Chapter 12: Wait

32 0 0
                                    

Athena's POV

Iyak ako ng iyak pagkatapos kong i-kwento lahat kay Azi. Pagkatapos ng ilang weeks, ngayon ko lang nailabas yung totoong nararamdaman ko. Lahat ng sakit nailabas ko dahil hanggang ngayon masakit pa rin. Oo kinakausap na ako nila mommy pero ramdam ko pa rin yung pag-iwas nila minsan. Hindi nila pinapakita sa mga pinsan ko yung problema nila sakin.


Pati si Eros hindi ko pa din nakaka-usap tungkol dito. Kaya simula nang pumasok ulit ako todo bantay siya sakin. Binabawalan nila akong lumapit o makipag-usap kay Miko dahil natatakot silang ulitin ko yung ginawa ko. Hindi ko naman maia-alis sakanila na isiping gawin ko ulit yun, dahil wala na silang tiwala sakin. Takot na sila mag-tiwala sakin.


Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang biglang sinuntok ni Aziel yung pader na malapit sa kanya. Nakita kong ang dilim ng aura ng mukha niya. Galit siya, galit na galit siya. Hindi ko alam kung sakin ba siya nagagalit o kanino. Natatakot ako, natatakot ako sa pwedeng gawin ni Azi. Nakakatakot siyang magalit, silang mga pinsan ko iba magalit.


Mas lalo akong naiyak dahil sa ginawa ni Azi. Tngina Athena! Ang hina-hina mo talaga! Biglang nagtakbuhan ang mga pinsan ko dito sa kusina. Nakita kong kakarating lang ni Eros. Naiyak ako lalo nang makita ko si Eros. Kapatid ko siya. Hindi lang kapatid pero kakambal pa. Kambal kami. Pero naiinis din ako sa kanya na wala siya sa tabi ko nang kinailangan ko siya. Pero hindi ko magawang sisihin siya dahil kasalanan ko naman.


"Aziel! Anong nangyari?! Bakit umiiyak si Athena?!" natatarantang tanong ni Brent at nilapitan ako.


Naka-close fist lang si Azi habang nanlilisik ang mga mata niya. One word, nakakatakot. Parang ayokong lumapit sa kanya.


"Dude! Calm down! Ano bang nangyari?" Calvin.

"Athena, what happened?" tanong ni Kuya Zack.


Tinakpan ko ang bibig ko at unti-unting umiling. Nagulat ako nang biglang sinugod ni Azi si Eros. Pinipigilan siya ni Calvin at Kuya Zack dahil galit na galit siya. Galit siya kay Eros? Pero bakit? Bakit siya nagagalit kay Eros?


"Tngina mo Eros! Ikaw yung nandito nung kailangan ni Athena ng karamay pero anong ginawa mo?! Wala! Wala kang ginawa! G*go! Tngina mo! Wala kang kwentang kapatid Eros!" sigaw ni Azi.


Ngayon naiintindihan ko na. Nagagalit siya kay Eros dahil hinayaan niya akong mag-isa sa sitwasyong kailangan ko ng kasama. Nagkagulo silang lahat dahil patuloy ang pagsugod ni Azi kay Eros pero hindi gumaganti si Eros.


"Wala kang alam Azi dahil hindi ikaw ang nasa posisyon ko." mariin na sagot ni Eros.

"Yun na nga eh! Kaya hindi ko maintindihan kung bakit wala ka man lang ginawa! Bullsht!" sigaw niya ulit at sinugod si Eros.

"STOP!" sigaw ko kaya napatigil silang lahat. "Tama na Azi, tama na. Walang kasalanan si Eros." dagdag ko pa at tumakbo na sa kwarto ko.


Ito nanaman. Nagkakagulo nanaman kaming lahat dahil sakin. Jusko Athena. Gulo na lang lagi ang dala mo sa mga pinsan mo. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa mapagod din ang katawan ko kaka-iyak. Ayoko nang isipin ang nangyari kaya nag-review na lang ako para sa exam kinabukasan. Pero kahit anong gawin ko hindi mawala-wala sa isipan ko yung nangyari hanggang sa nakatulog ako kaka-iyak.

To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon