Chapter 1: Changes

116 1 0
                                    

Athena's POV


5 new messages

From: Kat

Papasok ka na ba? 2 days ka na kasing di pmapasok.


From: Caitlyn

Bunso, pasok ka na please? 4 days ka na naming di nkikita. Monday na oh.


From: Irish

Papasok ka ba ngayon? Ang dami mo nang na-miss na lessons.


From: Joyce

Papasok ka pa ba? Balita kasi namin kay Irish di ka dw niya nkkta sa bahay

niyo?


From: Jonathan

Pumasok ka na.


5 minutes late. Nandito na ako ngayon sa harap ng door ng room namin. I've changed a lot. Physically and mentally. From long curly hair to short straight hair. At kung dati may eyeglass ako ngayon wala na kasi nagco-contact lens na ako.


Kumatok muna ako sa room namin bago ako pumasok. Sure akong nandito na adviser namin. Pagpasok ko . . .



"Good morning Ms. Parker, please sit down." Sir Jun.



I just smiled at him at dumiretso ako sa upuan ko. Diretso ang tingin ko sa adviser kong nagsasalita habang nararamdaman kong may mga matang tumititig sakin. Hindi ko na lang muna sila pinansin at nag-focus sa adviser namin kahit wala akong maintindihan.


Mabilis na natapos ang dalawang oras na wala akong naintindihan na kahit ano. Naka tingin nga ako sa teacher at nagte-take down notes wala naman akong naintindihan.


Break time na kaya inayos ko muna ang mga gamit ko. Alam kong buong 15 minutes nila ako kakausapin.



"Athena. . ." paninimula ni Katrine Dizon, bestfriend ko.

"Hmm?" tanong ko.

"Okay ka lang ba?" Joyce.

"Anong nangyari?" Irish.

"Paano at bakit?" Caitlyn.

"I'm sorry but I don't want to talk about it right now." sagot ko.



Natahamik kaming lahat. Ayokong pag-usapan ang bagay na iyon. Naiinis lang ako sa sarili ko, sa pagiging tanga ko. Gusto kong kalimutan iyon kaya sinabi ko sa kanila na isipin na lang nila na parang walang nangyari. Panaginip lang ang lahat.



"Athena, darating daw sila Azi mamaya." Eros.



Prince Eros Parker, my twin brother. Aziel James Parker, Brent Jacob Parker and Calvin John Parker, they are my cousins magkakapatid silang tatlo. Nasa US sila ngayon, siguro uuwi na sila dito para magbakasyon.

To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon