Chapter 26: Confused

20 0 0
                                    

Athena's POV

"Just in time." sabi ni James pagbaba namin ng kotse niya.

Nandito na kami sa bahay namin. At nagulat ako nang pagpasok ko nandun lahat ng pinsan ko. Well, wala sila Kuya Tim, Kuya Zack, Kuya Xander at Alexa.

"Athena! Panuorin mo ito bilis!" sabi ni Calvin at hinila ako paupo sa sofa, sumunod naman si James.

'Isang babaeng nag-trending dahil sa surprise ng kanyang boyfriend. Paanoorin po natin.' news reporter.

Bigla kong nakita yung sarili ko sa tv. Na-videohan ang buong pangyayari kanina sa MOA. Oh my god. Nakakahiya. Pinakita pa na nag-trending ito sa twitter at maraming tao ang naka-witness.

"Sobrang nakakakilig! Galing pa daw sila ng Baguio. So pinasyal lang niya yung girl. Sobrang sweet nung boy. King and Queen.' sabi nung ininterview.

Oh. . .My. . .God. . . Nabalita pala kami? Jusko. Nakakahiya. Itsura ko naman daw doon oh! Haggard!

"Kalat na din sa lahat ng social medias ang nangyari. Ang daming views sa youtube nung video niyo." 

Hanggang sa maka-uwi na si James, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Bukod sa ginawa niya nabalita kami. Jusko. Nakakahiya. Nag-check ako ng facebook at ang daming nag friend request. In-accept ko na lang lahat. Ang dami ring nagla-like ng pictures namin ni James. May mga nagpo-post pa sa wall ko.

'Hi Ate! Na-witness ko po kanina sa MOA yung nangyari. Stay strong po.'

'Ate, you're so pretty po. Bagay kayo ni Kuya James.'

'Stay strong po sa inyo. King and Queen.'

Nag-log out ako at nag-open ng twitter. Ang daming followers. Jusko, paano nila nahanap mga account ko? Pag-check ko sa ask.fm ang daming questions. Sinagutan ko na lang lahat since wala akong magawa. Maya-maya bumaba na ako para kumain ng dinner. Pagbaba ko si Eros lang nasa kitchen.

"Umuwi na yung apat?" tanong ko at naglagay ng pagkain sa plato ko.

"Yup." sagot niya.

Tahimik lang kaming kumakain. Ang laki ng table namin at yung bahay din namin sobrang laki. Pero kaming dalawa lang ang nakatira dito. Namimiss ko na yung sabay-sabay kami ng parents kong kumain dito. Nagtatawanan habang kumakain. Bakit kasi lagi silang wala dito sa bahay. Puro business nasa utak eh. Tapos wala pa sila sa nalalapit na birthday namin ni Eros. Nakakatampo lang talaga.

"Kayo na ba?" biglang tanong ni Eros. Eto nanaman siya.

"Wag na nating pag-usapan. Pagod na akong mag-explain sayo." sagot ko at umakyat na sa kwarto ko.

Napapadalas kasi ang pangangaral sakin ni Eros. Baka daw saktan lang ako ni James. Nakakainis kasi ramdam kong ayaw ni Eros si James para sa akin. May something eh. Ramdam kong may tinatago siya sakin. Kulang na lang bawalan na niya si James makipagkita sa akin.

Kinabukasan tinanghali nanaman ako ng gising. Pagmulat ng mga mata ko nakita ko agad sila Azi dito sa kwarto ko. Gosh. What are they doing here?! Si Brent at Taz naglalaro ng chess habang sila Azi, Calvin at Eros naglalaro ng UNO. Pwede namang sa sala na lang bakit dito pa sa kwarto ko?

"What are you doing here?" tanong ko.

"Binabantayan ka." Taz.

"Ha? Bakit?" tanong ko ulit.

"Baka mamaya magtanan na kayo ni James eh." Azi.

Pinagbabato ko sila ng unan kaya nagulo yung mga nilalaro nila. Tumatawa akong naglakad papuntang CR para maligo. Paglabas ko nagliligpit na sila. Inaayos din nila yung kama ko. Haay nako. Bahala sila diyan. Nang lumabas ako ay sumunod din sila at inakbayan pa ako ni Azi. Urgh. Why so clingy! Kainis. Ang boring naman dito. Saan ba pwedeng pumunta? Hmm. Gusto ko gumala.

To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon