Aguinaldo 30

5K 9 0
                                    


"Tuloy ka pre. Kanina ka pa namin hinihintay."

Nang tumayo si Greg mula sa pagkakasubsob sa pagitan ng kanyang mga hita upang salubungin ang dumating ay hindi kaagad nakapagreact si Diane sa labis na gulat. Napatikom na lamang ang mga hita nito at napahalukipkip ang mga braso sa pagtatangkang takpan ang kanyang kahubdan habang nanatiling nakaupo sa ibabaw ng kitchen counter.

Akala ni Diane ay saglit lang kakausapin ni Greg ang dumating upang maituloy na nila ang mainit na tagpong nasimulan. Kaya't labis ang kanyang pagkabigla nang pagsilip pa lang ni Greg sa maliit na awang ng pinto ay agad itong nagpaanyaya na pumasok.

Lalo syang nagitla nang madinig ang boses ng lalaking kausap, at agad kinabog ng matinding takot ang dibdib na nagpatayo sa mga pinong balahibo sa kanyang batok.

"Oh my God! Ano'ng naisipan ni Greg?! Bakit nya nagawa 'to!" tulirong mga tanong ni Diane sa kanyang isipan.

Napalinga sya sa paligid, nangingilid ang luha, di malaman ang gagawin. Alumpihit na nakamasid si Diane kay Greg na nagmuwestra ng paanyaya upang tumuloy na sa loob ng unit ang kausap, at pigil-hininga nyang pinagmasdan ang unti-unting pagbukas ng pinto.

Nakangiti pa ito habang papasok sa bagong inuupahang condo unit ni Greg habang nakayuko sa kanyang cellphone at abalang dumudutdot ang hinlalaki sa screen. Sa pag-ahon ng paningin ay ganon na lang din ang pagkagitla sa kanyang nadatnan sa loob. Si Diane. Hubo't hubad na humahangos papunta sa pinto ng banyo at nagmamadaling pumasok doon nang hindi lumilingon.

Agad pumaling ang kanyang tingin kay Greg na noon ay may nakakalokong ngisi, bakas ang yabang sa tingin nito na tila tinutuya ang ekspresyon ng gulat sa kanyang mukha ng mga oras na iyon. Nakakunot ang kanyang noo sa labis na pagtataka, pilit pinoproseso ng utak ang sitwasyon, kung ano ba ang nangyayari.

Napalingon sya sa paligid ng unit. Puno ng iba't ibang produkto ni Diane ang lamesa, nakasabit ang bag nito sa sandalan ng silya, tanaw din ang mga pinaghubarang damit nito na nakapatong sa estante malapit sa pinto ng banyo.

Gulong-gulo ang kanyang isip, para syang binuhusan ng malamig na tubig sa eksenang di nya inasahang dadatnan. Bakas sa nablangko nyang mukha ang labis na gulat, napako na sa kanyang kinatatayuan kaya't tinabig pa sya ni Greg paabante upang maisara nito ang pinto.

"Ano pre, ayos ka lang?" ngingisi-ngisi nitong tanong na sadyang may bahid ng pagka-arogante ang tono.

Napalunok sya ng laway, napahigpit ang kapit nya sa kanyang cellphone, pilit kinakalma ang sarili. Sa dami ng gumugulo sa kanyang isip ngayon na gusto nya sanang itanong kay Greg ay di na nya malaman kung ano ang uunahin.

Tila ba sya nautal sa labis na pagkabigla. Kumakabog man ang dibdib, huminga sya ng malalim at sa wakas ay nakaipon ng lakas ng loob at nagwika.

"Aaah s-sir… San ko ilalapag 'tong pizza?"

Napahalakhak si Greg at itinuro na lang ang kitchen counter. Pumilas sya sa rolyo ng paper towel at pinunasan ang mga piraso ng cupcake na nagkalat doon maging ang naiwang katas ni Diane na nangingintab sa ibabaw ng granite countertop.

"Sige dito na lang brad, masikip na dun sa mesa eh."

Saglit na kinausap ni Greg ang delivery boy na alertong nakikinig at panay lamang ang tango sa bawat pangungusap na kanyang sinasambit. Nang mapaliwanagan na nya ito ay saka sinundan ni Greg ang kumare sa loob ng banyo.

"Pare ano ba 'to?!" bulong ni Diane kay Greg habang nakahalukipkip ang mga braso, bakas sa mukha ang pagkabalisa.

Bahagyang tinabig lang ni Greg ang pinto ng banyo pag pasok nito at nakangising nilapitan ang kumare. Tinitigan habang hawak ito sa magkabilang braso, saka yumukod at pinapak ng halik ang mukha ni Diane na napasandal na lang sa isang sulok. Napapapikit habang dinarama ang mga dampi ng halik ng kumpare sa kanyang mukha na ani mo'y sumusuyo at nang-aamo.

Aguinaldo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon