Chapter 64: Circles

24 1 0
                                    

Athena's POV

"Group huuuug!" sigaw nila Aziel at dinumog nila kami ni Vaughn.


Natawa na lang ako sa inakto nila. Sana ganito na lang lagi, masaya pero alam ko naman na hindi pwede yon. Umakyat sila sa stage at naiwan kami ni Vaughn dito sa baba. Naka-akbay siya sakin habang nakapalupot sa bewang niya ang kamay ko.


"We want to thank everyone! Thank you for participating with us! Much love!" sigaw ni Katrine at nag-perform na ulit ang Akumu band.

I already grabbed that opportunity para makausap ng personal si Vaughn. "Let's go." bulong ko sa kanya.


He smiled at me and we went outside. Hindi ko alam kung bakit pero kusa akong napapangiti. Ngayon ko na lang ulit naramdaman yung ganitong feeling. Pakiramdam ko nawala na yung bigat na nararamdaman ko. Mas masaya na ako ngayon. Pero isa na lang talaga ang problema eh.


"Bakit tulala ka?" Hindi ko namalayan na nandito pala kami sa rooftop.

"Wala." sagot ko.

"So ano na?" tanong niya.


Aish. Paano ko ba sasabihin? Gusto ko siyang ipagdamot, gusto ko akin lang siya. Pero kasi, handa na ba talaga ako? Handa na ba akong magmahal ulit? Arghh! Bigla kong naramdaman na binitawan niya ang kamay ko.


"Naiintindihan ko kung hindi ka pa handa. Siguro kaya hindi ka nagbigay ng sagot doon sa gym kasi ayaw mong mapahiya ako sa kanila." I heard him sighed. "Naiintindihan ko." dagdag niya.

Damn! Mali ang iniisip mo Vaughn. "Hindi ganon yon Vaughn." at pilit kong hinuli ang tingin niya. "C'mon, look at me babe." paglalambing ko.

Napangiti ako nang napalingon siya nang may halong gulat. "Oh? Anong nakakagulat?" tanong ko.

"A-anong tinawag mo sakin?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

I giggled. "Secret! Bingi mo kasi eh!" sagot ko.

"Psh. Tinawag mo akong babe eh." pagmamaktol niya.

Tumawa ako. "Narinig mo pala eh." at nagkulitan kami.

"Teka nga. Tayo na ba? Hindi mo pa naman sinasagot yung tanong ko kanina." tanong niya.

Napatigil ako. Oo nga noh? Nakalimutan na eh. "Ano nang sagot mo?" tanong ulit niya.

"Hindi mo pa rin alam ang sagot?" tanong ko.


Well, I guess I will take a risk. Bahala na ang mga what if's na yan. Ang mahalaga yung mahal ko siya at parehas kaming masaya. Deserve ko naman siguro na maging masaya ulit diba?


"Hindi nga." pangungulit niya.

I rolled my eyes. "Iiyakan ba kita doon kanina kung hindi? Yayakapin ba kita ng mahigpit kanina kung hindi? Sasama ba ako sayo dito kung hindi? Haay nako Vaughn." sagot ko.

Nanlaki ang mata niya at napatayo. "T-tayo n-na?!" tanong ulit niya.

Jusko naman! Ang kulit! "Isa pang tanong Mr. Smith, babawiin ko na." banta ko.

Bigla niya akong yinakap kaya napatayo na rin ako. "Yes! Yes! Yes! Kami naaa~" at sumigaw siya habang nakataas ang isang kamay.

Napangiti ako habang umiiling. "Ingay mo." sabi ko at niyakap ang bewang niya.

To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon