Chapter 26

55 2 3
                                    

LIVIONE FELT so lucky dahil napasa kanya ang babaeng matagal na niyang inasam-asam, ang babaeng gusto niyang pakasalan, ang babaeng gusto niyang makasama pang habang buhay.

Finally, hes home.

This is the first time na naramdaman niya na ganito siya kasaya. Damn!!

Thanks God for this woman! Damn! Naging masama ako, matigas ang ulo at madami akong nagawang lasalanan na di nakaka tuwa sayo but still you hear my fucking prayer. You give the woman na gusto kung makasama hangang sa huling hininga ko.

Di parin mawala ang ngiti sa kanyang labi habang nag drive patungo sa mansion ng mga Madril. Damn! Excited na siya na ipag sabi na engaged na siya, na may fiance na siya at iyon ay walang iba kundi si Elvaña.

"I love you wife—my Queen."

" maka wife to. Di panga kasal."Natatawang sagot ni Elvaña." I love you too Mr. Fontanella."

Ngumisi lang si Livione saka kinuha at pinagsikop ang kamay nila Elvaña at saka hinalikan ang likod ng palad nito." I love you more soon to be Mrs. Fontanella."Malambing na sabi nito habang hinalik-halikan parin ang kamay ni Elvaña habang patuloy parin ito sa pag drive.

"At first Loving you was never in my option, I just found myself falling in love with you." Napangiti at mas lalong lumakas ang tibok ng puso ni Elvaña dahil sa sinabi ni Livione. "I guess it’s true. You can run through a million women, but you can't replace a real one."Dagdag pa nito sa kanyang sinabi kaya mas lalong napangiti si Elvaña.

"They said, we suffer because of our desire, so if desiring to be with you will cause me to suffer then I am more willing for an endless suffering." Hearing those words, she felt butterflies in her stomach. Her heart is racing at the same time.

"Hindi ko alam na may mabulaklak pala na salitang lumalabas sa bibig mo Zachary." Naka ngising turan niya rito. Pero sa kaloob-looban niya ay kinilig siya.

"Damn! Sa dami ng sinabi ko yan lang ang sasabihin mo? Tsk! Sayang ang laway ko." Nag mamaktol na wika ni Livione at naka nguso habang patuloy parin sa pag drive.

Tinawanan siya ni Elvaña saka kinurot ang pisngi nito at hinalikan. "I love you..." Malambing na sabi nito.

"Te amó, mi amor." (I love you, my love) napangiti si Elvaña saka yunakap kay Livione na nag patuloy parin sa pag drive.

"Damn! You make me hard baby." Natawa siya dahil sa sinabi ng lalaki at pabiro itong kinurot.

Nang maka rating sila sa tahanan ng ina ni Elvaña ay excited siyang bumaba kasama si Livione. Dumiretso sila sa loob at nag tungo sa living room. Nagulat si Elvaña pagka rating nila sa living room dahil nandito ang angkan ni Livione. Halos kumpleto silang lahat.

"Ehem!!" Tumikhim si Livione kaya naagaw nila ang attention ng mga taong nandon. "H-hey guys, kaya ko kayo pinapunta dito dahil may sasabihin kami." Kinabahang Saad ni Livione saka nilagay ang kamay nito sa bewang ng dalaga.

"Sasabihin nyo na may relasyon kayo? Alam na namin yan." Sabi ng isang babae na sa tingin ni Elvaña ay mas matanda sa kanya. Naka ngisi ito habang sinasabi iyon.

"A-ahmm no. We're engaged. Elvaña is my fiancee now." Deretsong saad ni Livione. Naka nganga ang iba at ang iba ay nagulat pero nanatili paring kalma.

Tumingin si elvaña sa kapatid nito na naka nganga at saka pinakita rito ang kanyang kamay kung nasaan ang sing-sing.

"What?!! Engage kana??!!" Hysterical nitong saad pero tinawanan lang siya ni Elvaña.

"Ba't di nyo pina alam samin? Saan ka nag propose Livione?" Biglang saad ng ama ni Elvaña.

"Teka-teka stop na. Wag na kayong mag tanong okay? Support nalang kayo." Walang paki-alam na saad ni Elvaña na para bang di ito takot sa kanyang ama.

Sinamaan siya ng tingin ng kanyang ama kaya lumapit siya dito saka nanlambing na yumakap. "I love you dad."

Napa bugtong hininga ang ama na para bang senyales na sumuko na ito. "Fine, Di ko na kayo pipilitin ma mag paliwanag. Kumain na muna tayo at saka pag usapan natin kung kailan ang kasal." Masayang yumakap si Elvaña sa ama at niyakap naman ito ng kanyang ama pabalik.

Matapos mag yakapan ay tumayo si Elvaña saka lumapit sa kanyang ina at yumakap." Malaki kana El wala na kaming baby na iyakin."

"Mom, nandiyan pa naman si Zia at Hara."

"Eh, di naman iyakin si Zia at Hara eh!!" Parang batang saad ng kanyang ina pero tinawanan niya lang ito. "I love you mom."

"I love you too baby." Saad ng ina at saka sila ulit nag yakapan.

Natigil lang sila nang may biglang mag salita. "So? Mag asawa nalang din ako? Para ganyan din kayo ka lambing sakin?" Malditang saad ni Zia na may halong selos sa boses nito saka umirap.

Natawa si Elvaña saka hinila papalapit sa kanila si Zia at niyakap.

Bumitaw si Zia sa yakap saka hinarap si Livione." Kumpare, ayusin mo yang pangit kung ate ha? Kapag sasaktan mo yan putol yang kaibigan mo sa ibaba. Kita mo." Nag babantang saad ni Zia. Napalunok naman si Livione dahil sa sinabi nito saka tumango-tango.

"Buti naman at nagka intindihan tayo." Naka ngising saad ni Zia kaya kinurot ni Elvaña ang singit nito.

"Mag tigil-tigil ka Tequila." Sinamaan ni Zia ng tingin ang kanyang ate dahil sa tinawag nito sa kanya.

Tumayo si Zia saka nag tungo sa kusina pati nadin ang iba at ang naiwan nalang sa sala ay si Livione at Elvaña.

"Your sister is scary baby love."Natawa si Elvaña dahil sa sinabi ni Livione.

"She's not, ganyan lang talaga siya. Pero mabait yon." Proud na sambit ni Elvaña na para bang pinag malaki nito ang kayang kapatid.

"I love you baby."

"I love you too Livione."

"Well, I love you mo—" Di natapos ni Livione ang kanyang sinabi nang may biglang nag sasalita.

"Hoy! Mag lalambingan lang ba kayo jan? Ano di kayo kakain? So, ano? Mabusog kayo jan sa I love you, I love you nyo? Ha?" Nakanga-nga si Elvaña habang naka tingin sa batang babae nag sasalita.

What the!?

"Hey kiddo, watch you mouth." Saway ni Livione rito.

"Ano? Paano ko tingnan ang bibig ko?" Pilisopong saad ng bata kaya napa mura ng malutong si Livione.

"Bullshit! Fvck this child." Tanging sambit nalang ni Livione dahil ayaw niyang patulan ang pamangkin. Napaka maldita pa naman nito. Kaya ang ginawa niya nalang ay lumapit dito saka binuhat ang bata at inaya si Elvaña papunta sa dinning hall upang kumain.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Lovely Dangerous Look (On-going) Where stories live. Discover now