Chapter 14: Agliophobia

25 0 0
                                    

Athena's POV



"Athena, na-lock mo na?" Kuya Tim.

"Yup." sagot ko sabay sakay sa van.



Pinagitnaan ako ni James at Taz sa likuran.



"Guys, picture muna." sabi ko at naglabas ng phone.



Nagkasya kaming lahat sa phone ko at pinost ko agad sa ig account ko '@princessathena: Off to Bora with them.' Nabigla ako nang may tumatawag sakin. Si Kat, 12:00 am na ah? Bakit gising pa ito?


Phone Conversation:


Ako: Bakit gising ka pa?

Kat: Pupunta kang bora?

Ako: Yup. Dun kami magbabakasyon.

Kat: I saw your post on ig. Kasama si James?

Ako: Yup.

Kat: Kyaaaaaaaah!

Ako: Heey! Ang ingay mo!

Kat: Kinikilig ako be. Kasama mo siya?!

Ako: Leche toh. Sige na, bye na. Matulog ka na.

Kat: Osege. Ingat kayo ha? Byeee.

Ako: Byeee


Call ended


So, tumawag siya dahil nalaman niyang kasama namin si James sa bora? Suus. What's the big deal? Sabagay, crush ko ito eh. Pogi pa. HAHA. Nag simula nang mag-drive si Kuya Zack at ang ingay nilang lahat. Nakatulog kasi sila kanina ayan tuloy maingay. Masaya naman na puro lalaki kasama pero minsan nakaka-OP.


Maya-maya ay tumahimik naman na sila. Mga napagod din. Tulog na yung iba maliban kay Kuya Zack, Kuya Tim, James at ako. Si Taz na katabi ko ay nakapatong ang ulo sa balikat ko. Hayaan na lang natin.



"Hindi ka ba inaantok?" James.

"Medyo lang." sagot ko.



Humikab ako at pumikit para matulog. Pagdilat ng mata ko ay wala nang tao sa van kundi kami ni Taz. Tumingin ako sa may bintana at nakita ko na ang rest house namin. It's already 10:45 am. Gutom na ako.



"Sa wakas at nagising ka na." sabi ni Taz sabay massage ng braso niya.

"Tara na." sabi niya at bumaba na ng van.



Sumunod na ako sa kanya at nakita ko na ang mga pinsan kong busy sa pagkain. Tumabi ako kay Taz dahil doon na lang ang bakante. Binigyan ako ni Taz ng coffee habang si James naman hot choco. Syempre bawal sakin ang coffee kaya yung hot choco ang ininom ko.

To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon