Chapter 17: Tensed Princess

25 0 0
                                    

Athena's POV

Ako: Sorry na be. Nag-inuman kasi sila Eros kagabi. Tas nagka-problema kay Taz.

Katrine: Suus! Sabi mo tatawag ka. Naghintay kaya ako.


Oo, kausap ko ngayon sa phone si Kat habang naka-upo sa kama. Kakagising ko lang at alas dose na ng tanghali. Nagising ako sa tawag niya eh.


Ako: Sorry na nga. Oh, kwento na. Ano nang nangyari?

Katrine: Wala na be. Okay na. Nakwento ko na din kay Jim. Parang nagalit siya pero tahimik lang kasi siya eh. Pero okay na talaga, promise.

Ako: Ahh. Ganon ba. Ako naman ang may kwento.


Wala na akong kasama dito sa kwarto dahil nagsilabasan na silang lahat. Kakagising lang din ng boys pero sabi nung caretaker kanina pa daw gising si Alexa.


Katrine: Ano? Kayo na ni James noooh?!

Ako: Hindi ah! Atat lang be. Iba ito eh, tungkol kay Taz.

 


"Athena! Kakain na!" sigaw ni Aziel mula sa labas. Napapikit ako ng mariin. Kainis.


Ako: Damn. Next time na lang be. Ike-kwento ko talaga promise. Kahit mag-date pa tayo pag-akyat namin ng Baguio.

Katrine: Sige na nga. Kelan ba uwi niyo?

Ako: Di ko pa sure. Next week kasi sa Pampanga naman kami.

Katrine: Osege. Ingat na lang kayo. Byeee.

Ako: Ingat ka din. Bye.


Call ended


Naligo na agad ako at nagbihis ng matinong damit. Damn! My head is freaking aching. Fuck you Aziel. Oo, si Aziel kasi. Napuyat tuloy kaming lahat kagabi. Paano ba naman. . .


F L A S H B A C K


Pagpasok sa kwarto naka-higa na silang lahat. Pinagitnaan ako nila Alexa at Kuya Xander sa pinaka dulo. Hindi agad ako makatulog dahil wala akong yakapan na unan. Nahihirapan kasi ako matulog kapag walang yakap-yakap na unan. Kaya kanina pa ako paikot-ikot sa kama.



"Fuck! Wala bang extrang unan dyan?" iritadong tanong ni Eros.

"Meron, na kay Aziel." sagot ni Kuya Zack.

"Hoy Aziel! Ibigay mo na nga yan kay Athena para makatulog na tayong lahat." Brent.

"*snore*" hilik ang sinagot samin ni Aziel.

"Tngina mo Azi! Gusto ko na matulog!" sigaw ni Kuya Tim.

 


Nasa pinaka dulo din kasi ng kama si Azi. Yakap niya yung unan at mukhang tulog na tulog na siya. I swear kahit magalit sila sakin hindi ako makakatulog nang walang yakap na unan.

To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon