Chapter 2: Crush

62 1 0
                                    

Athena's POV

Nasa gym kaming mga seniors at juniors ngayon. Kaming grade 9 kasi ang first batch ng K12 at ang seniors naman ang last batch ng 4 years curriculum.


Nandito kami sa gym para mag-practice ng prom. Naiwan sa bahay sila Kuya Timothy, Kuya Zack, Kuya Xander at Alexa. Ipapasyal ata nila mamaya si Alexa.


Sila Azi, Brent, Calvin at Taz naman nag-sit in sa school namin ni Eros. Well, parents naman nila ang may-ari nito. Yes, parents nila Aziel. Nagpa-practice din sila for prom. Sa Friday na yon, kaya puro practice lang kami at madalas free time.


Pagkatapos ng practice bumalik kami nila Kat sa room para kunin yung wallet namin don. Lunch na. 2 hours daw ang lunch ng mga juniors at seniors since practice lang din naman mamaya.



"OMG! Guess what?" sigaw ni Joyce pagpasok ng room.

"What?" tanong namin.

"Hindi si Tyler partner ko kanina. Ish! Sayang! Isang tao na lang kami na ang partner eh! Kainis." Joyce.

"Sus! Akala ko naman siya naging partner mo kanina." Caitlyn.

"Kahit naman makapartner natin isa sa mga pogi sa seniors wala pa rin. Kasi hindi final yon." Kat.

"Ha? Anong hindi final?" Irish

"Kasi yung magiging partner natin sa grand entrance, makikilala lang natin sa mismong prom proper. Yung kapag sasayaw na. Para daw surprise." Kat.



Napailing na lang ako dahil halatang excited sila sa prom. Maya-maya dumating din dito sa room sila Ace, Jonathan, Eros, Taz, Azi, Calvin at Brent. Magkakakilala na din ang barkada ko at ang mga pinsan ko.


Nagyaya silang sa SM na lang kami kakain sa Mang Inasal. Nilakad na lang namin since walking distance lang naman mula sa school namin. Naka-akbay sakin si Azi habang naglalakad. May mga students na napapatingin samin dahil bukod sa madami kami ang ingay din namin.


My family used to be in Manila, but we decided to stay here in Baguio for good. Mas tahimik kasi dito kesa sa Manila. Pagdating sa Mang Inasal ganito ang arrangement namin:

Jonathan - Ace - Joyce - Caitlyn - Irish - Eros

table

Kat - ako - Aziel - Taz - Brent - Calvin


Habang naghihintay ng inorder namin nagkwentuhan muna kaming lahat. Medyo maingay kami kaya mas pinili naming sa labas ng Mang Inasal umupo para medyo konti lang ang maistorbo namin.



"Athena, kamusta na pala kayo ng boyfriend mo? Diba first boyfriend mo siya?" biglang tanong ni Brent.



Natahimik kaming lahat sa tanong ni Brent. Hindi pa pala alam ng mga pinsan ko ang nangyari samin ni Miko. Ang alam lang nila may boyfriend ako.



"Ano ulit name non? Miko ba?" Calvin.

To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon