Chapter 10: Date?

44 0 0
                                    

Athena's POV

"Athena, tara na!" aya sakin ni Eros.


Pinatay ko na yung laptop ko at tumayo sa sofa. Nagmamadali si Eros dahil may mga requirements pa siyang hindi nagagawa. Buti na lang at natapos ko na lahat ng requirements ko. Tumayo na ako at nagpaalam kila mom and dad. Pagsakay sa kotse, tinuloy ko yung pagre-review ko. Busy din si Eros kaka-ayos ng mga gagawin niya or kung anong uunahin niya.


Pagdating sa school, halos lahat ng students busy. Except na lang siguro samin ni Kat. Kumpleto na din kami dito sa classroom. Kalat-kalat sila. Karamihan nasa harapan at gitna. Kaya dumiretso ako sa likuran at inayos muna ang locker ko. Same kami ng locker ni Eros. Ako na lang mag-aayos since busy pa siya.


Nilagay ko lahat ng libro at gamit namin ni Eros sa isang paper bag. Siya naman magbibitbit niyan mamaya eh. Pagkatapos kong ayusin yung locker namin, umupo na ako at nagsuot ng earphone. Medyo maingay sila kaya mas gusto kong music ang naririnig ko habang nagre-review.


*After an hour*


Patuloy pa rin ako sa pagre-review kahit dalawang subjects lang naman ang exam ko bukas. Naagaw ng mga kaklase ko ang atensyon ko nang marinig kong sinisigaw nila name ko. Kaya tinanggal ko yung isang earphone ko at inalis sa mukha ko yung papel na hawak ko.


"Bakit?" tanong ko.

"May naghahanap sayo, nasa labas ng room." sagot ng isa kong kaklase.


Sino naman ang maghahanap sakin? Tinignan ko si Kat at ngiting-ngiti ang loka. Pinakilig nanaman siguro ni Jim. Haaay nako. Naglakad na ako palabas ng room. Paglabas ko...


"Athena..."

"Oh Gab! Ikaw pala. Hinahanap mo daw ako?" tanong ko.

"Ah oo. Busy ka ba?" tanong din niya.

"Hindi naman. Bakit?" ako.

"Pinapatawag ka ni Sir Jun. Nandun siya sa room namin." sagot niya sabay lakad patungong room nila.


Sinundan ko siya at nag-alinlangang pumasok sa room nila. Nakakahiya. Hindi ako sanay sa section nila. Ang daming lalaki. Sa section kasi namin konti lang ang boys, karamihan girls.


"Athena, halika dito." tawag sakin ni Sir Jun nang makita niya ako.

"Bakit po?" tanong ko nang makalapit ako.


Nararamdaman kong may mga matang nakatitig sakin kaya nahihiya ako. Whooo. Pero wala naman ata si James dito eh. Anu ba yan! Wrong timing naman!


"May boyfriend ka ba?" tanong ni Sir Jun na ikinagulat ko.

"Tinatanong pa ba yan Sir? Alam mo naman po yung sagot ko eh." ako.

"Okay." sagot niya sakin. "Pasok na!" baling niya sa may pintuan ng room na ito.


Biglang pumasok sila Kuya Leo na nag-gigitara. Para san toh? Bigla akong kinabahan. Jusko! Ano ito? Mukhang kasabwat pa si Sir Jun dito sa kalokohan na ito ah? Biglang nagpakita si James habang may hawak na 3 roses. Jusko! Nananaginip ba ako? Kung oo pwedeng wag niyo na akong gisingin pa?

To Love or Not To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon