Aguinaldo 20

4.8K 7 0
                                    


Hindi pala panaginip ang lahat. Habang nakahiga at nakatitig sa kisame, muling nagbalik kay Dennis ang mga pangyayari mula umaga ng birthday nya. Napagtagni-tagni ang mga kaganapan sa maghapon, ang mga palatandaan at senyales.

Ang inakala nyang bangungot lamang ay totoo pala. May namamagitan sa kanyang asawa at kumpare.

Saan nangyari? Doon kaya mismo sa kanilang kama? Muling nanumbalik ang sakit na pansamantalang natabunan ng alak at ng nangyari sa kanila ni Pam kagabi. Ni hindi nya ngayon magawang yumakap at humalik kay Diane gaya ng tipikal nyang ginagawa pagkagising.

Bumangon na si Dennis at humalik sa anak na natutulog sa kuna, dumeretso sa banyo upang iligo ang hangover na nanunuot pa din sa kanyang ulo. Nakayuko at nakatukod sa tiles ang mga kamay, ninamnam nya ang lagaslas ng tubig na dumadaloy mula sa kanyang ulo. Ngunit maibsan man ng tubig ang hilong epekto ng alak, di niyon mababawasan ang kirot nang mapagtaksilan ng dalawang taong pinakamalapit sa kanya.

Batid nyang sa kanya nag-ugat ang lahat, kaya't totoo nga talagang nasa huli ang pagsisisi. Kung hindi nya sana binuyo nuon si Diane, wala sana sila ngayon sa sitwasyong iyon. Kaya't naisip nyang walang dapat magbago. Walang tanungan at sumbatang magaganap sa kanilang mag-asawa. Sisikapin nyang kumilos pa rin ng normal sa kabila ng kanyang nalaman. Ngunit patuloy syang magmamatyag. Aasang kung ano man ang nangyari, sana ay wag na iyong masundan pa. Sana.

Nagkakape na si Dennis sa dining nang maisipang kalikutin ang kanyang telepono, muling binalikan ang messages ni Pam kahapon ng umaga. Ang pagbating kalakip ang mapang-akit na larawan, kanyang binalewala at isinantabi na ikinatampo naman ng inaanak maghapon.

Good morning pam. Musta ka?

Seen. Agad nabasa at mabilis din ang naging pagsagot ng inaanak.

Good morning ang sweet mo ninong ah!

Ok lang ako. Miss na nga kita agad eh hihi

Eh ikaw, kamusta naman ang birthday mo kahapon?

Napangiti si Dennis sa sunod-sunod na messages ng dalaga, kahit sa chat, halata ang kadaldalan nito.

Unforgettable. Maikli nyang reply.

Muling humigop ng kape si Dennis habang inaantay ang sagot ni Pam nang may maisipang kapilyuhan.

Yiiieee! Dapat lang na unforgettable noh, special kaya gift ko sayo ninong

Pam…

Po?

Patingin nga ulit nung bumungad sakin kahapon paggising ko. Nakakaganda ng umaga eh

Napangisi si Dennis habang tinatype ang huli nyang mensahe at mabilis na nilingon ang pinto ng kanilang kwarto. Pagkasend nya ng message, maya-maya lang ay tumatawag na si Pam. Sa taranta ni Dennis sa pagtunog ng phone ay agad nya iyong sinagot.

Sa video, bumungad sa kanya ang kuha ng leeg at balikat ni Pam na hagip lamang ang panga at baba, nakakasinop pataas at nakapusod marahil sa ibabaw ng ulo ang buhok nito. Bahagya nitong ipinaling ang tingin pakaliwa upang ipakita ang marka sa gilid ng kanyang leeg malapit sa anit. Kita ni Dennis ang pagyugyog ng katawan ni Pam habang humahagikgik ang dalaga na waring kinikilig sa markang iyon, tila kinder na natatakan ng star sa kamay.

Mula sa leeg, dahan-dahang bumaba ang tutok ng camera papunta sa magagandang suso ni Pam na napalilibutan din ng namumulang mga marka sa ibabaw at sa gilid. Medyo violet pa nga ang iba sa tindi ng pagkakahigop nya.

Ineenjoy pa ni Dennis pagmasdan ang dibdib ni Pam nang madinig na nya ang boses ni Diane habang kausap si JR sa loob ng kwarto. Nagmamadali na nyang pinutol ang tawag at nagtype na lang ng message.

Aguinaldo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon