STELL's POV
"Opo, he's 4 years older than us po and he's staying sa America kasama po ni Tita Vien." sabi ni Pollo.
"Huh? Hello Kuya Pollo? did you forget already. Kuya Star and Tita Vien will be staying here na, becuase Kuya Star will study here diba?" sabi naman ng batang si Polly.
"Mga anak, saglit nga, this Kuya Star is your Tita Vien's son?"
"Haynaku, si Daddy naman paulit ulit po. Oo nga po, Si Kuya Star is Tita.Vien.Son. and he's 10 years old now po." sabi ni Polly at tsaka naman ako nilingon ni Pablo at tinaasan lang niya ako ng kilay. Napakunot lang ako ng noo at nagkibit-blikat sa mga naririnig namin na sinasabi ng mga batang to.
"Ahm, Baby Polly did you already meet Kuya Star's daddy?" tanong ni Josh sa bata habang nakatingin sa akin. Lahat kami ay naka abang sa isasagot ni Polly.
"Hmm Well, according to Kuya Star his dad is working po sa malayo, but he doesnt even meet him at all." sabi ni Polly.
"Bakit daw, Anak?" segundang tanong naman ni Pablo
"I don't know po eh----- OH MY GOD!! HALAA!" biglang napasigaw si Polly. Naalerto naman kamig lahat.
"Bakit Baby? What happened?" ani ni Pablo sa anak na gulat na gulat pa rin hanggang ngayon
"I already forgot! Tita Elaine, Tita Vien and Mommy told us that this is a super duper secret! Hala Kuya!!" halos maiyak iyak na ito tumingin kay Pollo na naka-cross lang ang balikat sa isang tabi.
"Hala ka Polly! Lagot ka kay Mommy!" pananakot nito sa kapatid.
"Daddy you ask so many questions po kasi eh!" paninisi nito sa Daddy niya.
Nagkatinginan lang kaming lima. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mga nararamdaman ko ngayon. Parang may nagtutulak sa akin na alamin ang tungkol sa batang sinasabing anak ni Vien!
Bigla naman akong may naalala.I think it happens few months ago, bago ikasal si Paulo at Eirine.
FLASHBACK
Nandito ngayon sina Pablo at Eirine sa Condo kasama ang kambal. They ask Mama's permission kung pwede itong mag Ninang sa kasal nila.
"Oo naman no! para namang kayong ibang tao sa amin, Yes na Yes!" excited na sabi ni Mama.
nagme-meryenda kami dito sa may terrace hanggang sa nagsalita ang makulit na si Polly."Hala! Kuya Pollo look oh! This is Kuya Star diba?" sabi nito habang turo turo niya ang picture frame na nakadisplay sa may sala. Nagtaka naman ako dahil picture ko yun nung 7 or 8 years old yata ako nun.
"Polly, Ano naman ang gagawin diyan ni Kuya Star eh hindi naman siya dito nakatira." sabi naman ni Pollo.
Pero bigla naman tumayo si Eirine para puntahan ang kambal. "Ah--eh Polly tama naman si Kuya Pollo, ano naman ang gagawin diyan ni kuya Star? eh n-nasa bahay tayo ni Tito Stell mo. i-ikaw talaga." sabi nito.
"Babe, Sino yung Star?" inosenteng tanong ni Pablo.
"Ah eh, ano yun ahm anak ng friend ko hehe" sabi nito medyo weird ang kilos ni Eirine pero hinayaan ko na lang.END OF FLASHBACK
"Pinauwi ko na muna yung kambal, ipinahatid ko kay Kuya Rolly." sabi Pablo na kakapasok lang dito sa lounge ng recording studio.
"Alam ko pare-pareho tayo ng iniisip." sabi ni Josh at tumingin naman siya sa akin. "Ano Stell?"
"Anong 'Ano'?" sabi ko ang totoo nagugulat at naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari.
"Wag mong sabihing balewala lang sayo ang lahat ng narinig mo?" tanong ni Jah
"S-syempre hindi no! Pero hindi naman ako sigurado kung a-akin yun!" sabi ko. Ang totoo hanggang ngayon ay indenial pa rin ako. Hindi pa nagsi-sink-in sa akin ang lahat ng nalaman ko.!
"Dre, kung 10 years old na nga yung bata, isipin mo sige, diba 10 years na rin ang nakalipas nung ikasal kayo ni Vien." tanong ni Josh.
"OO, p-pero isang beses lang namin ginawa 'yun', aksidente pa nga yun diba gawa ng tonic na pinasadya ng Lolo niya."
"Yung isang beses na yun, may protection o wala?" tanong naman ni Justin.
"S-syempre wala, pero diba impossible parin diba? Bakit tong si Pablo naka-ilan muna bago naka---Aray ko naman Pau!" sabi ko bigla kasi niya akong binato ng throw pillow.
"At talagang dinamay mo pa ako eh no! Kahit isang beses lang yun nangyari kung wala kang protection may posibilidad pa rin na nakabuo kayo!" sabi naman nito.
"Tsaka naalala mo nung may ikinuwento ka sa amin noon, yung about sa batang nakita ni Tita Mylene, diba hindi kaya nandito na yung batang yun bago pa bumalik si Vien sa Amerika kasama ang Lolo Condrad niya?"
"Oo pwede! ang galing mo Jah! kaya lang kung may anak na kayo bago pa siya bumalik noon, bakit hindi niya sinabi sayo ang tungkol sa bata nung nandito siya?"
"B-baka naman a-anak y-yun ni P-peter!" sabi ko na lang hindi pa rin kasi talaga ako makapaniwala eh.
"Kung anak nga yun ni Peter, bakit nakipaghiwalay si Vien sa kanya? Bakit naman sasaktan ni Peter si Vien kung nagbunga ang pagmamahalan nila diba? baka, buntis na si Vien bago ka pa niya iwan noon!" sabi ni Justin na may kasama pang paghamppas sa center table. 'loko'
"Aba! ang brainy mo ngayon Jah ah! Pero Dre, isa lang ang paraan para malaman mo, magpa-DNA test ka! o diba bagong-bago? hahaha!" sabi naman nitong si Josh.
"Mahihirapan kang magpa-DNA dahil mahirap hanapan ng sample yung bata kasi malayo sayo at hindi mo naman malapitan. Pero may isa pang paraan." seryosong sabi naman ni Pablo.
"Ano?!" sabay-sabay naming tanong.
"Lukso ng dugo." sabi ni Pablo."Yun yung naramdaman ko nang unang beses kong makita sina Pollo at Polly noon sa Cafe. Mararamdaman mo yun eh, alam mo yun yung parang hindi mo siya kilala personally pero mararamdaman mong konektado kayo. yun!ganun!" sabi ni Pablo, gusto kong maniwala sa kanya dahil sa aming lima, siya na ang naka-experience nun.
"Pero paano natin makikita ang batang yun?" tanong naman ni Josh.
"Syempre, aalamin natin sa mga anak mo!" sabi ni Justin habang nakatingin kay Pablo.
"Sigurado ako na magkikita yung magkaka ibigan na yun, kaya aalamin natin kay POLLY kung saan at kailangan magkikita sina Elaine,Eirine at Vien.! Ayos ba?" pagyayabang pa ni Justin.
Bigla naman siyang hinampas ni Pablo ng unan.
"Isa ka pang Justin ka! Gagamitin mo pa yung anak ko!"Natahimik lang ako sa isang tabi. Tama, isa lang ang paraan para malaman kung tama ba ang hinala ko.
....to be continued...