Aguinaldo 42

3.3K 4 1
                                    


Labis na nagsisi sa kanyang nagawang kasalanan. Ngunit nalamang may basbas pala iyon ng kanyang mister sa simula. Ito ang may ideya at mismong nagset-up ng inakala niyang una niyang pagtataksil dito noong kanilang anibersaryo. Kasalanan pa din ba iyong maituturing?

Ang alam ni Diane ay sila lamang dalawa ni Dennis ang may plano tungkol sa pang-aakit niya kay Greg, Disyembre noong nakaraang taon. Yun pala ay may kasunduan din ang magkumpare.

Kasunduan na dapat ay minsan lang magaganap ngunit nasundan pa ng ikalawa, ikatlo, at humantong na nga sa isang relasyong bawal. Ugnayan na ilang buwan ding nagpatuloy at pilit na inilihim.

Binagabag ng kunsensiya sa kamaliang nagawa. Nagpasya na itigil na at magbago. Tiniis ang pagkastigo ng kabiyak. Saka malalamang planado naman pala ang pinagsimulan ng lahat.

Alam ni Diane na sariling desisyon niyang sumuong sa kasalanan. Ngunit napakasakit na ang taong nagawan niya ng mali, ay siya pala mismong nagpain sa kanya sa tukso. Tuksong humantong sa kanyang pagkadarang.

Kaya naman pala ganoon na lang kalakas ang loob ni Greg. Dahil may basbas naman pala ni Dennis. Hindi tuloy maiwasang maisip na baka may kinalaman pa din sa kakaibang pantasya ng mister kaya't muli siya nitong ipinagamit sa kumpare.

Nagtaksil siya noong anniversary nila. May basbas pala ni Dennis.

Nagtaksil siya noong kaarawan ni Greg. May basbas pala ulit ni Dennis.

Nagtaksil siyang muli noong birthday mismo ng mister. Nakatunog si Dennis at ganoon na lang ang galit nito. Bakit? Dahil ba wala na siyang pahintulot? Dahil siya lang ang pwedeng magdikta kung kailan makikiapid sa iba ang kanyang asawa?

Isang bagay. Ganoon ang pakiramdam ni Diane nang mga oras na iyon dahil sa natuklasan. Isang bagay na si Dennis ang magpapasya kung kanino niya ito gustong ipahiram at kung kailan lang pwede. Na susunod lang sila ni Greg sa larong gusto nito.

Hulyo pa nang huling kusang-loob siyang nakipagniig sa kumpare. Noong inimbitahan pa nito ang isang delivery boy upang manood sa kanila. Kinagabihan ng araw ding iyon ay may nangyari sa kanila ni Dennis sa kotse matapos siyang sunduin nito mula sa condo building ni Greg.

Doon niya napagtanto na kahit mas nasasarapan ang kanyang katawan sa pagtatalik nila ng kumpare, walang katumbas ang satispaksyon na nakukuha niya sa pagniniig nilang mag-asawa dahil si Dennis talaga ang kanyang mahal.

Aminado siyang may mga pagkakataong ang sarap na nararamdaman ng kanyang katawan ay napagkakamalan niya na namumuong damdamin para sa kumpare. Kaya naman hanggat maaga pa ay nagpasya na siyang itigil na ang namamagitan sa kanila ni Greg upang huwag na siyang mahulog dito ng tuluyan.

Pinilit niyang iwasan si Greg. Kahit umabot na sa puntong binablackmail na siya nito ay pinilit niyang magawan ng paraan upang matigil na ang pagtataksil niya kay Dennis. Dahil kahit ito ang nagsimula ng laro nilang tatlo, mali pa rin na kanya itong pinagtataksilan.

Isang ulirang kabiyak. Mapagmahal na asawa at isang mabuting ama. Si Dennis ang lalaking pinili niyang makasama sa buhay kaya't marapat lang na talikuran na niya ang pakikiapid at maging tapat dito.

Tapat sa kanya ang mister. Ang lalaking ni minsan ay hindi niya naisip na magagawa siyang ipagpalit sa iba. Na magagawa siya nitong saktan.

Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Siya pa ang nakatuklas. Para siyang pinagsakluban ng langit nang madiskubre niya ang relasyon ng kanyang asawa sa inaanak nito. Mas bata. Mas sariwa. Birhen. Kapisan pa nila sa kanilang bahay.

Tapos ay nalaman niyang kinuntyaba pala ni Dennis si Greg at pinayagan din pala nito ang mga nauna nilang pagniniig ng kumpare. Bakit, dahil ba may ibang babae pa pala ito na mas bata?

Aguinaldo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon