Chapter 59: Scared

17 0 0
                                    

Athena's POV

Pagkatapos naming tumambay sa Eiffel Tower nag-decide kami na bukas ng madaling araw na lang kami aalis papuntang Maldives. Nag-dinner lang kami at inabot kami ng 10 pm sa labas. Kaya pag-uwi sa hotel ayon bagsak kaming lahat. But I still manage to take a bath.

Kinabukasan, naramdaman kong may pumipisil ng pisngi ko. Ano ba yan. Ilang oras pa lang ata tulog ko gising agad? Parang kakapikit ko lang ng mata ko ah? Okay, ang OA ko na. Pasensya.


"Psst. Diwata. Gising naaa~" unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Tumambad sakin ang mukha ni Vaughn at ang kamay niyang pinipisil ang pisngi ko. "Good morning!" bati niya sakin at pinisil ulit ang pisngi ko.

"Mashaket." sabi ko at tinigil niya ang pagpisil sa pisngi ko.

"Bumangon ka na dyan ha? Aalis na daw tayo." sabi niya at kiniss ako sa forehead sabay ngiti.


Napangiti na lang din ako sa ginawa niya. Ngayon ko lang napansin na topless pala siya. Dire-diretso siyang pumasok sa CR. Pumunta ako sa veranda at sinilip ang Eiffel Tower. Soon, babalikan kita at sana pagbalik ko proposal na. I sighed. Mangyari pa kaya yon? Ayoko na kasing umasa at nakakatakot magmahal ulit. Baka masaktan nanaman ako. Nakakapagod na kasi.


"Oh. Tulala ka dyan? Maligo ka na dun." kanina pa pala ako tulala dito.


Nginitian ko na lang si Vaughn at dumiretso na sa CR. Nagsuot lang ako ng ripped shorts, black shirt na medyo kita ang pusod, tapos may nakataling black and red checkered na long sleeves sa waist ko then black converse. Paglabas ko tumambad sakin ang best friend kong naka denim short, floral crop top at white converse. Tapos ang hair naka pony tail lahat na may ribbon pa.


"Sexy ah?" bati ko kay Kat.

"Syempre! Para kay Eros yan." bulong niya sakin at tumawa.


Napailing na lang ako. Gaga talaga itong babaeng ito. Ngayon ko lang napansin na wala pa si Eros. Umupo ako sa dresser at pinatuyo ang buhok. Nag-check out siguro si Eros. Well, si Vaughn nandito pa rin naman. Pagkatapos kong patuyuin ang buhok ko, I grabbed my pony tail at ginawang bun ang buhok ko. For sure mainit sa Maldives.

Pagkatapos kong mag-ayos ready na kaming lahat at nag-text daw si Eros na hihintayin kami sa lobby. Nag-simula na kaming bumaba at dumiretso sa lobby. Naaninag ko agad ang gwapo kong kapatid kahit naka-talikod siya samin. Nang makalapit kami sa kanya agad siyang humarap.

Napatitig siya kay Kat na naka-short at kita ang pusod. Agad na kumunot ang noo niya pero mukhang ayos lang naman sa kanya. Siguro nagpaalam si Kat kanina. Lumipat naman ang titig niya sakin. Oh no! There goes my protective hot brother.


"Ano yang suot mo?" tanong niya sakin habang sinusuri ang suot ko.

Kumunot ang noo ko. Anong klaseng tanong yon? "Uhh. Damit?" alanganing sagot ko.


Tinitigan niya akong mabuti at hinila paalis si Vaughn. Uhh okay? Mali ba ang sinagot ko? Eh damit naman talaga yung suot ko ah? Hindi naman sako. HAHA. Joke. Korny.


"Yan kasi. Sana nagpaalam ka na lang sa Kuya mo. Alam mo naman yun conservative." bulong sakin ni Kat.

To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon