"Oh nak let's greet mommy… Happy Mother's Day mommy!!" sambit ni Dennis habang nakaupo sa gilid ng kama sa tabi ni Diane at sapo-sapo si JR.Inilapag nya ang anak na gumapang papunta sa kanyang ina, malambing na yumakap at kumiss kay Diane na kagigising lang at pupungas-pungas pa. Humalik din si Dennis sa pisngi ng asawa at iniabot ang bungkos ng mga puti at rosas na kalachuching pinitas nya sa bakuran.
"Aww ang sweet naman ng boys ko… Thank you! Nako hala kayo pinitasan nyo yung tanim ni manang! Hahaha"
Mahigit tatlong linggo na ang nakalipas mula nang magbirthday ni Dennis. Gaya ng inaasahan ng marami, muling na-extend ang ECQ kung kaya't nausod na naman ang pag-uwi ng mag-anak sa Maynila. Hindi pa malinaw kung mali-lift na ito sa akinse ng buwan o kung matatagalan pa ang pananatili nila sa Batangas.
Sa kabila ng nalaman ni Dennis at pansamantalang panlalamig sa asawa, nagawa nyang maibalik sa dati ang pakikitungo kay Diane. Mahirap pero alang-alang sa kanilang pamilya ay pinilit nyang isantabi na lamang ang nadiskubre nyang namamagitan sa misis at sa kumpare.
Nuong una ay halos ayaw nyang madikit dito kapag magkatabi sila sa kama, mahirap nga namang sumiping sa asawang alam mong nagtaksil sayo. Pero maging sya naman ay mayroon ding itinatago kaya't amanos lang silang maituturing.
Nang lumaon nga ay muli din namang nagbalik ang init nya sa asawa. Kakatwa man pero di nya mapigilang malibugan pa din kapag napapanood nya ang video ng dalawa. Ngunit iba na ngayon, kaysa ang pagiging cuckold, mas nangingibabaw ang pagiging possessive husband nya. Mas gigil syang angkinin ang alam nyang para sa kanya lang dapat.
Kahit naglihim sa kanya ang asawa ay pinalampas na iyon ni Dennis dahil di naman nya maitatangging mahal na mahal nya talaga si Diane.
"Nagkausap ba kayo ni Greg hon? Tuloy daw ba mamaya?"
"Ah oo, nagmessage nga kanina. Sineset-up na daw nila yung pool, papabombahan na daw nya ng tubig maya-maya."
Maging ang pakikitungo ni Dennis sa kumpare ay wala namang pinagbago. Kahit na pakiramdam nya ay tinraydor sya nito, pinili na lang nyang isantabi ang natuklasan. Mas gugulo lang kasi ang sitwasyon nila kaya't mas minabuti nyang magpanggap na lang na walang nalalaman. Ang mahalaga ay mapigilan nyang magpatuloy pa ang namamagitan sa dalawa.
Bantayan ang teritoryo, ganon na lang ang naging siste. Sinisigurado ni Dennis na nasa bahay sya kung dadalaw si Greg sa kanila. Kung kailanganin man nyang lumabas o may bibilhin, tinataon nya kapag alam nyang wala si Greg at sumama sa byahe ng produkto. Kapag nasa bahay lang ito o sa niyugan ay si Bong na lang ang inuutusan nyang lumabas.
Dahil walang masilip na pagkakataon ay napilitan ngang mag-lie low ang dalawa. Ngunit sadya namang gusto talagang magpalamig ni Diane sa takot na baka nakakatunog na ang mister. Si Greg ang talagang mapilit pa rin, panay ang message nito sa kumare upang tanungin kung wala si Dennis at nang makasalisi sya. Sinasadya na lang ni Diane na wag na ipaalam sa kumpare kung lumalabas man ang asawa upang makaiwas na din sa tukso.
Excited for later ninong!
Mag-trunks ka para bakat hihi See you!
Pilit pinigilan ni Dennis mapangiti habang nakatingin sa telepono at binabasa ang messages ng inaanak.
Kung si Greg ay natitiyak nyang di nakakapuslit kay Diane, sya ay libreng nakakadalaw pa din kay Pam. Kapag namimili sya ay madalas dumadaan sya kila Greg bago umuwi upang dalhan ang magkapatid ng milk tea o anumang pasalubong, syempre dinadamay nya si Kyle para hindi halata.
Kapag may nilalakad si Greg, isang text lang ni Pam ay sasaglit na doon si Dennis. Magsasabi sya ng kung anong dahilan kay Diane para makalabas, saka dederetso na sa inaanak. Kadalasan ay kwentuhan at tambay lang naman ang ipinupunta nya dahil paroo't parito din ang mga tauhan doon pag araw. Sa inip nya sa lockdown ay gusto lang nya talagang nakakasama at nakakausap ang dalaga kaya't mas lalong napalapit sya dito.