Aguinaldo 13

5.6K 12 1
                                    


Nakakatuwang pagmasdan si JR na mahimbing na natutulog sa mismong kuna na ginamit ng kanyang daddy nung bata pa ito. May baby picture nga si Dennis na naka ganong pwesto rin na tiger knee position habang natutulog sa kunang iyon, like father, like son talaga. Kinunan ni Diane ng litrato ang anak at agad sinend sa mga lolo at lola nito sa Manila na siguradong mamimiss ang kanilang apo. Mahina ang signal sa lugar nila dahil medyo liblib kaya't mabuti at pinalagyan iyon ng signal booster ni Dennis nung nakaraang taon.

Maghahating-gabi na sila dumating. Ang tipikal na mahigit dalawang oras na byahe lamang ay inabot ng siyam-siyam dahil sa dami ng nakasabay nilang naghahabol makalabas ng kamaynilaan. Matyaga silang inantay ng caretaker at ng misis nito. Mabuti at napalinisan ang bahay, lahat ng mga kurtina at kobre ay bagong laba at palit kaya't maayos silang nakapagpahinga.

Mga huni ng ibon ang gumising sa kanila. Iba talaga ang simoy ng hangin sa probinsya, sariwa at presko. Bukod sa walang polusyon, hitik sa puno at halaman ang paligid. Hindi mo na kailangan magbukas pa ng aircon dahil sapat na ang hanging pumapasok sa malalaking capiz na bintana na pinapaikot ng mga ceiling fan upang magsilbing bentilasyon ng kabahayan.

Makailang beses na din silang nakapagbakasyon sa ancestral house nila Dennis ngunit ito na marahil ang magiging pinakamatagal. Dati ay mahaba na ang isang linggo kung makauwi sila tuwing Mahal na Araw o Undas. Dahil sa pumapasok si Diane, kadalasan ay ilang araw lang sila namamalagi doon. Bahay iyon ng lolo sa tuhod ni Dennis na dating mayor ng kanilang bayan, doon sya lumaki kasama ang dalawa nyang ate na may kanya-kanya na ring pamilya at bahay ngayon. Wala na ang kanilang mga magulang kaya't nagsilbi na lamang iyong bakasyunan nila at ng mga umuuwing kamag-anak mula sa Maynila, o kaya ay venue ng mga reunion ng kanilang angkan.

Gawa sa bato ang ground floor kung saan naroon ang bodega, labahan, dirty kitchen at quarters ng kanilang katiwala kasama ang pamilya nito. May malapad na hagdanan patungo sa ikalawang palapag, ang main house. Yari iyon sa kahoy, may malalapad na wood panels sa sahig, mataas ang ceiling, at napapalibutan ng naglalakihang bintana paikot. Malalaki ang cut ng apat na kwarto at pawang antigo ang mga kagamitan at muwebles maging sa sala at komidor. Mula sa sala ay may malalaking pinto na nabubuksan upang kumonekta sa balkonahe.

"Tulungan ko na po kayo manang." presinta ni Diane sa maybahay ng katiwala habang naghahalo ito ng sinangag.

"Ay hinde, ako na to! Minsan lang kayo mauwi kaya dapat nagrerelax kayo lalo't busy kayo sa trabaho nyo sa Maynila eh."

"Nako sanay naman ho kami sa gawain, kami-kami lang din naman kumikilos sa bahay." sagot ni Diane habang naglalatag ng mga plato sa lamesa nang mapabaling sya sa may hagdanan.

"Nay eto na oh. Ay, good morning ate." bati ng matangkad na binatang may dalang basket ng mga hinog na mangga habang paakyat ng hagdan.

"Ah Diane, tanda mo ba si Bong, bunso namin? Bihira nyo makita yan dati at dun sa kapatid ko nauuwi yan madalas eh."

Inilapag ni Bong ang mga mangga sa lamesa saka binunot sa bulsa ang cellphone nito.

"Pag may ipapagawa kayo, utusan nyo lang yan. Kaso panay asa basketbolan yan! Kung andyan man, nakadukdok sa cellphone. Puro ML at FB kasi eh." litanya ng ale.

"Nanay talaga oh." napapahiyang sagot nito habang kakamot-kamot ng ulo.

"Hello Bong, binata ka na ah! Nako ganyan ata talaga mga kabataan ngayon manang, panay Youtube at Tiktok din."

"Ang galing mo ate, alam na alam mo ah. Te, pwede ba tayong magselfie? Fe-flex ko lang sa group chat namin hehe"

"Ahh, o-oh sige." Agad itong tumabi kay Diane na game namang ngumiti sa camera.

Aguinaldo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon