Chapter 65: Jaloux

16 0 0
                                    

Athena's POV

Naalimpungatan ako nang may maamoy akong mabango. Hmm. Amoy bacon? Sinong nagluluto? Wait, nasaan ba ako? Dumilat ako at natagpuan ko ang sarili ko sa kwarto ko. Okay. What happened last night? Oh! Dinner with Vaughn's parents. Tapos hinatid niya ako sa condo. Ay! Dito nga pala siya natulog. Wait, anong oras na ba? Ha?! 6:00 pa lang? Jusko! Ang aga pa ah?

Bumangon na ako at lumabas ng kwarto ko. Dumiretso ako sa kusina kung saan nakita kong naka-apron si Vaughn. He's ahmm. He's topless? Mygaaad! Hindi naman porket may kainitan dito sa condo ko kailangan magganyan siya? Jusko! Oh! He's cooking carbonarra.


"Gising ka na pala. Sakto luto na ang carbonarra mo." sabi niya at nilipat sa plato ang carbonarra. "Good morning." bati niya at kumiss sa noo ko.

"Good morning din." sagot ko at umupo na. "Ang aga pa ah?" tanong ko. Sabado naman ngayon.

"May trabaho ako eh. Pero ayos lang mamayang 8 pa naman." sagot niya.


Tumango na lang ako at nag-simulang kumain. So kahit Saturday pala may work sila? Hmm. Okay. Pwede na din. Sunday ang pahinga. Napansin kong may suit sa sala. Umuwi siguro siya para kumuha ng gamit. Well, sa taas lang naman ang condo niya. Buong floor sa kanya. At hindi pwedeng pumasok don ng basta-basta.


"Mauna ka nang maligo. Sasama ka sakin." sambit niya at nag-ligpit na ng pinagkainan namin.

"Sure kang ikaw na dyan? Pwede mo namang iwan na lang." tanong ko.

He smiled and kissed my forehead. "Ayos lang. Maligo ka na." sagot niya.


Damn. Why does he have to be so sweet? Naligo na lang ako at nag-suot ng simpleng black dress. Okay na yan. Suot ko rin yung binigay niyang anklet at bracelet. Paglabas ko inaayos na niya yung necktie niya. Doon siguro siya naligo sa isang pang CR. Lumapit ako sa kanya at tinulungang ayusin ang necktie niya.


"Pwede ka na mag-asawa." sambit ni Vaughn.

Hinampas ko ang braso niya. "Ewan ko sayo. Tara na nga." sagot ko at lumabas na kami ng condo ko.


As usual gamit ulit namin ang BMW niya. Napagusapan din namin ni Vaughn na mamayang hapon ko ibibigay dun sa tatlong magkakapatid yung kotse ko. Bibisita sila sa condo ko mamaya pero syempre surprise yung tungkol sa kotse. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya tinignan ko kung sino ang nag-text.

Kenneth Bernardo:
Good morning miss beautiful!

Athena Parker:
Good morning din Ken!

Nabigla ako ng mag-vibrate ulit ang phone ko. I'm not expecting na magre-reply siya.

Kenneth Bernardo:
Bigla kang nawala kahapon.

Athena Parker:
Sorry. Kasama ko si Vaughn eh.

Kenneth Bernardo:
So, sinagot mo na?


"Athena, kanina pa kita kinakausap. Nandito na tayo oh." sambit ni Vaughn na nagpabalik sakin sa reality.

Pinagbuksan na pala niya ako ng pinto nang hindi ko namamalayan. "Ah. Yea! Let's go." sagot ko at lumabas na ng kotse.

He held my hand as we both enter the P&S Building. "Good morning Sir! Good morning Madam!" bati ni manong guard.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon