggang ngayon nga ay nag-eenjoy pa din sya. Ngunit ibang usapan na ang panibagong request nito, masyado nang mabigat ang hinihiling ng mister at mukhang hindi na nya kayang pagbigyan.
"Sorry Hon but NO. Kung ipipilit mo yang gusto mo, sige kahit magkahiwalay na lang tayo! Dito ka sa Batangas, kami ni JR sa Manila."
Bitbit ang laundry basket, dinampot ni Diane ang mga pinagbihisan ni Dennis at isinilid duon, puro lupa at may bahid pa ng dugo ang mga damit. Umuwing medyo maga ang mga kamao, nagdahilan ang mister na nagkapikunan daw sila kanina sa tong-its ng mga kalaro, nagkainitan at nauwi sa kaunting rumble na agad din naman naayos. Kung nalalaman lang ni Diane ang talagang nangyari.
"Aba napilitan na nga ako mag AWOL sa trabaho dahil gusto mo dito sa Batangas tayo mag-stay habang ECQ. Kung extend lang, sige walang problema. Pero mag fo-for-good na tayo dito?! No!!"
"Pero Hon---"
"Ah basta! Hindi pwede Hon, AYOKO! Tapos ang usapan!" at padabog itong lumabas na ng silid bitbit ang lupero.
Napasapo si Dennis sa kanyang noo at hinilot iyon, umiral na naman ang pagkabratinela ng asawa. Hindi na rin sya nagulat, inasahan din nya na hindi papayag si Diane na sa Batangas na lang sila pumirming mag-anak. Dahil mukhang nasanay na at nag-eenjoy din naman ito sa mahigit dalawang buwan na nilang pananatili doon, kaya umasa si Dennis na baka sakaling mapapayag nya ito sa kanyang plano.
Naisipan nyang ibenta ang kanyang negosyo sa Manila at magtayo na lang ng ibang kabuhayan nila sa probinsya. Ngunit dahil nandon ang pamilya at lahat ng kaibigan ni Diane, alam nyang nasa Maynila talaga ang buhay nito at malabo nyang mapapayag sa kanyang gusto.
Batid nyang temporary lang naman ang banta ng COVID, may matutuklasan din namang gamot at bakuna para sa sakit at babalik din ang lahat sa normal. Gayon pa man, gusto nya sanang sa Batangas na lang sila manirahan mag-anak upang maprotektahan din nya si Pam mula kay Kaloy, lalo't pinag-iisipan ni Greg na duon na lang ito magpatuloy ng pag-aaral.
Di nya maiwasang mag-alala para kay Pam kapag lumuwas na silang mag-anak pa-Maynila, hindi kasi naging maganda ang kanilang pag-uusap kanina ni Kaloy.
-------------------------
"Ulitin mo nga sinabi mo?!" sambit ni Dennis habang nakakunot ang noo at nagngangalit ang panga. Naningkit ang mga mata nito sa nadinig at agad napakuyumos ang kamao sa galit.
"Sabi ko... patikim mo din sakin si---"
Hindi na natapos ni Kaloy ang sasabihin at isang malakas na sapak ang tumama sa kanyang kaliwang panga, na sinundan ng tadyak sa dibdib kaya't napahiga sa lupa ang matanda.
"PUTANG INA MO!! PATI ASAWA KO!!!"
Inulan ng mga sipa at tadyak ang katawan ni Kaloy habang nakahandusay sa lupa, panay ang ubo at daing nito, iniinda ang malalakas na sipa ni Dennis sa kanyang tadyang. Di na nakaumang ng depensa si Kaloy at namaluktot na lamang patagilid upang protektahan ang kanyang katawan.