Chapter 58: City of Love

14 0 0
                                    

Athena's POV

"Huy. Bilisan niyo nga kumain." sabi ni Kat kila Eros at Vaughn.

"Ang aga pa. 10:30 pa lang. Wag ka ngang atat." sagot ni Eros.


Kumakain kami ngayon ng breakfast at excited na kami ni Kat para mamayang gabi. Naka-impake na din kami dahil after namin sa Eiffel tower uuwi kami sa hotel para kunin ang maleta then diretso nasa Maldives. I'm wearing a blue sando, white knitted jacket, ripped jeans tapos flats. Sabi kasi ni Vaughn mag-flats na lang daw ako.


"Oh tara na." sabi ko at tumayo na.

"Saan tayo?" Vaughn.

"Athena, hihiwalay muna kami sa inyo ha? Mag-meet na lang tayo sa Eiffel Tower mamayang gabi." sabi ni Eros.

Tinitigan ko siyang mabuti. Got it. "Aryt." sagot ko.

Siya naman ngayon ang tumitig sakin. "Good." sabi niya at ngumiti.

"Hoy! Anong pinag-uusapan niyo? Wala akong nag-gets sa titigan niyo." Kat.

"Wag kang chismosa. Tara na." sagot ni Eros kay Kat. "Bro, ikaw na bahala sa kapatid ko." baling ni Eros kay Vaughn.

Lumapit si Eros sakin at may binulong. "Pag uwi sa Pilipinas usap tayo." bulong niya.


Tumango na lang ako at umalis na sila ni Kat. Bago pa sila umalis kumunot pa ang noo sakin ni Kat. Natawa na lang ako. Naramdaman kong inakbayan na ako ni Vaughn kaya nagsimula na kaming maglakad.


"May gamot ka ba or alam na treatment para sa sakit ko?" nagulat ako sa tinanong ni Vaughn.

"Seryoso ka ba?" at napalingon siya.

"Oo nga. Ano may alam kabang treatment?" sabi niya at naglakad ulit kami.

Napakunot ako ng noo. "Ano bang sakit mo?" tanong ko. Bakit ba naniniwala ko dito sa lalaking ito?

"Sobrang. . ." he paused kaya napalingon ako sa kanya habang naglalakad. ". . . kagwapuhan." dagdag niya.

Tumigil ako sa paglalakad at ganun din siya. I glared at him. "Seriously?!" sabi ko.


Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti. Napa-irap na lang ako. Umaarangkada nanaman ang kakulitan nitong asong ito. Huminto kami sa isang park ata? Ang daming nakatambay na tao eh. Umupo kami sa bench na walang tao. Nagulat ako nang yakapin niya ako. Alam niyo yung naka-upo ako ng maayos habang siya nasa magkabilang gilid ng bench yung paa? Basta ganon!

Unti-unti niyang pinaglaruan yung right hand ko habang naka-yakap pa rin siya. Problema nito? Hinayaan ko na lang siya at nag-lean ako sa chest niya. Nagulat ako nang pinag-intertwine niya ang kamay naming dalawa. I smiled. He's being clingy again.


"Dito lang ba tayo hanggang sa gumabi ha Mr. Smith?" tanong ko.

"Hindi naman. Tara. Lakad tayo." sagot niya at sabay kaming tumayo.


One thing that I love about Vaughn, yung may ugaling siyang tatahimik lang kaming dalawa. Enjoying and treasuring every moment. Parang kahit parehas kaming tahimik masaya pa rin kami. Napangiti ako nang hawakan niya ulit yung kamay ko. Gusto ko rin yung ugaling niyang lagi niyang pinaparamdam sakin na safe ako kapag kasama ko siya.

To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon