STELLVESTER's POV
"Anak, para namang Biyernes Santo ang mukha mo" sabi sa akin ni Mama. Nandito na kami sa Munisipyo. Ngayon kasi naka set ang araw ng kasal ko at nang babaeng ni hindi ko man lang alam ang pangalan.
" Ikaw ba naman Ma, ikasal sa taong hindi mo naman nakita kahit isang beses man lang, eh paano kung mukhang engkanto yu--"
"Shh. Stell, ano ka ba baka may makarinig sayo." saway sa akin ni Mama. Nako talaga! kapag yun mukhang tikbala--- Natigilan ako ng makakita kong bumaba mula isang sasakyan ang isang magandang babae.
"Kung kasing ganda lang nito yung ipapakasal sakin---"
"Kuya, tara na daw sa loob, parating na daw yung bride mo." sabi ni Jean bunso kong kapatid.
Hanggang sa makapasok ako sa loob ng office ng mayor ay hindi mawaglit sa isip ko ang itsura ng babaeng nakita ko kanina.VIVIENNE's POV
"Manang Ason, wala pa po bang text or tawag si Mommy?" tanong ko kay Manang on the way na kami sa munisipyo para sa kasal ko. This is my choicea, ininsist ni Lolo to do it as a Church Wedding, pero para sa akin, tama na yung civil wedding nalang. Ayokong maraming makaalam ng kasalang ito. Tutal pareho parin naman kaming estudyante nung mapangangasawa ko. Tsaka para sa akin, magpapakasal lang ako kapag Beach Wedding, at syempre sa taong mamahalin ko habang buhay. Mangyari pa kaya yun? Eh ikakasal na nga ako sa taong hindi ko naman kilala.
Inaalam ko kung may text or tawag na si Mommy from States. Kailangan kong malaman ang plano niya.
"Konting tiis lang,Yen. Kaya mo to" sabi ko sarili ko. Bago bumaba ng sasakyan dahil nakarating na kami sa munisipyo. Nandito na kami sa elevator, at habang papunta na kami sa floor kung nasaan ang Mayor's Office, Gustong gusto kong tumakas at tumakbo palayo. Pero hindi ko magawa, dahil iniisip ko si Lolo.
Kahit na pinilit niya ako sa isang Arrange Marriage, mahal na mahal ko si Lolo. Siya ang nagsilbing ama sa akin una pa lang, dahil iniwan na kami ng Daddy ko, nagbubuntis pa lang si Mommy sa akin.
Dapat si Mommy talaga ang ikakasal noon sa anak ng kaibigan ng Lolo. Pero dahil niyaya ng Mommy ko na magtanan noon ang Daddy. Ay hindi yun natuloy. At ang sabi din naman di din naman sang-ayon ang anak ng kaibigan ni Lolo. Kaya sa kamalas-malasan, naipasa sa sumunod na generation ang kasuduan kuno ng lolo ko at ng kaibigan niya.
Bakit hindi na lang rin umayaw yung lalaki sa kasalang ito?
Para pareho kaming malaya diba?
Sana tumutol na lang rin siya?
Yun ang tumatakbo sa isip ko, hanggang sa hindi ko napansin nandito na pala ako sa harap ng pintuan ng Office ng Mayor.
Binuksan na ito para sa pagpasok ko, Iilan lang ang nasa loob, halos wala nga akong kilala. Nakita ko lang si Lolo na nakatayo at hawak ang baston niya at masayang nagbigay ng ngiti.
Oo
Maya-Maya may nakita akong lalaki na humakbang mula sa unahan. At Nagulat siya nang makita niya ako. Kumunot naman ang noo ko sa naging reaksyon niya. Nalaman ko na siya ang mapapangasawa ko ng makita kong tinapik ni Lolo ang balikat nito. At hindi nga ako nagkamali dahil inabot ni Lolo ang kamay ko at inabot yun sa kanya.
"Ikaw na ang bahala ko sa apo ko Hijo" nakangiting sabi ni Lolo sa lalaking nasa harap ko ngayon.
Matangkad ito, maganda ang mata at medyo may kakapalan ang kilay.
"O-Opo, Sir" nauutal namang sabi nito. Napapa ano ba 'to?
"Haha! Lolo, tawagin mo akong Lolo Apo," sabi ni Lolo at binigyang diin pa ang salitang 'Apo'. Napairap na lang ako.