Chapter 61: His Side

16 0 0
                                    

From Chapter 57: Arc de Triomphe

Bebe boy daw? Tch. Si Jc lang pala. Kainis. Oo na nagseselos na ako. Tss. Naglakad na kami palabas ng restaurant at hindi ko na siya hinintay. Naiinis ako sa Jc na yun. Sana pala babae ang binigay kong personal assistant kay Athena. Kainis. Habang naglalakad kami bigla kong napansin na wala na si Athena sa likuran namin.


"Teka, si Athena?" tanong ko kila Katrine at Eros.

"Ha? Diba kasunod lang natin siya?" Katrine.

"Ewan ko. Paglingon ko wala na." natatarantang sagot ko.


Lumingon-lingon ako para mahanap ko yung babaeng mahal ko. Hanggang sa makita ko siya sa isang stall na may kausap na lalaki. Agad ko siyang nilapitan. Narinig ko pang magpapakilala yung lalaki kaya inunahan ko na.


"Babe, is something wrong here?" tanong ko kay Athena at pinadausdos ang kamay ko sa bewang niya.

"Nothing is wrong here. I'm just being friendly to her." sagot nung lalaking asul ang mata. Ikaw ba kausap ko? G-go ata ito.

"Pourquoi ne pas consulter sa cheville?" tanong ko sa lalaki. (Why not check his ankle?)

Napatingin siya sa left foot ni Athena. "Je suis désolé. Je ne savais pas qu'elle a un petit ami." sagot niya kaya napangiti ako. (I'm sorry. I do not know she has a boyfriend.)

"I'm sorry again. I'll go ahead now." paalam nung lalaking may asul na mata.


Dapat lang na umalis na siya. Baka gusto pa niyang sapakin ko siya papunta sa Mars? Tss. Nawala lang ako saglit sa tabi ng diwatang ito may mga umaaligid agad. Hindi pa ba sapat yung anklet niya? Tss. Baka gusto pa nila ng malaking karatula? 


"Nandito ka lang pala." sabi ni Eros sa kapatid niya.

"Yea. Bumili lang ng mango shake." sagot ng diwata. Sana nagpaalam sakin diba? Tch.

"Oh Vaughn okay na? Wag masyadong mag-alala. Tara na." sabi ni Kat.

"Tss." sagot ko at nagsimula na kaming maglakad.


Pagkatapos naming magikot-ikot nag-dinner na kami at tahimik na bumalik sa mga kwarto namin. Pagpasok sa kwarto namin ni diwata nakita kong binagsak agad niya ang sarili niya sa kama. Napagod siguro. Lumapit ako sa kanya nang hindi niya napapansin at tinanggal ko yung heels niya. Sinimulan kong i-massage yung mga paa niya. Medyo namumula na din. Kakalakad siguro kanina. Damn! Ang lambot ng paa. At sobrang puti niya talaga. Grabe.


"Next time wag kang maghe-heels kung alam mong buong araw tayong maglalakad." sermon ko sa kanya at tinabi ang heels niya.

Lumapit ako sa may tenga niya at bumulong. "Tu es à moi. Personne ne peut me voler ma fille." at hinalikan ko ang noo niya. (You're mine. No one can steal my girl.)


From Chapter 58: City of Love

Habang naglalakad kami nagulat ako nang may kinawayan si Athena kaya sinundan ko ang tingin niya. Napasimangot ako. Yung lalaking may asul na mata nanaman. Tch. At talagang lumapit pa siya samin ha? G-go!


"Hello! Remember me?" tanong sa kanya ni Athena.

"Of course." sagot nito. Tch. Pasikat, bakit di mo try palitan ang araw?

To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon