Chapter 51: London Eye

19 1 0
                                    

Vaughn's POV

Halos hindi ako nakatulog dahil sa ginawa ni Athena. 8 am na. Teka, nasan nga pala yung babaeng yon? Bakit wala na agad sa tabi ko? Bumangon na ako para makapag-ayos na. Nagulat ako nang may narinig akong kumakanta mula sa banyo.


"We're going on a trip in our favorite rocket ship~ Zooming through the sky Little Einsteins~" si Athena, kumakanta.


Napangiti ako nang marinig ko siyang kumanta. Nagustuhan niya yung kantang iyon? Galing kasi yun sa cartoons. Basta Little Einsteins. Naririnig ko lang din naman. Pero di ako bakla ha!

*knock! knock!*


"Hintayin namin kayo sa lobby." sabi ni Eros at umalis na.


Pagbalik ko sa loob nakabihis na si Athena. Wearing a white long sleeves day dress black pumps at black sling bag. Napansin ko din na suot pa rin niya sa left foot niya yung anklet na binigay ko. Dapat lang, kasi akin lang siya.


Athena's POV

Napansin kong nakatitig sakin si Vaughn habang nag-aayos ako ng buhok ko. Problema nito? Ngumiti na lang ako. I'm in a good mood todaaay!


"Good morning! Maligo ka na bilis. Aalis pa tayo." sabi ko sa kanya at tinulak-tulak siya sa banyo.


Hinintay ko siya para sabay na kaming bumaba. Tinignan ko ang sarili ko. I smiled. Bigla kong naalala yung kanta. HAHA. Ang cute kasi! Kaya ginawan ko ng sayaw. Syempre yung madali lang. Kinanta ko yung little einsteins habang sinasayaw. Waaah! Ang cute ko! Shet.


"Ehem. Tara na Diwata. Tama na kakasayaw." natatawang sabi ni Vaughn.

"Heh!" sabi ko at binelatan siya.


Inayos ko na yung half pony tail ng hair ko. Yea. Dark red pa rin color ng hair ko. Ayoko nang palitan. Masyado nang maganda. Nang matapos na kaming mag-ayos ay sabay na kaming bumaba sa lobby. Habang nasa elevator napansin kong kanina pa siya hikab ng hikab.


"Hoy. Natulog ka ba?" tanong ko pero tumango lang siya.


Nagkibit balikat na lang ako at naglakad palabas ng elevator. Bigla kong naramdaman na nawala yung pony tail ko. Tinignan ko agad si Vaughn na tumakbo papunta kila Eros. Aish! I brushed my hair with my hands. Bastos talaga kaya hinampas ko agad paglapit ko.


"Bakla ka ba? Akin na nga yan!" sabi ko.

"Psh. Mas bagay sayo hindi naka-ipit." sagot niya at tinago sa bulsa yung ipit ko. Bahala na nga.

"Good morning my dear brother." bati ko kay Eros. "So kamusta ang matulog sa 427?" tanong ko sa kanila ni Kat.

Napansin kong biglang namula si Kat. "Ayos lang. Kain muna tayo bago umalis." sagot ni Eros.


Mukhang may nangyari sa room 427 ah? I smirked. Lagot ka sakin Kat. Akala mo ako mabibiktima mo huh? Nag-cling ako kay Vaughn at tinignan ang reaksyon ni Kat. Gulat siya eh. Nag-smile na lang ako sa kanya. Naunang maglakad si Eros kaya sinundan na lang namin ni Vaughn. Ano kayang nangyari sa kanila ni Kat? Natulog ba sila pagdating namin dito?

To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon