Chapter 31: Be careful

20 0 0
                                    

Athena's POV

"T*ngina naman Athena! Ano bang pumasok sa utak mo at tumakas ka ha?! Paano kung hindi nalaman ni James na nasa Diamond ka?! Edi napahamak ka dun sa lalaking muntik na humalik sayo?! Athena naman!" sigaw ni Eros.


I'm currently drinking hot choco. Medyo nawawala na din yung sakit ng ulo ko. Pero alam ko, alam kong lasing pa rin ako. Nakaupo lang ako sa sofa habang sila sinesermonan ako. Nandito din sila Taz at yung tatlong magkapatid.


"Don't shout. Lalong sumasakit ulo ko sayo eh." sagot ko sabay irap at hinimas ang sentido ko.

"Damn it! Bakit ka nga nasa Diamond?! Alam mo bang madaling araw na?! Tapos tinakas mo pa yung sasakyan?!" sigaw ulit niya.

"Diba sabi ko wag kang sumigaw? Konti na lang sasapakin na kita." sagot ko ulit.

"Urgh!" ginulo niya ang buhok niya at tumalikod sa akin. "Kayo na nga kumausap dyan." sabi niya at dumiretso sa kusina.


Naramdaman kong tinignan nila akong lahat. Now what? Tss. Di man lang ako nakapagpaalam kila Kat. Nakakahiya. Bwisit. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Kat.

Kat: Yow
Ako: San kayo?
Kat: Pauwi na *hik* Sorry be ha? Tumawag kasi si James. Hinahanap ka.
Ako: Ahh. Okay.
Kat: Sorry talaga.
Ako: Okay lang.

Call ended


"Bakit ka tumakas?" kalmadong tanong ni Azi. I know he's controlling his temper.

"Farewell party for Caitlyn. I didn't know na sa Diamond pala kami. Ngayon ko lang nalaman." sagot ko.

"Bakit di ka nagpaalam?" tanong ni Brent.

"Kasi alam kong kapag nalaman ni Eros na sa Diamond kami pupunta hindi niya ako papayagan. Aalis na nga yung kaibigan ko di ko pa makakasama ngayon? Bukas na ang alis niya. Kaya tumakas ako para makasama sa Diamond." explain ko.


Sumandal ulit ako sa sofa at pumikit. Sakit na talaga ng ulo ko. Damn it. Naramdaman kong may tumabi sakin kaya napadilat ako. Si James lang pala. Umalis na yung tatlo at mukhang kakausapin nila si Eros. Paano galit na galit sakin. Sus. Lilipas din ang galit non. Yun pa? Parang matitiis naman ako nun?


"Party girl ka na pala ngayon?" James.

"Wag mo na akong sermonan. At hindi ako party girl." sagot ko sabay irap. Kainis toh.

"Ikaw pa may ganang mainis sakin? Pasalamat ka naligtas kita doon."

"Nah. I don't need your help. I can handle myself there. Sana di ka na pumunta para mas nakapagsaya kami ng matagal." wala sa sariling sagot ko.

"Ano bang problema mo? 3 days lang kitang hindi naka-usap at nakita pagbalik ko nasa Diamond ka na? Alam kong may galit ka sakin dahil hindi ako nagpaparamdam pero hindi sapat na dahilan yon para uminom ka Athena!"

"Kulit mo din noh? Nagpunta ako sa Diamond para mag-saya! Kasi farewell party ng kaibigan ko. Okay fine! Naisip ko din na makakalimutan kita kapag uminom ako. At least kahit sa konting oras nakalimutan kita diba? Nakalimutan ko yung sakit." sagot ko. "You know what? Ramdam ko eh. Ramdam kong niloloko mo ko. Bakit James? Bakit? Nagdududa na ako eh. Pakiramdam ko may hindi mangyayaring maganda." dagdag ko pa.

To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon