Chapter 21: Childhood Friends

25 0 0
                                    

Athena's POV


Maaga akong nagising dahil tinext ko sila kagabi na i-meet na lang ako sa cathedral ng 6:30 am. Para may maabutan kaming misa. Tulog pa ang mga pinsan ko kaya nag leave na lang ako ng note. Naka black loose polo, jeans at black boots lang ako. Then shoulder bag. Nilugay ko lang din ang buhok ko.


Pagdating sa Cathedral, 30 minutes pa bago mag-start yung mass. Sabay-sabay na dumating ang tatlo at bagkas ang pagtataka sa mga mata nila. Nagka-sabay sabay siguro sila sa pagbaba sa harap ng cathedral.


"Jim, bakit ka nandito?" tanong ni Kat.

"Niyaya kong lumabas si Athena kasi may date ka. Nasan date mo?" Jim.

"Si Athena ang ka-date ko. Eh ikaw James?" Kat.

"Niyaya ko mag-simba si Athena." James.

"Athena?" tanong sakin ni Kat habang nakataas ang kilay.

"Okay. I'll explain. Unang nag-text sakin si James na lalabas daw kami today, pumayag ako. Tas biglang nag-text si Kat, nag-promise na ako sa kanya na magde-date kami pagbalik ko. Then nag-text si Jim, niyaya din niya ako kasi daw may ka-date si Kat. So naisip kong mag-double date!" explain ko.


Wala na silang nagawa kaya pumasok na kami sa loob ng simbahan. Bago pa man kami makapasok ay kinuha na ni James ang bag ko. Oh, he's being a gentleman again. I just smiled at him bago kami tuluyang naka-pasok sa simbahan.


Pagkatapos naming mag-simba ay naglakad-lakad kami sa session para makahanap ng makakainan. Nasa harapan namin ni James sila Kat at Jim habang naghaharutan. Naramdaman ko agad ang kamay ni James sa balikat ko. Medyo marami rin ang mga tao sa session ngayon. Kaya biglang nawala sila Jim at Kat. Haaay nako.


"James?"


Sabay kaming lumingon dun sa babaeng tumawag sa kanya. She's pretty. Parang kasing age ko lang or what. Morena siya, kasing tangkad ko lang din. She has a curly hair. Yung medyo wavy lang naman. Tapos may dimples. Ghad! Almost perfect! Ganda niya.


"Zoe?!" sabi ni James sabay yakap dun sa Zoe daw.


Oh. Mukhang magka-kilala sila. Medyo na-out of place naman ako dito. Pero sobrang ganda ni Zoe. Parang gusto ko siyang maging kapatid. Where is Eros? Ire-reto kita para magkapatid na tayo. AHAHA.


"Ah Zoe, si Athena nga pala." pakilala sakin ni James.

"Uy! Hello. You're so pretty. I'm Zoe Cepeda. Childhood best friend ni James." Zoe.

"Hello. I'm Athena Parker." pakilala ko.


Bahagya siyang nagulat ngunit agad niya itong pinalitan ng ngiti.


"Nice meeting you Athena. Can we have a group picture?" tanong niya.

"Sige." sagot ni James.


Agad siyang naglabas ng phone niya. Nag-pose kami at after nun nagpaalam na siyang aalis na daw siya dahil may ime-meet pa daw siya.

To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon