"Happy birthday Honey… good morning…" malambing na bulong ng pagbati ni Diane sa asawa sabay halik sa pisngi nito.Napangiti si Dennis. Habang nakapikit pa rin ay hinaplos nito sa buhok si Diane na parang tuta, kinabig ang ulo nito palapit sa kanyang dibdib saka niyapos ang misis. Yumakap din si Diane kay Dennis at ilang sandaling nagpakulong sa mga bisig nito.
"Sige idlip ka pa Hon ha, bangon na ko." Muli itong humalik sa asawa at lumabas na ng silid.
Kanina pa nagsasagutan ng tilaok ang mga manok. Chineck ni Dennis ang telepono nya, 5:30 pa lamang ngunit aninag na sa bintana ang pagliwanag ng kalangitan, mas maaga nga talagang sumisikat ang araw sa probinsya.
Namumula ang notifications sa phone nya, mga post ng pagbati mula sa mga kaibigan, kamag-anak, kaklase, dating katrabaho, at iba pang contacts, na kung hindi naman ibinuko ng app ay malamang di maaalala ng mga ito na kaarawan nya.
May ilang direct messages din ng pagbati. Masyado pang maaga, mamaya na sana nya babasahin ang mga iyon ngunit tila may sariling isip ang kanyang daliri at agad na pinindot nang makitang may messages mula kay Pam.
Happy 41st birthday ninong! Excited ka na sa gift mo?
Kanina pa iyon ipinadala makalampas ang hatinggabi. Kalakip ng mensahe ang isang mapang-akit na larawan, half-naked si Pam na nakasandal sa headboard ng kama, nakasapo ang isang braso at nakatabon sa mga suso habang ang isang kamay ay kumukuha ng selfie. Hagip ang mukha nito na pinatungan naman ng malaking kiss mark na sticker. Kahit nakatabon ang kamay sa suso ay sumisilip ang pinkish na utong nito sa pagitan ng mga daliri.
Syempre lalake lang, nag-zoom in pa si Dennis para sipatin mabuti ang dede ng inaanak. Napangisi at napailing na lang sya sa kapilyahan nito, napakahirap talagang pagsabihan. Online din si Pam nang sandaling iyon at alam na nabuksan na nya ang message kaya't nagtype na sya ng sagot.
Thank you pam. Hindi na kailangan ng gift, ok na yung greeting. Punta kayo mamayang hapon nila papa mo at kyle ha
Pagkasend nya ng message ay 'Seen' agad iyon. Bago pa sumagot si Pam ay dumukwang sya at ibinalik na ang phone sa side table. Dumantay sya sa isang unan, atras-abanteng humagod ang braso at binti sa kama habang dinadama ang makinis na kobre. Huminga ng malalim at nilanghap ang bango ng bed sheet at sariwang simoy ng hamog sa umaga, di na nya napansing unti-unti na syang napapikit at muling nakatulog.
Napakunot ang noo ni Dennis nang madama ang pagtama ng sinag ng araw sa kanyang mukha. Napabalikwas sya, pagsilip nya sa kanyang telepono ay mag-aalas-siete na pala.
"Shet tanghali na!"
Nagmadali syang lumabas ng silid at sinalubong ng bango ng kapeng barako, pati ng tocino, pritong itlog at sinangag na nakahain sa lamesa.
"Oh dali sweetheart, greet daddy na… happy birthday daddy!" coach ni Diane kay JR.
"Haaydey dadii! Daa-di!" nakangising bati ng paslit sa kanyang ama habang nakaupo sa dining at nilalaro ang kutsara sa bowl ng cereal.
"Aww, thank you nak… lab kita." at hinalikan nito sa ulo si JR.
"Hon bat di mo ko ginising, tanghali na, mamimili pa!"
"Haha eh sinilip kita, ang sarap pa ng tulog mo. Yan kase, sabi ko sayo unahin mo kahapon mamili di ba, pwede namang sa ibang araw nyo na pinuntahan yung lupa. Imbis tuloy na nasisimulan na magluto, pati ako tatanghaliin na tuloy." sermon nito.
Naka-schedule talagang mamili si Dennis sa bayan kahapon ng hapon ngunit nakarag ito ni Greg na puntahan ang lupang inaalok ng isa nyang kakilala. Nalibang na ang magkumpare sa paglibot kaya't hindi na nya naisingit makapamili.