Setyembre. Anim na buwan nang namumuhay ang mga tao sa new normal. Patuloy na nakikipaglaban sa panganib na dala ng sakit maging sa hamong dala ng apektadong ekonomiya at kabuhayan ng mga tao.Ngunit basta pumasok na ang 'Ber months' ay hudyat na ng pag-uumpisa ng panahon ng Kapaskuhan para sa karamihan ng mga Pilipino. Panahon ng pag-asa. Marami pa ring rason para maging masaya sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap.
Diane. Mula nang naganap ang mainit at emosyonal na tagpo sa pagitan ng mag-asawa sa loob ng sasakyan habang bumubuhos ang malakas na ulan, kapansin-pansin ang pagiging mas malambing at maalaga nito sa kanyang mister. Tila bumabawi at pilit tinatabunan ang lahat ng nagawang pagkakasala sa kanyang kabiyak.
Dennis. Panatag ang kanyang kalooban. Naniniwalang tama ang naging desisyon na ibaon na lang sa limot ang natuklasang namamagitan sa kanyang misis at kumpare. Ang mahalaga ay nagawa na din nyang tapusin ang namamagitan sa kanila ng inaanak at makapagsisimula silang muli ng kanyang asawa.
Greg. Para sa isang kalaguyong naghahanap ng kalinga at pagmamahal, kahit katiting na atensyon na nakukuha mula sa kumare ay malaki ang naitutulong upang maibsan ang lumbay ng pag-iisa. Maging ang bumubuting ugnayan sa kanyang panganay ay magandang senyales ng unti-unting pagkabura ng pangyayaring labis-labis nyang pinagsisihan.
Pam. Natapos na ang kanyang pagrerebelde at ang paghahanap ng kaligayahan sa maling paraan. Mas pinagtuunan na ng pansin ang mga taong tunay na nagmamalasakit sa kanya. Isinantabi ang tawag ng laman at sa halip ay mas piniling gawin ang tama upang patuloy na muling buuin ang kanyang sarili.
Sa papalapit na pagwawakas ng kanilang kwento, paano makakaapekto ang pagmumulto ng kanilang mga nagawang pagkakasala sa kapalarang kanilang kakaharapin. Kapag sinubok na ang mga ugnayan ng mga rebelasyong nagbabadya, kanila ba itong malalampasahan o tuluyang guguho ang lahat?
-------------------------
"Hello Raven! Uy belated happy birthday sis!--- Ah ganon ba, kaya pala eh. No ok lang. Naisip ko nga malamang busy ka kaya di mo nasagot tawag ko non.--- You're welcome! Gawa ng ninang ko, pero nag-assist ako syempre. Kunwari marunong din ako magbake haha"
Nakatanggap si Pam ng tawag mula sa isang college friend. Ang pamilya nito ang may-ari ng dorm-type boarding house na kanyang pansamantalang tinuluyan noong nakaraang buwan. Mahigit tatlong linggo din syang nanatili sa isang kwarto doon mula nung huli syang nagpunta sa bahay ni Hepe* hanggang sa inabutan na sya ng MECQ sa boarding house at doon na nagpalipas.
Sa panahong iyon ay nagdesisyon syang mag-self quarantine upang obserbahan ang sariling kalusugan dahil sa exposure nya sa mga di nya kakilalang tao. Sinamantala na din nya ang pagkakataon upang magkaroon ng space para magnilay at makapag-isip para sa kanyang sarili.
"Ok naman ako. Kayo, kamusta kayo dyan sa Cavite?--- That's good to hear. Ay sis, pakisabi ulit kila tita thank you for letting me stay noon sa dorm ha."
Matapos ang ilang minuto pang kamustahan at kwentuhan ay nagpaalam na ang dalawa. Sakto sa paglabas ni Pam ng kwarto ay halos makabungguan nya si Dennis na noon ay kabababa lang ng hagdan. Bagong-ligo ito mula sa pag-uwi galing sa shop at nakasuot ng puting sando at boxer shorts.
"Sino yung kausap mo Pam?" tanong ni Dennis nang maulinigan ang pagsasalita ng inaanak sa cellphone habang palabas ito ng kanyang kwarto.
Langhap ni Pam ang amoy ng sabon sa katawan ni Dennis. Sa pagkakaharap nya sa kanyang ninong habang sila ay nag-uusap, hindi nya maiwasang mapatingin sa lapat ng sando sa matipunong dibdib nito. Patuloy ang pagbaba ng kanyang mata hanggang sa laylayan noon na bahagyang nakatabing sa natatanaw na bukol sa loob ng manipis na tela ng kanyang shorts.