Chapter 9: Lunch

45 0 2
                                    

Athena's POV


Isang linggo akong walang ginawa kundi i-stalk si James tuwing break time. Tambay sa may bench sa labas ng room at hintayin na dumaan si James. Next week na yung finals namin at after nun vacation na. Ang bilis grade 10 na kami next school year. Gosh.


Masaya kasi bakasyon na sure akong out of town kaming magpipinsan. Malungkot kasi hindi ko na makikita si crush. Tngina.

Tapos graduating pa?! Puta. Bakit naman kasi ngayon lang kami nagkakilala? Pota talaga eh. Nakakainis. Nakauwi na din ang parents nila Aziel kaya dun na sila umuuwi sa bahay nila. Well, kabilang street lang naman sa village namin. Pero sila Kuya Tim at Kuya Zack kila Kuya Xander tumitira. Hindi pa daw kasi uuwi parents nila.


So back to normal kami ni Eros. Hatid sundo ulit. Nakabalik na din kasi sila mommy. Hindi naman ako pinagalitan nung nagsumbong si Eros about sa pagtakas ko ng Chevrolet niya. Siya pa yung napagalitan kasi ako yung pinag-drive niya pauwi. Hindi kami masyadong nagpapansinan dahil dun sa ginawa niya. Bahala siya dyan.


Maaga akong uuwi ngayon dahil wala naman akong gagawin. Friday na, weekend nanaman. Tatambay nanaman ang mga pinsan ko sa bahay namin. Sa Monday at Tuesday integration day. Free time. Gagawin lang namin lahat ng requirements na hindi pa namin natatapos.


"Nasan po si Sir Eros?" tanong ng driver.

"Sunduin mo na lang ulit siya. Uwi na ako." sagot ko.


Tumango lang yung driver at nag-drive na pauwi. Pagdating sa bahay naamoy ko agad yung niluluto ni mommy.


"Hmm! Steaaaak!" sigaw ko at tumakbo sa may kitchen.


Nakita ko agad yung carbonarra na nasa table at yung chocolate cake. Nagtu-turbo ng steak si mommy. Anong meron?


"Oh Athena nandyan ka na pala. Si Eros? Hindi mo kasabay?" Mommy.

"Hindi po. Nauna na po ako." sagot ko at kumiss sa cheeks niya. "Ano pong meron?" tanong ko.

"Magbihis ka muna. At habang nagbibihis ka isipin mong mabuti kung anong araw ngayon. Kapag naisip mo na at tama ka, mas marami ang share mo ng carbonarra kesa kay Eros. Deal?" Mommy.

"Deal!" sabi ko at umakyat na sa kwarto ko.


Parehas kasi kaming nag-aagawan ni Eros sa carbonarra. Madalas pantay ang share namin. Pero ngayon kapag nahulaan ko kung anong meron ngayon mas marami ang share ko. Makakaganti na ako. HAHAHAHAHA.


Okay, think Athena. Anong meron ngayon? March 6 ngayon diba? Anong meron sa March 6? March 6. March 6. March 6. Shet! Anniversary nila mommy at daddy! 20th anniversary nila ngayon! Agad akong kumaripas pababa at nakita kong papasok na ng gate si Eros kailangan maunahan ko siya.


Pagdating ko sa kusina...


"Happy 20th anniversary mom and dad!" kasabay ng pagsigaw ko ang pagpasok ni Eros sa may sala.

"Talagang gusto mong mas marami ang share mo ng carbonarra kesa kay Eros huh? Thank you sweetie!" mom.


To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon