Chapter 57: Arc de Triomphe

16 0 0
                                    

Athena's POV

Paglabas ng restaurant naglakad ulit kami. Wala pa ring imik si Vaughn. Tss. Bahala siya dyan. Naiinis lang ako kapag iniisip ko siya. Bahala siya kung hindi niya ako kakaausapin or kung kakausapin. Wala akong pake. Tch. Nakakita ako ng mini stall ng shake. Agad akong lumapit at hindi ko na sila inabalang tawagin.

Bumili ako ng mango shake. Hmm. Yummy! Habang hinihintay ko yung binili kong mango shake. Napatingin ako sa isang lalaki na naka white shirt at naka shades. Damn so hot! Ako lang ba or sadyang nagmumukhang fit ang white shirt niya kaya naaninag ko yung maskels niya? Jusko. Ang hot niya! Omg. Nagulat ako nang lumingon siya sakin. Bigla akong nataranta. Agad akong umiwas ng tingin. Nakakahiya! Tinititigan ko siya at nahuli niya akong tumititig sa kanya. Grabe! Nakakahiya!


"The usual please." rinig kong may nagsalita mula sa gilid ko.

"Right away sir." sagot nung tindera.


Bigla akong nataranta nang mapansin kong siya yung lalaking tinititigan ko kanina. Aish. Nakakahiya talaga yung ginawa ko. It's rude to stare right? Lalo na kung mahuhuli ka.


"Are you a tourist here?" tanong bigla nung lalaking katabi ko. Hindi ako nakasagot. Malay ko ba kung ako kinakausap niya. "Hey miss. I'm talking to you." this time lumingon na ako.

"Me?" tanong ko.

"Yea. Are you a tourist?" tanong niya.

"Ah. Yea." sagot ko. Naamaze ako sa mata niyang kulay blue. Waaah! Ang cute!

"You're alone?" tanong ulit niya.

"Uhmm. No. I'm with my friends." ako.

"But where are they? Are you lost?" tanong niya ulit.


Wait, pansin ko lang ha? Masyado siyang maraming tanong. Problema nito?


"I'm not lost." sagot ko na lang at kinuha yung mango shake ko.

"I'm. . ." magpapakilala sana siya nang biglang may nagsalita mula sa likuran ko.

"Babe, is something wrong here?" rinig kong tanong ni Vaughn at naramdaman kong naglakbay sa bewang ko ang braso niya.

"Nothing is wrong here. I'm just being friendly to her." sagot ni blue eyes.

"Pourquoi ne pas consulter sa cheville?" sabi ni Vaughn. Ano daw?!

Tumingin yung blue eyes sa baba. "Je suis désolé. Je ne savais pas qu'elle a un petit ami." sagot niya kay Vaughn. Ano bang sinasabi nila?!

"I'm sorry again. I'll go ahead now." paalam nung blue eyes at umalis na.


Ngayon ko lang napansin na nandito din pala sila Kat at Eros. And they have their goofy smile on their faces. What's up people? Talking behind my back? Urgh.


"Nandito ka lang pala." Eros

"Yea. Bumili lang ng mango shake." sagot ko.

"Oh Vaughn okay na? Wag masyadong mag-alala. Tara na." sabi ni Kat.

"Tss." sagot ni Vaughn at naglakad na kami.


Napansin kong nasa bewang ko pa rin yung braso ni Vaughn habang naglalakad kami. Hmm. Ano kayang pinagusapan ni Vaughn at nung lalaking blue eyes? Bakit kailangan ibang language pa? Pssh. Nakarating kami sa Arc de Triomphe na iniisip ko pa rin kung anong sinabi ni Vaughn kay Mr. Blue Eyes.

To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon