MATAPOS ang pag uusap ng dalawa ay napag pasyahan nilang kumain na dahil may kanya kanya silang gagawin ngayong araw. Si Livione ay may aaksikasuhin daw ito at si Elvaña ay bibisita sa kanyang sariling kompanya at sa kompanya ng boss nila.
Ang journalism company niya ay may sentro talaga ito. Ang pinaka malaking journalism company sa asya. Kombaga ito ang sentro ng kanilang company which is pag aari niya at nag ta-trabaho din sya don sa pinaka malaking companya sa buong Asya at kung boss sya sa kanyang sariling companya ay may boss din sya. Mahuhusay at magagaling na journalist lamang ang nag ta-trabaho at nakaka pasok sa companyang iyon.
Ang una niyang bibisitahin ay ang kanyang sariling companya. Matagal-tagal nadin nung huli syang bumisita doon due to her busy days. Ang namamahala lang doon ay ang kaniyang pinag kakatiwalaang secretary.
Actually, hindi sana siya pupunta sa JNHC or JOURNALISM NEWS HEADLINE COMPANY pero biglang nag announce nang meeting ang kanilang boss. Their boss is kinda mysterious and weird. Never pa itong nag pakita sa kanila or never niya pang nakita? kaya she won't miss this chance na makikita ang boss nila. Ni walang nakaka alam sa pangalan nito, at ayon sa mga ibang nag ta-trabaho ng companya at ang nakakita raw rito ay palagi itong may suot na mask.
Kapag may meeting ay secretary niya ang haharap samin. Why he's hiding his face? At bakit walang nakaka kilala sa kanya? But he has an initial and its ZB at iyon ang tawag ng secretary niya sa kanya at sa lahat ng workers but what is ZB? arggh nakaka stress mag isip non.
Kaya imbis na mag paka stress tungkol sa boss nilang mysteriyoso ay napag pasyahan niyang maligo na.
Speaking of Livione, nauuna na itong umalis pag katapos nilang kumain kanina dahil marami pa daw itong aaksikasuhin. Kahit sabihin nating nawala ang tiwala niya rito but wala namang mawawala if she try to trust him right? Bago sya pumasok sa banyo ay nahagip ng mata niya ang litrato ni Livione. Nilapitan niya ito at pinag masdan."If choosing the same person over and over again is a mistake, I won't make it right. I will love this man forever. Kahit sinaktan at pina iyak mo ako? I will always love you." Nakangiting sambit niya habang pinagmasdan ang litrato ng lalaki.
Ilang minuto pang pag titig niya sa litrato ay pumasok na sya sa banyo upang maligo.
MATAPOS siyang maligo ay agad syang nag bihis. Ang sinuot niya ay isang LBD dress na kulay itim tsaka pinarisan ng isang taller boots. She really loves wearing a boots. Nababagay sa suot niyang itim na boots sa dress nitong itim. Kitang kita ang kurbada ng katawan nito ay litaw na litaw ang mapuputing balat nito.
Nag lagay ito ng light make up tsaka red lipstick. Para syang isang kontrabida dahil sa kanyang pulang lipstick at suot. Nang matapos tiningnan ang sarili sa salamin ay napag pasyahan na nitong umalis.
Nang maka rating sa baba ay dumiretso na kaagad sya sa parking lot at kinuha ang sasakyan niyang sport car. It's her favorite car ever!! Agad syang sumakay at agad itong pinaharot papunta sa kanyang kompaniya.
ILANG minuto lamang ay agad syang naka rating sa kompanya dahil malakas ang takbo ng sasakyan na ginamit niya. Nang makarating sya doon ay agad niyang pinarada ang kanyang sasakyan, nag suot muna sya ng sunglasses bago lumabas.
Nang maka baba ay agad syang dumiretso papasok. Habang nag lakad papasok ay binabati sya ng kanyang mga nakaka salubong na empliyado at binabati naman niya ito pabalik habang naka ngiti bago pumasok sa elevator at pinindut ang button papunta sa floor niya.
"WELCOME AGAIN MISS ELVAÑA!!!!!" Parang aatakihin sya sa puso ng wala sa oras dahil sa lakas ng sigaw ng empleyado niya pag pasok niya sa kanyang opisina.
Napahawak sya sa dibdib kung saan banda ang kanyang puso habang pinalibot ang kanyang mata sa loob ng opisina. Napaka ganda ng mga desenyo tsaka may naka lagay na WELCOME MISS ELVAÑA tsaka ang dami ng mga pag kain.
"Welcome again miss Elvaña!" masayang sambit ng isa niyang empleyado. Ngumiti sya tsaka sila isa isang niyakap.
"You know what guys, di niyo naman kailangan gawin to eh. Nag pagod pa kayo kaka design at ang busy niyo pa naman. But thank you so much for this effort at pag welcome sakin. I appreciate it so much. And i like the design the color purple!!! And of course the foods!!" Nag tatawanan ang lahat dahil sa huling sinabi ni Elvaña. She really love the color and everything.
" Nah, deserve mo naman eh. Your always welcome boss!!!" Sambit ng secretary niya na alam niyang ito ang nag pasimuno sa lahat.
" Actually hindi ako mag tatagal dahil ngayong araw namin malalaman kung sino ba talaga ang CEO ng JNHC at ano ang kanyang mukha!! Kaya di ko sasayangin ang opportunity na to. I'm very curious kung ano ang mukha ng CEO ng JNHC, you know. Kaya just enjoy this day guys at bukas nalang ninyo tapusin ang mga trabaho niyo. And i have a surprise to all of you." Excited Sambit niya tsaka dumiretso sa isang mesa at kumuha ng cake tsaka ito kinain. Bakas sa mukha ng mga empleyado na curious ito about sa surprise niya pero di niya iyon pinansin.
Kumain pa sya ng kung ano-anong pagkain doon bago napag pasyahang umalis upang di sya ma late sa kanyang pupuntahan. Nag papaapam muna sya sa mga ito bago tuluyang umalis.
Nang maka rating sya kung saan naka parada ang sasakyan niya ay agad siyang sumakay rito at agad itong pinaharot papunta sa JNHC company.
ILANG minuto pa ang byahe niya bago nakarating sa napakalaki at napaka tayog na building ng JNHC. Agad niyang pinarada sa parking lot ang sasakyan bago bumaba. Agad syang dumeritso papasok at di naman ito sinita ng guard, malamang lagi nitong nakikita ang mukha niya tuwing pupunta sya rito kaya naging pamilyar na para sa gwardya.
Binati sya ng ilang kasamahan niya at gaya ng ginagawa niya binabati din niya ito pabalik.
Wala ang ibang kasamahan niya dahil may mga mission ito. Alam niyang gusto ng ibang kasamahan niya na makilala at makita ang boss nila pero kailangan nila tapusin ang mission nila.
Agad syang dumiretso sa napakalawak na conference room at napaka mamahalin ng mga desenyo nito. At isa pa ay ang kulay ng mga designs ay purple. Babae kaya ang boss niya? Impossible naman siguro no? Argghhh!!! Ay ewan. Makikita ko din naman sya.
Iwinaksi niya sa isipan niya ang mga katanungan tsaka umupo sa bakanteng upuan. Ang dami na ng mga tao sa conference room at halatang excited din sila na makilala kung sino at ano ang mukha nito. Single kaya? Gwapo? Di matanda? Hmm, baka matanda no?
Ang daming katanungan sa kanyang isipan na walang kasagutan but this time she will know kung sino at ano ang mukha nito. Yung lang ang intention niya. Kahit naman single ito eh may nag mamay-ari na sa puso niya eh.
Ilang minuto pa ay biglang bumukas ang pintuan ng conference room at pumasok doon ang secretary ng boss nila na mysteriouso.
"Magandang umaga sa lahat!! Excited naba kayo makilala at makita ang mukha ng boss natin?" Magiliw na sambit ng secretarya.
"Oo!!!" Sigawan at kantyawan ng mga naroon. Pati sya ang napangiti dahil sa excitement.
"OKAY!" Sumenyas itong tatahumik muna. Kaya napatahimik ang lahat at tinuon ang attention sa sasabihin ng secretary.
"Actually nakikita niyo na sya everywhere. He's famous after all—"Di niya narinig ang ibang sinabi ng secretarya dahil nag ingay nanaman ang mga kasamahan niya. Gossshshh bagay na bagay talaga sila sa trabahong to no? Mga maingay at puro taning nga tanong!!! Shesssssh.
" —Welcome mr. Zabrill!!!" Yun lamang ang narinig niya tsaka nag palakpakan ang lahat ng pumasok ang isang matandang lalaki. What the?!! Di ba sila na disappoint sa mukha niya? He's bald at ang tanda na. I'm not a judgemental, I'm just stating the truth.
Mag tatanong sana sya sa katabi niya kung bakit di sila na disappoint sa mukha ng CEO pero nag salita ulit ang secretary this time naka microphone na sya.
"And let's welcome the CEO of JNHC Mr.!!!" He thrilled bago tinuloy ang kanyang sasabihin.
Muntik nang mapugutan ng hininga si Elvaña dahil sa pangalang sinambit ng secretarya. This can't be!!!
_________________
Sa tingin ninyo sino kaya?
Please vote and comment thank you!!
YOU ARE READING
His Lovely Dangerous Look (On-going)
RandomWARNING:MATURE CONTENT ||R18+|| Wrong grammar and typo ahead. Don't copy or repost this story. 📌Works by the authors imagination. If you don't like my stories, please leave it alone and don't say inappropriate words. Thank you. Still editing for th...