STELL's POV
"A-Anong sabi mo?" nandito ngayon si Pablo sa kwarto namin ni Josh. Kakauwi lang niya galing sa kabila. Sa bahay nila Eirine.
"Nakipahiwalay na si Vien kay Peter, Dahil sinasaktan daw nito si Vien." sabi ni Pablo. "Oh? A- anong gagawin ko?" kahit pa nagulat ako sa nalaman ko ay hindi ako nagpahalata.
"Walang reaksyon Stell?" ani Josh.
"Ano bang dapat kong maging reaction Josh ha? Tsaka isa pa matagal na niyang pina Divorce ang kasal namin. Siya naman ang nagdesisyon na tanggalin ang kung anuman ang koneksyon naming dalawa eh kaya kahit ano pa ang mangyari sa kanya labas na ko dun."
"Pero Dre, may pinagsamahan pa rin naman kayo. Hindi mo man lang ba aalamin kung anong totoong nangyari?" sabi naman ni Pablo
"Para saan pa Pablo? Para masaktan ako ulit? Para maalala ko na naman na iniwan niya ako noon? Hindi madaling makalimot uy! Bago pa ako maging okay ang dami ko pang pinagdaanan. Alam niyo yan!
Tsaka ilang linggo lang naman kaming nagkasama."
"Pero minahal mo diba? In that two weeks, minahal mo siya, kaya ka nga nasaktan noon eh diba.?" muling sabi ni Josh
"Tinatanggi ko ba? Inaamin ko naman. Ang akin lang ayoko nang magkaroon pa ng koneksyon sa kanya lalo na ngayon na okay na ako. Hay bahala kayong dalawa matutulog na ko" sabi ko at tumalikod sa kanila at nagtalukbong na lang ng kumot.
FLASHBACK
"Sabihin mo nga sakin Vien? Bakit ka bumalik? Anong purpose ng pagbalik mo?" tanong ko sa kanya nandito na kami sa labas dahil sinundan niya ako . Hindi siya makasagot at para hindi na rin siya mahirapan aalis na sana ako kaso lang nag umpisa na siyang magsalita.
"P-pasensya ka na talaga, Vester,a-alam ko namang mali yung nagawa ko. A-ayoko lang na makulong sa kondisyon ni Lolo tsaka ayoko ring mahirapan ka." Kumunot ang noo kong tumingin sa kanya.
"A-alam ko naman na napilitan kang pakasalan ako dahil lang din sa kasunduan. H-hindi naman natin mahal ang isa't isa" sabi niya habang nakayuko pa rin
"Tsaka, isa pa, may pangarap ka, a-ayokong makasagabal ako sa pag-abot ng mga pangarap mo. Gusto ko maging masaya---"
"At sa tingin mo sa ginawa mong yun masaya ako? Gusto mo? Eh ako? tinanong mo man lang ba ako kung gusto ko ha? Hiningi mo man lang ba ang opinyon ko?" Hindi ko mapigilan ang inis na nararamdaman ko.
" Nagdesisyon ka mag-isa Vien, oo alam kong hindi mo ako Mahal," nag uumpisa ng tumulo ang luha ko " Alam ko naman na hindi mo ako gusto dahil si Peter ang gusto mo! Pero sana naman, kahit asawa mo lang ako sa papel, sana man lang sinabihan mo ako sa plano mo! Sana man lang nirespeto mo ako bilang asawa mo!" Kita ko ring umiiyak na siya.
"Kung sinabi mo sa akin na gusto mong magDivorce papayag naman ako eh, kasi alam mo Vien, ang iniisip ko yung nararamdaman mo, ang importante sa akin kung saan at kung kanino ka magiging masaya " sabi ko sa kanya.
"Vien sana sinabi mo! Para hindi ako nagmukhang tanga na kahit ako hindi ko alam kung bakit ka umalis nung araw na yun!Kung May nagawa ba ako?. Kung May nasabi ba akong masama sayo, Sana sinabi mo Vien.
Dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga taong nakapaligid sa atin. Hinayaan mong maging palaisipan sa kanilang lahat kung bakit mo ako iniwan nun'' Ang daki ko pang gustong sabihin pero alam ko na nasasaktan din siya sa mga nangyayari.
"Pero sa tingin ko, mas okay na rin na nangyari yun" napatingin siya sa akin sa sinabi ko.
"Siguro nga tama ka, mas okay na din na lumayo ka noon, kasi ito na ako ngayon. Hindi ako nagyayabang pero, Siguro tama lang na iniwan mo ako, dahil mas lalo akong nagpursigi na maabot ang pangarap ko. Inayos ko yung sarili ko, yung buhay ko. Kasi maliit lang ang mundo Vien, alam kong darating at darating ang araw na magkikita tayo.