Chapter 33: Last text

21 0 0
                                    

Athena's POV

It's been a week since the plan. Ongoing pa rin naman, pero wala pa rin akong makuhang proof eh. Di ko na tuloy alam kung anong papaniwalaan ko. Si James ba na mahal ko o yung unknown na nagsasabing niloloko ako ng mahal ko? Patuloy pa rin naman sa pagiging sweet sakin si James, okay lang naman kami. Pero madalas makita ni Kat na lumalabas si James with Keira kapag busy ako. Hinayaan ko lang yon.

Monday na ngayon. Next week may pasok na. Hindi pa ako nakakapag-enroll. Nangako kasi si James na ngayon kami mage-enroll or mamimili muna ng gamit. Pero naisip kong mamili muna ng gamit. Sure naman na yung enrollment ko, hinihintay ko na lang si James. Di pa rin ata siya sure sa course na kukunin niya eh.

Hapon na at wala si Eros, kasama yung mga pinsan ko. Binisita sila Kuya Tim. Hindi ako sumama dahil nga may usapan kami ni James. Kinuha ko ang susi ng chevy ni Eros. Hiniram ko naman at pumayag siya. 5:30 na. Gagabihin na kaming dalawa ni James. Nag-park ako sa tapat ng bahay nila.

Walang ibang tao dito kundi siya. Pero nagulat ako nang hindi naka-lock ang door. Gago ba yon? Gusto atang manakawan siya eh. Baliw talaga. Ang tahimik naman dito sa kanila. Nakakatakot. Naglakad na ako papunta sa kwarto niya. Dapat kasi kanina pa kaming 4 aalis eh. Pero ang tagal niya akong sunduin kaya ako na pumunta.

Nakita kong medyo naka-open yung door niya. Sumilip ako at ang dilim sa loob. Tulog ba siya? May usapan kaming aalis eh. Kaya pala di ako nasundo kasi tulog. Binuksan ko yung pinto at in-open ang ilaw. Pagtingin ko sa kama, my jaw dropped.


"Oh my god!" sabi ko at bigla siya bumangon kasama yung babae sa tabi niya.


It's Keira. They're on the same bed, sleeping. Si James naka boxers lang habang si Keira suot ang t-shirt ni James. Napahawak ako sa bibig ko. N-no, it can't be!


"Athena, n-no! It's not. . ."


Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya at nagmadali na akong bumaba. The proof. So totoo? Totoo ang sinasabi nung unknown na niloloko lang niya ako? Damn it! Ganon ba ako katanga? Sumakay agad ako sa chevy ni Eros at umalis sa village namin.

1 new message

From: Unknown
Hindi ko alam na mapapaaga mong malalaman ang tungkol sa kanila ni Keira. Mukhang may nangyari sakanila ano? Kaya di ka napuntahan agad. Mukhang na-enjoy pa nga nila eh. Ilang rounds kaya? Masakit diba? Tanga ka kasi. Matagal ko nang sinasabi na niloloko ka na, go pa rin. Tanga mo talaga.

My tears started to fall. Nagpapaunahan silang lumabas sa mata ko. Damn it! I hate you James! I really do! Ngayon ko lang na-realize na sobrang tanga ko. Damn! Harap-harapan na akong niloloko nag-pretend pa rin ako. Ang sakit, ang sakit sakit. Kainis. Fuck! Pinahid ko ang mga luha ko at nakita kong tumatawag na si James.

Hindi ko yon sinagot at in-off ang phone ko. Hindi niya sasabihin ito sa mga pinsan ko. Dahil kapag sinabi niya mapapatay siya nila Eros. Bakit ba kasi nagbulag-bulagan pa ako?! Edi sana hindi hahantong sa ganito? Yung makita ko sila pagkatapos nilang gawin yon. Urgh! Naiinis ako! Damn!

Hinampas ko ang manibela at dumukdok doon. Huminto ako sa isang highway. Palabas na ata ito ng Baguio, papuntang Manila. I sighed. Pangit ba ako? Hindi naman diba? Mabait naman ako. Sabi pa nga nila madali daw akong pakisamahan. Pero bakit ganon? Nagmamahal lang naman ako ah? Bakit lagi akong nasasaktan? Hindi ko naman deserve masaktan eh. Pero bakit ganon? Nakakainis. I started to sob. Damn! Mahal kita James, mahal na mahal. Pero bakit ginanito mo lang ako? Sana naman hindi na lang ako ang niloko mo. Masakit kasi eh. Sobrang sakit. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ito. Masyado nang masakit.

To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon