Chapter 45: Ikaw pa rin

26 1 0
                                    

Athena's POV

"Hey wake up! Pupunta tayo sa ancestral house niyo! Bilis!"


Haaay girls. Bwisit. Nandito nanaman kasi sila Mich, Keira, Julia at Zoe. But this time kasama na si Kat, Lexa at Sofia.


"Ami! Let's goooo!" aya sakin ni Sofia.


Wala na akong nagawa at bumangon na para maligo at mag-bihis. Damn! Medyo inaantok pa ako eh. 5:30 pa lang nga eh. Kainis. Paglabas ko nandun pa rin silang lahat. Pinag-suot nila ako ng red day dress with sleeves, black pumps with ankle strap at black sling bag. Hindi ko na pinony tail ang buhok ko at hinayaang naka-bagsak.

Ngayon ko lang napansin na ako lang naka-dress. Saan ba kami pupunta? Ancestral house daw diba? Edi dun sa family house namin? Then it hit me, birthday ko ngayon! Gosh! 18 na ako guys! Legal age! Oh my ghaaad! 18 na ako! Shet. Shet. Shet. Princess Athena is already 18. Gossh!


"Hoy babae, natulog ka ba talaga? Bakit ganyan mata mo?" tanong ni Julia.


Damn. Hindi ko nga alam kung tulog ba ang ginawa ko. Nakakainis kasi si James, ginugulo niya utak ko eh. Bwisit. Wanna know why? Flashback tayoooo!


FLASHBACK

"Hindi kasama sa plano ang mahalin kita ng totoo. Hindi planado yung pagiging sweet ko sayo. Lahat yon totoo."


Napatigil ako sa sinabi niya. A-ano daw? Hindi ko maintindihan?


"Ano?" tanong ko.

"Nung prom, ikaw yung napili kong last dance. Kaya kinausap ko na yung kapatid mo. Para magpaalam kung pwede. Nung gabing yon, nakuha mo yung atensyon ko. Nung una wala akong balak ligawan ka. Pero nung mas nakilala kita, ang alam ko na lang mahal kita wala nang dahilan kung bakit. Basta mahal kita. Pero biglang umuwi ang kapatid ko, yung araw na nag-grocery kayo ni Azi. Nakita mo ako diba? Oo ako yun at yung babaeng kasama ko si Mich yon. Nang malaman niyang ikaw yung babaeng mahal ko sinabi na niya yung plano niya." page-explain niya.

"Gusto niyang masaktan ka. Dahil alam niyang magiging doble ang sakit sa part ni Eros kapag nasaktan ka. Maniwala ka sakin Athena, mahal kita. Hindi planado yon. At hindi ko rin ginustong saktan ka. Oo nagpagamit ako sa kapatid ko pero mahal naman talaga kita eh. At walang nangyari samin ni Keira, plinano ni Mich na pumunta ka sa bahay at maabutan mo kaming ganon." dagdag pa niya.

"I'm sorry. Sorry sa nangyari. Sorry sa katangahan ko. Sorry sa lahat. I'm so sorry. Mahal pa rin kita Athena, at hindi nagbago yon. Ikaw pa rin Athena."

END OF FLASHBACK


"Huy Athena! Tulala ka dyan? Tara na!" sabi ni Zoe at nandito na kami sa ancestral house slash family house namin.

"Okay ka lang ba?" Keira.

"Ha? Ah, yea. Let's go." sabi ko at bumaba na ng sasakyan.


Dumiretso kami sa kwarto ko at nag-movie marathon. Pagkatapos ng ilang movies, kinuha na ni Yaya Nadya si Sofia at ihahatid na daw kila Daddy at Mommy. Nakakailang movies na din kami dito. Gutom na ako. Maya-maya ay may naghatid ng breakfast namin.

To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon