Chapter 44: The Truth

22 0 0
                                    

Athena's POV

Birthday ko na bukas pero wala pa rin silang imik sakin. Hindi ko na lang bini-bwisit ang sarili ko kaya hindi ko na sila masyadong iniisip. Kanina pa ako gising pero hanggang ngayon hindi pa rin ako bumabangon. Biglang may kumalabog sa pinto ko. May tao ata, pero dahil tinatamad akong bumangon bahala sila dyan. Tss.


"ATHENAAAAAA!"

*BOOOOGSH!*

Kingina naman! Sa sobrang gulat ko kila Alexa, Zoe, Mich, Keira at Julia nahulog tuloy ako sa kama. Leche naman eh.


"Shit!" bulong ko at hinimas ang ulo ko.

"Ate, ayos ka lang?" tanong ni Alexa at tinulungan akong tumayo.

"Lex, anong ginagawa niyo dito?" tanong ko nang makaupo ako sa kama.

"Shopping tayo!" masiglang yaya ni Zoe.

"Oo nga! Tapos pa-footspa na din tayo, nakaka-stress this past days." suggest ni Keira.


Tinignan ko silang lahat. Seriously? Anong ginagawa nila dito? Bigla nila akong pinagtulakan sa CR para maligo at mag-ayos. Damn! Wala na akong nagawa kundi mag-ayos. Pagkatapos kong maligo nakita ko silang nag-iikot lang sa room ko.


"Nagpa-dye ka ulit ng hair?" Zoe.

"Yea." sagot ko. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa SM nga ate." Alexa.

"May sasakyan kayo?" tanong ko pagkarating sa parking lot.

"Family car namin ang dala." sagot ni Mich.

"Okay." sagot ko at pinatunog ang kotse ko. Lamborghini pa rin, hindi ko na lang pinalitan.

"See you there Athena!" masiglang sabi nila bago ako humarurot papunta sa SM.


Nauna akong dumating sa parking lot at hinintay ko na lang sila. Nakasandal lang ako sa kotse ko at tinawagan ko si Taz. I miss my baby Sofia.


Taz: Hello beb?

"Taziaaaal! Where my baby? I miss her!"

Taz: Ha? A-ah. Bukas na lang ha? Bye


Kingina naman eh! Bakit binabaan niya ako? Bwisit! Nagulat ako nang kumapit sa magkabilang braso ko si Zoe at Keira. Fine! Kakalimutan ko na yung problema ko sa kanila since matagal ko na silang napatawad.


"Bawal ang nakasimangot ngayon Athena." Mich.

"Yea! Forget about everything. Let's just have some fun!" masiglang sabi ni Julia nang makapasok kami sa SM.


I sighed. Okay fine. Ngumiti ako sa kanila at nag-shopping nga kami. Kung anu-anong damit ang binili namin. May mga make-up kits din. Sapatos, bag, etc. Tapos nag-lunch muna kami sa Jollibee. Ewan ko kung bakit dito kami napadpad. Tapos dumiretso na kami sa isang salon. Habang minamassage ang kamay ko at nagpe-pedicure dinadaldal naman ako ni Keira.


"So, saan ka nagii-stay ngayon?" tanong ni Keira.

"Sa Manor." sagot ko.

To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon