Dali-daling inilock ni Pam ang pinto ng kanyang kwarto, hinablot ang silya sa kanyang study table at ikinalso ang sandalan niyon sa may door knob. Saka sya nagsumiksik sa sulok ng kanyang kamang nakadikit sa dingding, lamukos ang harapan ng unipormeng pwersahang winasak ng kanya mismong sariling ama."Mama!! Huhuhu… Mama ano'ng gagawin ko?!"
Nanginginig pa rin ang katawan ni Pam sa takot at galit habang nakasandal sya at namamaluktot sa sulok. Napayakap sa binti ang kanyang mga braso, patuloy na umaagos ang mga luha sa mukha, tila batang umuugoy-ugoy at pilit na inaalo ang sarili.
Di nya maiwasang maisip na sana ay nabubuhay pa ang kanyang Mama, na bukod sa pagiging ina ay itinuring din nyang pinakamatalik na kaibigan. Mayroon sana syang mapagsusumbungan, mayroon sanang magsasabi sa kanya ng dapat nyang gawin.
Ngunit may bahagi din ng kanyang puso na tila nagpapasalamat na wala na ito, upang hindi na nito danasin ang kirot na dala ng kanyang mga pinagdaanan. Di bale nang sya na lang ang makaranas ng pagkalito at pighati, hindi rin nya kayang makitang pati ang kanyang ina ay magdalamhati dahil sa kanyang mga sinapit.
"Bakit?! Bakit ganito? Bakit ako!!" bulalas nya sa pagitan ng mga hikbi habang pinapahid ng palad ang mga luhang umaagos sa kanyang pisngi.
Gulong-gulo at puno ng katanungan ang isip ni Pam, kung bakit kailangan nyang danasin ang mga ganoong bagay. Muling nanumbalik ang bangungot ng pagsasamantala ni Kaloy. Ang isang larong binalak nila ng kanyang ninong, humantong sa trahedya ng mapasakamay siya ng kanilang dating tauhan.
Mahigit dalawang buwan na ang nakalipas, pinilit nyang makabangon sa madilim na karanasang iyon at mamuhay ng normal. Ngunit hindi pa man tuluyang naghihilom ang sugat na idinulot niyon sa kanyang isip at pagkatao, heto at isa na namang dagok ang kanyang sinapit sa kamay pa mismo ng kanyang ama.
Tila nadarama pa ni Pam ang paglaplap ng labi ng kanyang Papa sa kanyang bibig, ang pagkuskos ng bigote nito sa kanyang leeg at dibdib, ang pagpapasasa ng mga kamay at bibig nito sa kanyang katawan.
Unang tingin pa lamang ay may napansin na syang kakaiba, kundi sya nagkakamali, sa malamang ay nakagamit ito. Ayon na rin sa napag-aralan sa kanyang kurso, ang substance use ay maaaring magdulot ng hallucinations, pagkawala ng self-control at makaapekto sa judgement ng taong nakagamit. Mabuti na lamang at di natuloy, ngunit paano na lang kung maulit pa ang ganoong pangyayari. Baka di na sya muling palaring makatakas.
Napakuskos ng mariin ang kanyang palad sa kanyang mga labi maging sa kanyang balat, tila pilit binubura ang sensasyong hanggang ngayon ay minumulto ang kanyang pakiramdam. Halong suklam at pandidiri sa sarili ang nadarama sa ginawang pagyurak ng kanyang ama, at patuloy sya sa pagtangis. Father's Day pa man din ngunit ganito ang kanyang sinapit sa kanyang papa.
Inabot nya ang kanyang telepono, instinct nyang tawagan ang kanyang ninong Dennis upang magsumbong at humingi ng tulong. Ngunit agad din syang natigilan. Sa kabila ng nangyari ay di magawa ni Pam na magsabi kay Dennis. Di nya maatim na mabahiran ang imahe ng kanyang ama, at masira ang pagkakaibigan ng dalawa ng dahil sa kanya.
"HAAARGGHH!!!! Hayup ka Pa!! Paano mo nagawa sakin 'yon, anak mo ko!!! HAAAAAHH!!!!"
Nagpapadyak ang mga binti ni Pam sa kama, napalamukos ang mga kamay sa kobre at pinaghahaltak iyon habang tuloy sa pagpalahaw. Napasabunot siya sa kanyang buhok habang nakayuko at mariing nakapikit, pilit na tinitibayan ang kanyang isip at puso na kayanin ang kanyang panibagong sinapit.
Napasubsob na lang sya sa kama habang patuloy sa pag-iyak, sa pagkahapo ng katawan at kalooban ay di na namalayang unti-unti nang tinatangay ang kanyang ulirat. Panandaliang pahinga at pagtakas mula sa katotohanang hindi na mabubura pa kailanman mula sa kanyang pagkatao.