Chapter 42: Ang chevy

26 0 0
                                    

Athena's POV

Nakayuko pa rin ako nang maramdaman kong nagsi-upuan ulit sila. Umayos ako ng upo at kinuha ang bag ko. Sinuklay ko ang buhok ko at nag-pony tail.


"Car keys." sabi ko kay Taz habang inaayos ang buhok ko.

"What?" tanong ni Taz.

"Bigay mo sakin yung susi ng Lexus ko, Tazial." sagot ko.

"Saan ka pupunta?" tanong niya ulit.

"I need to escape." sagot ko nang matapos na ang pag-ayos sa buhok ko.

"No, you're drunk."

"I'm not!"

Huminga siya ng malalim. "Please Athena, don't drive. Baka. . ."

"Just give me the god damn key!" sigaw ko ulit.


Natahimik silang lahat. Gusto ko lang mag-drive para makalimot. I usually drive my car kapag may problema akong tinatakasan. And I need it now!


"Athena, tama na please. Kapag nag-drive ka ngayon baka maaksidente ka ulit." pagpigil sakin ni Eros.

Tinignan ko siya nasa harap ko ngayon. "Why do you even care?" tanong ko.

"Damn! Of course I care!"

"Bakit naman?"

"Coz I'm your god damn brother Athena!" sigaw niya sakin.


Naiinis ako. Sa sobrang inis ko may dinampot ako sa gilid ko at binato ito sa kanya. The next thing I knew, I fell asleep.


Tazial's POV

Nakatulog na si Athena pagkatapos niyang batuhin ng susi si Eros. Hindi ko rin alam kung saan galing ang susing iyon. Nagkaron ng malaking hiwa at pasa si Eros kanang braso niya. Matulis kasi yung susi at ang lakas ng pagkakabato ni Athena. Binuhat siya ni Zachary at pinasok na sa kwarto nila ni Eros habang kami naiwan pa rin dito.


"Guys, sorry ha? Sorry sa mga nasabi ko kay Athena." sabi ni Mich.

"Ayos lang Mich, galing mo nga eh. Napaniwala ako dun." Brent.

"Bro, anong meron?" tanong sakin ni Vaughn kaya napatingin silang lahat samin.

"Anong nangyayari?" tanong ko sa kanilang lahat.

"Dapat ba nating sabihin sa kanya?" tanong ni Keira kay Eros.

"Kung gusto niyo itong mag-work out dapat sabihin niyo sa kanya. Sila ni Athena ang sobrang close dito ngayon." Alexander.


Sinabi nila sakin ang plano at ang kunyaring away kanina. Pero ang hindi nila ine-expect ay ang pagsuntok ni Athena kay Azi at ang pag-iyak nito. Mga gago talaga.


"Pero binabalaan ko lang kayo, she's fragile. At kapag nasasaktan yan laging magda-drive, gagamitin niya yung chevy niya para makalimot sa sakit na nararamdaman niya." warning ko sa kanila.

"Kaya pala niya hinihingi ang car keys kanina." sabi ni Zoe.

"Pero grabe pala yung sakit na pinagdaanan niya. Galit na galit eh. Nakaka-guilty." James.

To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon