Chapter 62: Missing him

20 0 0
                                    

Athena's POV

Isang linggo na ang nakakalipas simula nung umuwi kami galing sa mini vacation naming apat. Tuesday na ngayon at hindi ako nakapasok kahapon sa unang araw ng klase ko as a college student. Paano simula Saturday ng gabi nilalagnat ako, kahapon lang ako gumaling at tinamad ako pumasok kahapon.

*DING! DONG!*

Lumabas ako ng kwarto at nilapag sa sofa yung bag ko. Nagdo-doorbell pa alam naman niya yung passcode. Baliw talaga.


"Bakit?" tanong ko.

He kissed my cheeks. "Papasok ka na?" tanong niya.

"Oo." sagot ko at kinuha na ang gamit ko.

"Sabay na tayo." sabi niya.

"Oo na." sagot ko at sabay na kaming lumabas ng condo unit ko.


Pagdating sa parking lot yung BMW ang ginamit namin. Siya na rin pinag-drive ko. BMW lang ang sasakyan na hinahayaan ko na siya ang mag-drive or ipag-drive ako. Wala lang gusto ko lang.


"Okay na kayo?" tanong niya.

"Nino?"

"Ni Kuya Vaughn."

"Busy yung tao." sagot ko kay Jc.


Sa loob ng isang linggo naturuan kong mag-drive si Jc gamit ang BMW ko. Kapalit ng pagpapaaral ko sa kanya ay yung pagta-trabaho niya sakin. Pero binibigyan ko siya ng 5k every month. Parang allowance na niya at tulong ko na din sa pamilya niya. Senior high school na siya. Same school kami. Sa Alexandrite University. May senior high school din kasi doon at pagmamay ari ito nila Tito Demeter, daddy ni Vaughn.


"Tara na." sabi ni Jc at pinagbuksan ako ng pinto.

"Pumasok ka na sa klase mo." sabi ko habang naglalakad kami sa loob ng campus kung saan may karamihan ang tao.

"Uwi muna tayo."

"Huh? Bakit?"

"Sure kang papasok ka nang ganyang suot?"

"Bakit hindi?"

"Wala. Sige na text mo na lang ako. Bye." paalam niya saka humalik sa cheeks ko.


Ano bang problema sa suot ko? White long sleeves, black skirt, black pumps at white shoulder bag. May problema ba? Eh yung ibang babae nga dito hindi nga naka skirt kita naman cleavage nila. Well, dito kasi sa AU malaya ang mga students sa kung anong gusto nilang suotin. Basta wag lang masyadong revealing ganon.

Tinignan ko ang schedule ko. 8 am ang first class ko. 7:30 am pa lang. Madali lang naman hanapin ang rooms dito eh. Business related ang kinuha kong course at ganon din sila Aziel, Eros at Brent. Habang si Calvin something about photography. Si Katrine something about fashion. Si Keira nag-engineering. Si Julia naman architect at si Mich nag-IT.

Tho same course kami nila Azi, Brent at Eros hindi kami pare-parehas ng schedule. Ayaw kasi ni Tito Stephen. Hindi daw makaka-focus yung boys kasi lagi akong makakasama. Ewan ko ba. Hanggang ngayon hindi pa rin kami nakakapag-usap ni Vaughn. He's busy at alam ko yon.

Kahit wala kaming communication at hindi kami nagkikita sinusoot ko pa rin naman yung anklet, bracelet at necklace na binigay niya. Wala lang. Ang ganda kasi kaya gusto kong araw-araw kong suot. Natapos ang lahat ng klase ko sa umaga at vacant ako simula 12 nn hanggang 2 pm tapos may last two subjects pa. Ewan ko ba sino nag-ayos ng schedule na ito.

To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon