Chapter 52: Unpredictable

55 1 0
                                    

Eros' POV

Vaughn Smith:
Bro, pasolo ng kapatid mo ha? Sa London Eye lang kami.

Eros Parker:
Sige bro. Basta wag mo lang isasakay sa ferris wheel yan.

Sending failed

Damn. Ngayon pa ako nawalan ng load. I sighed. Bahala na. Hindi naman siguro sasakay ng ferris wheel si Athena. It's a bad idea.


"Saan daw sila?" tanong ni Kat. Oo nga pala, kasama ko itong babaeng ito.

"London Eye." sagot ko.

"Really? Tara puntahan natin sila!" Nakakita ako ng excitement sa mga mata niya. Ang dali talagang basahin.

"No. Kakain muna tayo." sagot ko at naunang maglakad papunta sa isang restaurant dito.


Katrine Dizon. I find her attractive. Yea. Pero masyado siyang madaling basahin. Madaling i-predict. Madaling basahin, kaya nga alam kong may gusto siya sakin. Tama diba? /Hindi ko naman siya masisisi. Isang gwapo at hot na katulad ko kaya mo bang tanggihan? Hindi diba?

Tahimik lang kaming kumakain. Habang siya parang hindi mapakali. Hindi rin makatingin sakin. I know, nahihiya siya. Iniisip niya siguro na nagde-date kami. Tch. Ang daling basahin diba? Pero ayos lang, mabait naman. Harmless. HAHA. Nang matapos na siyang kumain napansin kong kanina pa siya tingin ng tingin sa labas. Problema nito?


"Tara na." aya ko sa kanya at nauna ulit lumabas.


Ayokong isipin ng iba na girlfriend ko siya. Siguro, soon. Hindi, joke lang yon. Pagdating sa London Eye kitang-kita ko na namamangha siya. Agad ko siyang hinila para makasakay na kami.


"You're drooling again." sabi ko sa kanya pagka-upo namin sa ferris wheel.

"Hindi kaya!" sagot niya at tumingin sa labas.


So she likes the view huh? She likes it here? Hindi ko naman first time sumakay sa isang ferris wheel. Naka-sakay na ako kasama mga pinsan ko. And that was the last time na nakasakay kaming lahat sa ferris wheel. So this is my second time. Nang mahinto kami sa taas napansin kong naka-ngiti siya. I know, she's happy and that's good.


"You like me." sabi ko at napatingin siya.

"A-ano?" tanong niya.

I chuckled. "I know that you like me. You like me right?" sagot ko na may tanong.

Napansin kong namula siya at umiwas ng tingin. "Got it." sabi ko at tumingin sa labas.


I smiled. I don't know why I am happy right now. Maybe because of the fact that I'm riding a Ferris wheel again. Nah. That's childish. Nang makababa na kami ng Ferris wheel bigla akong nakatanggap ng text galing kay Vaughn.

Vaughn Smith:
Athena needs you here right now. She's pale.


"Oh shit." bulong ko.

"Bakit? May problema ba?" tanong ni Kat.

Binulsa ko ang phone ko at nilibot ang tingin. "We need to find them." sagot ko at nagmadaling hanapin sila.

To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon