Chapter 39: Vaughn Douglas

24 0 0
                                    

Athena's POV

"Meeting adjourned." sabi ni Tito Stephen at nagsimula na silang mag-ayos at ganon din ako.


Nag-resign na pala sila Tito Samuel, Tito Stephen at Tito Alexis. Ipinamana na nila kay Kuya Timothy, Kuya Zachary at Kuya Alexander ang shares na hawak nila sa company. Tinatanong nila kanina si Tito Ramon kung kanino ipapamana yung shares niya, pag-iisipan pa daw muna niya. Masyado pa daw isip bata sila Aziel, which is true. Ako naman tinanong nila ako kung payag akong imana ang shares ni Dad since pumayag na si Daddy doon. Pero umayaw ako. Maybe next time, kapag ayos na kami ni Eros.


"Are you sure you still don't want to replace your dad?" tanong sakin ni Kuya Tim.

"Maybe next time Kuya Tim. And congrats sa inyong tatlo." sabi ko at dumiretso sa office ni Dad.


May pipirmahan lang daw akong papers. Umupo ako sa swivel chair ni Dad at pina-ikot ito. Damn. Gusto kong tanggapin yung offer na ako ang magtuloy ng sinimulan ni Dad dito pero kambal kami ni Eros. What if he also wants to help in the company? As for the record, mas matanda siya sakin ng ilang minuto. Bakit ba kasi ayaw niya akong kausapin ng matino. Siguro, kasalanan ko din. Kasi umalis ako ng walang paalam.

Ilang oras na akong pumipirma at nagbabasa ng mga problema sa kumpanya. Minor problems lang naman. Kaya na nila Kuya Tim ito. Besides, pumunta lang naman ako dito for the meeting eh. After siguro nito uuwi na din ako. Should I gather all the people who were involved what happened last 3 years to clear things out? Kinakabahan kasi ako, baka mamaya sa sobrang galit ko kay James masapak ko na lang siya. Joke lang.


"Maam? May bisita po kayo." sabi ni Toni.

"Who is it? As far as I know walang may appointment sakin ngayon." sagot ko habang pumipirma pa rin.


Umalis na si Toni. Ayoko ng istorbo. Kailangan kong matapos agad ito para maka-uwi na ako. Nagulat ako nang may lumapit sakin.


"Ami!"

"Sofia? Why are you here?" sabi ko at kinandong siya.

"Hinahanap ka kasi niya. Kaya pumunta na lang kami dito."


Napalingon ako sa nagsalita. Si Eros pala. I just smiled at him at binalingan ko ulit ng tingin si Sofia. Nilalaro ko siya nang biglang nagsalita si Eros.


"Mukhang masayang-masaya ka ah?" tanong niya.

"Of course. Ikaw ba hindi?"

"Ewan."

"Bakit naman? Bumalik naman ako diba? Ang alam ko kasi ito ang gusto mo, ang bumalik ako. Pero bakit di ka pa rin masaya?"

"Mahirap Athena. Hindi ko alam." sagot niya.


Tinignan ko lang siya. Pain in his eyes. I sighed. Binaba ko si Sofia at naglakad siya papunta sa sofa. Tumayo na ako para ayusin ang gamit ko. Kinakabahan kasi ako dito kay Eros. Prang anytime pwede niya akong sermonan. Huhubells. Kinuha ko na ang bag ko at tinawag si Sofia. Humawak naman siya sa right hand ko. Nagulat ako nang paglabas ko ng office ni dad bigla akong inakbayan ni Eros sa left ko. I bet he really missed me. Nagmamatigas lang. Bahala ka dyan. HAHA.

To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon