Chapter 43: Mr. Kulit

27 0 0
                                    

Athena's POV

"Athena! Anong ginagawa mo dito?" tanong sakin ni Vaughn habang kumakain ako dito sa Manor. Umupo siya sa harap ko at inusisa ako.

"Why are you sitting there?" mataray na tanong ko.

"Masama?"

"May sinabi ba ako?" tanong ko at umirap.


Almost 2 weeks na akong naka check in dito sa Manor at nabi-bwisit na ako sa pamilya ko. April 22 na ngayon. Ilang araw na lang debut ko na. Hanggang ngayon hindi pa rin nila ako pinapapasok sa bahay. I tried once pero ayaw talaga nila kaya di na ako nagpumilit. Bahala sila. Naiinis lang ako lalo.


"Taray nito. Ano ngang ginagawa mo dito?" tanong niya at kumain din.

"Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikitang kumakain ako? O sadyang tanga ka lang?" pagtataray ko. "Bwisit." bulong ko.


Hindi na lang siya nagsalita at kumain na din. Pagkatapos kong kumain tumayo na ako at dumiretso sa kotse ko. BMW ang dala ko ngayon. Actually, pumupunta ako sa garage ng bahay para magpalit ng kotse. Sumakay ako sa driver seat at nagulat ako nang sumakay si Vaughn.


"What are you trying to do?!" tanong ko.

"Gusto kitang samahan. Saan ka ba pupunta?" tanong niya.

Umirap ako at nag-simulang mag-drive. "Sa airport." sagot ko.


Hindi na niya ako kinulit at naging busy sa phone niya. Tss. Bakit ba kasi nandito itong aso na ito? Naiirita ako eh. Pagdating sa airport wala akong dalang maleta. Isang malaking bag lang. Bwisit. Lahat ng soot kong damit bago. Eh hindi nga ako makapasok sa bahay paano ako kukuha ng damit?

Ramdam kong sumusunod pa rin sakin si Vaughn. Bahala siya dyan. Binigay ko ang open plane ticket ko kasama ang passport ko. Nagulat ako nang sabihin na hindi ako pwedeng umalis ng bansa. Pag mamay-ari nila Tita Jack ang airline na ito. Bakit hindi ako maka-alis? Leche! Dahil ba sa mga sinabi kong hindi maganda kay Mich?

Padabog akong sumakay ng sasakyan. Ganon pa rin. Tahimik na sumakay si Vaughn. Sinuot ko ang seat belt ko at nag-drive ng sobrang bilis. Naiinis ako! Damn it! Bwisit! Ano bang problema nila sakin? Nang makahinto ako sa John Hay nakita ko si Vaughn na naghahabol ng hininga.


"Ano? Buhay pa?" pang-aasar ko sa kanya.

"Tang. . . ina. . ." yun lang nasabi niya.


Tumatawa ako nang parehas kaming lumabas ng kotse ko. Lalo akong natawa nang makita ko siyang namumutla. Nang mahimasmasan siya ay galit niya akong tinitigan.


"Shit! Ganon ka ba talaga mag-drive?" tanong niya at umupo kami sa damuhan.

"Hindi naman. Kapag naiinis or galit lang." sagot ko.

"Kamusta?" tanong niya bigla.

"Okay lang. Kamusta ang kumpanya?"

"Maayos naman. Medyo busy."

"Busy, eh bakit nandito ka kasama ko?"

"Wala lang. Bakit ka nga pala tumutuloy sa Manor? Diba may bahay naman kayo?"

To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon