Chapter 46.4: Debut

34 0 0
                                    

Athena's POV

"Ano? Tatanggapin mo ba?" tanong ni Jim habang hawak-hawak pa rin yung ring box.


Palipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa ring box. Jim, ring box, Jim, ring box. Urgh. Ang hirap talagang tanggihan nito, promise! Tinignan ko ang parents kong poker face lang. Si Eros na nakabusangot, si Taz na hindi mapakali at si James na nag-walk out. Ahy? Bakit nag walk out? May gusto kay Jim? HAHA. Joke.


"Syempre tinatanggap ko!" sagot ko.


Kinuha niya yung Lamborghini ring na color light blue, na may logo ng Lambo at sinuot sa point finger ko. Damn! Bagay na bagay sakin lalo na kapag dala ko ang Lambo ko. Shit talaga. Tinapat ko agad sa mga bisita para malaman nilang hindi iyon engagement ring. Mga maling akala!


"Kalma guys! Hindi siya engagement ring! Look oh! Lamborghini yung logo niya tapos shet! Ang ganda diba?! Bagay sakin!" sabi ko.


Napabuntong hininga si Eros at Taz na parang nabunutan ng tinik.


"Lakas din ng trip mo noh? Pero thank you." sabi ko at hinug siya.


Sunod na lumapit sakin ay si Taz na naka-poker face. Pustahan tayo? Kung engagement ring yung binigay ni Jim hihimatayin itong si Taz. HAHA.


"Akala ko naman nag-propose siya." sabi niya paglapit niya.

"Baliw! Selos ka lang beb." sagot ko at binelatan siya.

"Tss." sabi niya at inirapan ako.


Aba! Inirapan ako?! Bakla ata to eh. Psh. Inabot niya sakin yung regalo niya. Pag-open ko isang necklace na Eiffel tower. Oh my gosh! Ang kyuuuuut! Agad niya itong sinuot sakin at inalis yung necklace ko na may pendant na 'Princess'.

Pagkatapos niya ay si Eros naman ang lumapit sakin. At dahil sobrang excited ako in-open ko agad. Tumambad sakin yung stuff toys na nakita ko sa Blue Magic! Yung panda at yung life-sized na bear. May bulsa yung bear. Feeling ko may laman yun pero hindi ko na lang tinignan kung meron nga.

Kasunod ni Eros ay si Vaughn. Pagka-open ko nung regalo niya hindi ko maintindihan kung bracelet ba ito na may pendant na maliit na heart or necklace. Sinubukan kong isuot sa wrist ko pero masyadong malaki. Nang ita-try ko isuot sa leeg ko binatukan ako ni Vaughn.


"Ano ba?!" sigaw ko sa kanya.

"Tss. Akin na nga!" sabi niya at inagaw sakin.


Umupo siya sa harap ko at naramdaman ko na lang na may malamig sa paanan ko. Oh! Anklet pala?! Nilagay niya ito sa left foot ko. Ohkaaay? Nakita kong napa-gasp si Eros at Taz. Ano nanaman ba? May meaning ba ang anklet? Ma-search nga mamaya. Sunod niya ay yung gift nila mommy and daddy. Nagulat ako nang may susi nanaman.


"Condo unit anak. Sa Smith Towers. Magkapit bahay lang kayo ni Eros." Dad.


Sabi na eh! Kung bibigyan man kami ng condo unit malamang yung magkasama pa rin kami. Bahala na nga. Pero excited na ako sa lilipatan ko. Yieee!


To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon