Chapter 48: I like him

25 0 2
                                    

Athena's POV

"Ma, sige na please? Payagan niyo na kami." pagmamaka-awa ko kila Mommy at Daddy.


Nandito kami ngayon sa condo ko. Nandito rin si Kat at Aphrodite (since second name basis ang family namin kaya Aphrodite na ang tawag kay Sofia). Pinapapayag ko silang umalis kaming dalawa ni Kat. Pupunta nga kaming Paris. Duuh! BFF goals! Gagamitin naman namin yung jet plane na rinegalo sakin ni James eh.

By the way, okay na kami ni James. We're friends na at pumayag na siya dun. Balak ko kasing pumunta kami sa Paris, London, New York, Maldives at Japan. Limang countries muna ang peg namin ngayon. Hihi. Wala lang bigla ko lang naisipan.


"Sige na kasi Dad. 18 naman na ako eh." pangungulit ko.

"Pero si Kat, 17 pa lang siya. Minor pa yan." Mama.

"Ehh! Kahit na! Ako naman kasama niya eh." ako.

"Nak, kaka-18 mo pa lang." Dad.


I sighed. Kainis naman eh. Naka-impake na kaya kami ni Kat. At balak namin na bukas ang alis namin. Ang kailangan na lang namin ay yung approval ni mommy at daddy. Busy si Kat na nakikipaglaro kay Aphrodite habang ako kinukulit sila.


"Okay, pumapayag na kami." sabi ni Dad.

"Ye. . ."

"But on one condition." singit ni Mama kaya hindi ko natuloy ang pagsasaya ko.

"You need to bring Eros and one of the eldest boys." sabi ni Mama.

"Sure!" sagot ko.

"Papapuntahin namin mamayang  kung sino yung isa pang lalaki na makakasama niyo. We'll go ahead now." Dad.

"Come Aphrodite. Let's go." Mama.

"Sure Dad. Thanks a lot!" sabi ko at niyakap siya.

"Babye Ami!" Aphrodite.

"Bye baby. Be a good girl okay?" sabi ko at humalik sa noo niya.

"Ingat po kayo." paalam ni Kat.


Pagsara ng pinto ay nagtatatalon kami ni Kat at may kasamang sigaw.


"AHHHHHHH!" sigaw naming dalawa at bumagsak sa sofa.


Nagtawanan kaming dalawa at nagpahinga. Finally! Going on a trip with my best friend! Nag-sleep over kasi siya dito kahapon pa. Dumiretso na ako sa kusina para makapagluto ng lunch namin.


"Paano mo sila napapayag?" tanong niya habang tumutulong mag-hiwa. I'm cooking giniling for lunch!

"Wala. Pinilit ko lang."

"Ganon lang?"

"Pero may kasama daw tayo eh."

"Sino?"

"Isa sa pinaka eldest sa boys at si Eros."


Napansin kong napahinto siya sa paghihiwa at natulala. Nakita ko ring namumula ang pisngi niya.


To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon